4th. Juno

71 3 0
                                    

Inihahandog ko sa inyo...

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

Dali-dali niyang ininom ang Aspirin at tubig habang nakaupo sa couch na nasa opisina niya.

She needs coffee badly.

Dahan-dahan siyang tumayo at umupo sa executive chair niya at tinawagan ang secretary niya sa labas.

"Ms. Juno, good morning. Is there anything I can do for you?" Magalang na sagot nang secretary niya for four years.

Parang pinupukpok ang ulo niya sa sakit. "Coffee, Miriam. Bring me lots of coffee and water and anything else na makakapagpawala sa sakit ng ulo ko."

Narinig niyang bumuntong-hininga ito. "Coming right up, madam."

Binaba niya na ang telepono at sumalampak sa desk niya.

Argh. Damn this headache.

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

"Ms. Juno. Ms. Juno." Tinatapik siya ng secretary niya sa balikat para marahil gisingin siya.

Umungol muna siya bago inangat ang ulo. "Miriam, 'wag mo ko alugin. Nahihilo ako."

"Pero madam, hindi po kayo magigising kung tatawagin ko lang kayo." Pagdadahilan nito.

"Alright. Fine. Whatever. Bakit mo ba ko ginising?" Pagmamaktol niya.

Nilapag nito sa desk niya ang isang malaking tray. Nakangiti nitong binaba ang mga gamit sa desk niya.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Ano yan?"

Ngumiti lang ulit ito. "Hangover remedy for the soul, Ms. Juno. Nagresearch kasi ako at nilagay ko na lahat diyan ang pwedeng makapagpawala sa hangover mo."

Tinignan niya ang mga nasa desk siya. Isang aluminum na thermos ng kape. Isang pitsel ng tubig. Isang mangkok ng napakabangong soup. Ice bag na may napakaraming yelo.

Sa wakas ay nagkaroon din siya ng lakas para ngitian ito. "Thanks, Miriam."

"No problemo. Tawag lang po kayo if you need anything else." Yumuko ito at lumabas na ng opisina niya.

Natawa siya. Alam na alam na talaga ng secretary niya kung ano ang kailangan niya.

Humigop siya ng soup habang pinatong sa ulo niya ang ice bag. "Mmmm. Masarap 'to ah."

Hilig kasi niya talaga ang magparty. Ever since. At sa edad niya at trabaho, marami ang nagugulat na ang lakas-lakas niya uminom.

She's 30 years old and she owns one of the biggest architectural firms in the country.

Lahat ng projects niya malalaki at ang nagustuhan sa kanya ng mga kliyente niya ay tumatanggap siya kahit maliliit na trabaho. Wala siyang pinipili as long as maganda para sa kanya ang project, she'll approve and then send one of her numerous teams to work on it.

Maraming natutuwa pero mas marami ang nabubwisit sa happy-go-lucky attitude niya.

Sa sobrang dami ng haters niya ay para na siyang artista. Hindi lang siguro matanggap ng mga 'to na one can be successful and happy at the same time. Lahat kasi ng mga tumuturing sa kanya as a rival ay puro boring na tao. They're too concentrated on how they're going to keep their money 'til they die. Siya kasi, kung may sobra sa mga dapat niyang bayaran, she gives them to charity. Shinashare niya sa mga tao niya. And she parties.

Masyado na siyang maraming naiipon para itabi 'to kaya why not share it, di'ba?

She parties a lot. Simula kasi ng sigurado na siyang stable ang business niya ay napagdesisyunan niyang mag-enjoy.

Married To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon