Inihahandog ko sa inyo...
*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
DAY 6
。Sweet House 。
"When are you going to come home, Czari?" Hindi niya maitago ang inis sa boses niya.
Kasalukuyan siyang nagvavaccuum ng carpet sa sala nila habang nakaipit sa balikat niya ang phone niya at tinawagan ang sobrang busy niyang virtual wife.
Narinig niyang tumawa ito. "Aw. Is my Gabe missing me? Say it! Say it!"
He sighed. "I miss you, Babe. Kailan ka ba uuwi? Akala ko ba magdamag lang 'yan? This is the third day already."
"I'm really sorry, Gabe. Naextend kasi yung photoshoot dito sa Solaire. Nagdecide sila na magdagdag pa ng three-page special." Paliwanag nito habang naririnig niyang ngumunguya ito. "Don't worry. Baka tomorrow morning andyan na ako. I'll go there straight from here. May gig ka ba bukas?"
"Yes. May TV guesting ako sa Silver Entertainment ng 8 o'clock ng umaga." Pinatay niya yung vacuum cleaner at umupo sa sofa. Naramdaman na niya ang pagod sa paglilinis ng buong bahay simula pa kanina.
He's so bored.
Wala pang isang linggo silang magkasama at aaminin niyang nasanay na siya sa kakulitan ng virtual wife niya. Para silang bata dalawa. They eat, they talk, they kiss, they cook, they clean and all the things na pwede nilang gawin sa Sweet House nila. Ang trabaho naman nila ay saglit lang, about five to six hours a day so they spend a lot of time together.
Wala pa naman siyang upcoming gig na kailangang hindi siya umuwi kaya most of the time ay nasa bahay siya.
Pero three days ago ay nagsabi si Czari na hindi ito uuwi ng tatlong araw for a photoshoot sa Solaire sa Pasay and he had to admit na bored na bored na talaga siya.
"Silver Entertainment? Yung rival ng DNIJJ? Buti pumayag si Ms. Prod na tumanggap ka ng work sa ibang entertainment label." Tanong nito sa kanya.
Tumayo siya at dumiretso sa kitchen. "Nasa clause naman ng contract na pwede akong tumanggap ng offer from different entertainment labels. Hindi naman daw big deal kay Ms. Prod yun."
"Hm. Makes sense."
"Hey, what are you eating?" He asked. Akala niya dati dulot lang ng pagdiediet ang mapayat na katawan nito pero sa ilang araw na magkasama sila sa isang bahay ay narealize niyang napakamapili nito sa pagkain. Iilan lang ang gusto nitong gulay at minsan lang ito kumain ng karne kapag nagcracrave lang ito. Puro pasta which is not good sa balance ng diet nito.
"May nagustuhan akong burger sa food court nila. Masarap naman siya." Sagot naman nito.
"And that's your...?"
Silence.
"Czari?"
Silence.
"Hey." May pagbabanta na yung tono niya.
Mukhang effective dahil alanganin itong tumawa. "...brunch?"
BINABASA MO ANG
Married To You
RomansaThree houses. Three couples. Six different personalities. One reality TV Show. Akala nila simpleng play time lang ito. Pero malayong-malayo ito sa akala nila. Feelings will get involved. Magiging komplikado ang mga bagay na akala nila...