Inihahandog ko sa inyo...
*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
Lucullan Yacht Club, Roxas Boulevard
"Kuya, sure kang masarap 'to ah. Kapag hindi, ibabalik ko sa'yo 'tong kakainin ko." Sabi niya sa nagtitinda ng kwek kwek habang naglalagay siya ng anim sa pulang plastic cup.
Napakamot ito ng ulo at tumawa. "Masarap 'yan, ma'am. With love 'yan galing sa'min ng asawa ko."
Nginitian niya ang asawa nitong mukhang bata pa na nagluluto ng kwek kwek.
Isinubo na niya ang isang kwek kwek sabay inom ng gulaman. Hm. Masharap sha, Darla. lol
Ang tagal naman nung Lance na 'yun.
Yup, alam na niya kung sino ang virtual husband niya. Nagshooting na kasi yung dalawang virtual couples aside sa kanila na hindi pa rin niya nakikilala sa ngayon dahil pinapablock ni Ms. Prod lahat ng info na pwedeng makapagleak sa identity ng mga yun at nalaman niya mula sa isang 'very reliable source' na si Lancelott Gatchalian, aka VP ng Gatchalian Group of Companies ang magiging asawa niya for 100 days.
Kilala niya ito since business tycoon din siya. Isa sa pinakatinitingalang kumpanya ngayon ang GGC dahil lahat na ata ng business ay napasok nila and they never fail. Kahit anong business line basta't napasok nila ay biglang nagbooboom sa market. Ganun kagaling ang angkan ng mga ito.
Kung hindi siya nagkakamali ay si Lance, bukod sa VP siya ng buong GGC ay siya ang kasalukuyang naghahandle sa Gatchalian Enterprises.
He's a flirt kaya siguradong madaling pakisamahan ito.
Umupo siya sa may concrete barrier sa Roxas Boulevard at tinignan ang araw na ilang oras pa ay lulubog na.
"Ang tagal ni Lance." Reklamo niya sabay nguya ng kwek kwek.
Kung tutuusin maganda rin na isang Gatchalian ang naging virtual husband niya dahil pwede niya itong offeran ng architectural services niya. Madami pa namang pagmamay-ari ang mga ito.
Noon ngang Tagaytay siya ay nakita niya ang mansyon na pagmamay-ari ng Director ng Gatchalian Group of Companies na si Ophelia Gatchalian. Napakaganda ng pagkakadesign sa istrukturang iyon at sigurado siyang galing pa sa ibang bansa ang mga gumawa noon.
Ang kaso ay bilang nag-aral din siya ng Landscaping ay narealize niyang hindi maganda ang pagkaka-ayos ng garden ng mga ito.
Hay, ang sarap sigurong ayusin ang napakalawak na garden ng mga ito.
Nagising siya sa pagmumuni-muni niya ng marinig niya ang natatarantang bulong-bulungan mula sa mga staff na nakapaligid sa kanya.
Halos sumigaw na si Direk Matteo sa sobrang badtrip.
Umikot siya at hinanap ang dahilan ng kaguluhang iyon.
Isang lalaking napakatangkad, napakaputi, napakamatipuno at napakagwapo ang kasalukuyang kinakausap ngayon ni Direk.
Kalmado itong nakikinig sa paghyhysterical ng Direktor.
Shet, ang pogi. Nakasuot pa ito ng puting polo at coat. Mukhang galing pa ito sa isang business meeting.
Tahimik siyang nakaupo doon habang nireresolba mga ito kung ano mang problema ang nangyayari.
Mukhang hindi macontact ni Direk sila Ms. Prod dahil kanina pa ito dial ng dial sa cellphone nito at halos ibato na nito iyon.
Nagkibit-balikat na lang siya at bumalik sa pagtingin sa dagat.
Perfect na sana eh.
Kung hindi lang ito mabaho.

BINABASA MO ANG
Married To You
RomanceThree houses. Three couples. Six different personalities. One reality TV Show. Akala nila simpleng play time lang ito. Pero malayong-malayo ito sa akala nila. Feelings will get involved. Magiging komplikado ang mga bagay na akala nila...