buntis

1.9K 32 0
                                    

Buntis - steal his innocence

kumunot naman ang noo ko . Ano daw ? . Wag nila akong sabihan ng between the lines nilang sinasabe dahil wala ako sa mood .

Sinapok ko naman si pixie . " nakashabu ka ba ? Anong hintay hintay pinagsasabe mo? Ang usapan dito eh bakit niyo ko pinapakielaman uminom ? Walang kami ni asher kaya ibaba niyo ko ngayon din ! " sabe ko pa pero sadyang mga gago talaga tong mga to.

" pagikaw di ka tumahimik diyan . hinding hindi mo na makikita si asher " sigaw sa akin ni pixie at mas lalong naginit ang ulo ko .

" ulol! Wala akong pakielam ! Mamatay na siya tangina niya ! " malutong kong sabe at nagtawanan lang sila .

Bakit ba ang hilig tumawa ng mga lalaki na pangasar . Nakakainis ! .

Tinanggal naman ni paulo ang earphone niya " were driving you home and you need to sleep and rest then wake up and go to school to study . Magtino ka " mahinahon niyang sabi sa akin .

" may magagawa ba ako? Mga pakielamero! Ina niyo! " sabe ko at humalukipkip at tumingin sa bintana ng kotse .

Kinalma ko ang sarili ko at ngayon at nanahimik sa loob ng kotse . Naalala ko na naman si asher .

Hindi ko alam kung totoo ba yung mga sinabi sa akin ni asher. Yung nagseselos siya , yung namimiss niya ako , yung nagaalala siya , yung pagiging possessive niya minsan . Ayoko sana bigyan ng meaning but i cant . Lahat kasi parang may meaning at totoo .

Yun pala hindi . Siguro mabait lang talaga siya at binigyan ko lang ng meaning kaya ako umasa .

" were here " rinig kong sabe Symone . Mabilis kong pinunasan ang luha ko at bumaba sa condo ko .

Nauna na akong naglakad at padabog na sinara ang pinto ng sasakyan . Sinundan nila ako hanggang sa elevator at wala kaming imikan .

" ilock niyo na lang pagumuwi na kayo " cold kong sabe pagkapasok ko sa pinto at sinarado ang kwarto ko .

natulog na ako at unti unti na namang bumalik yung sakit . Kasabay ng pagtulo ng luha ko .


" take care of yourself because hes taking care of his self too . " basa ko mula sa nakadikit na sticker note sa ref ko . Kakagising ko lang at nagaalmusal ako .

Yung mga pinsan na naman ni asher to . I dont know kung sino sa kanila pero isa sa kanila . Kinuha ko yun at nilukot tsaka binato sa basurahan . Taking care his self or taking care of hara ? . nagsama sama pa tong mga manloloko na to . Hindi na lang ako diretsuhin kung si hara talaga ang pinili niya .

Three days! Three days akong hindi lumalabas ng condo ko . Buti na lang at friday ako nagsimulang mawalan ng gana pumasok . buti na lang at one day lang ako naabsent .

At buti na lang biglang dumating si mama at papa sa condo ko . Nang makita ko sila ay sinalubong ko sila ng yakap at iyak .

" whats wrong with my baby . " hindi ko alam kung fairy ba tong mga parents ko pero alam nila ang ginagawa ko 24/7 .

Alam nila at sino ang kasama ko . They have many connection daw pag tinatanong ko sila kung pano nila nalaman . all i know na kahit wala sila ay alam nila kung kailan ko sila kailangan .

" papa mas lalo pa lang masakit kapag totoo na " mukha akong bata na naagawan ng candy at nagsusumbong sa kanila .

Hinagod nila ang buhok at likod ko . Nakayakap ako kay papa at hinahagod niya ang likod ko " its normal baby , thats how God teach us . Gusto niyang dumaan tayo sa ups and down until marealize naten ang gusto niyang ipaalam " aniya ni mama at hinimas himas ako sa braso .

" mommy bat ganun ? Kung kailan mahal ko na siya tsaka naman siya mawawala . "

" may mga tao kasing dadaan sa atin pero hindi para sa atin . malay mo kaya ka niya iniwan kasi may darating na bago " aniya ni mommy atsaka tumayo .

" bagong ano ma ? Bagong darating para saktan ako ulit ? " natawa naman si papa .

" ikaw talaga baby ko . Hindi ka pa rin nagbabago . Kahit anong lungkot mo nagagawa mo pa ring magpatawa " aniya ni papa at atsaka kinuha kay mama ang baso at binigay sa akin .

Pinainom ako ni mama . " tara alis tayo " nagtinginan si mama at si papa at nginitian ako .

" maligo ka na ang baho mo na oh! " sabe ni papa at tinulak ako sa banyo .

Kahit papano nabawasan ang sakit na naramdaman ko . nagbihis na ako at umalis kami . Gamit namin ang sasakyan ni papa at kahit anong pilit ko ay di nila sinasabi kung saan kami pupunta .

Hanggang sa maging pamilyar ang lugar na pinuntahan namin .Sa huspicio

" bakit dito pa ? " sabe ko nang ihinto ni papa ang sasakyan .

" bumaba muna tayo " aniya naman ni mama kaya naman bumaba ako at pumunta kami sa playground kung saan ako madalas maglaro nung bata ako .

" dito . " aniya ni papa at tumayo sa isang lugar malapit sa isang upuang semento .

" sa lugar na to ka namin nakita . Umiiyak ka pero kahit na umiiyak lumalaban ka sa mga batang nangaasar sayo " sabe ni daddy na ikinatawa ko .

Naluluha na naman ako " alam mo ba kung bakit kita napiling ampunin nun ? " napatingin ako kay mama . " kasi kahit na umiiyak ang lakas mo pa rin . Kahit nasasaktan ka lumalaban ka pa rin . nagulat ako kasi how even a child act like that ? " natutuwa ako habang kinukwento yun ni mama . Pinapalakas talaga nila ang loob ko .

Lumapit si papa sa akin " ang gusto ko lang sabihin is sana bumalik yung viana na kahit nasasaktan ay lumalaban pa rin . Hindi mo ba napansin na marahil iniwan ka ng magulang mo ay para mapunta ka sa amin at ikaw ang nagbigay saya sa amin viana . Ikaw ang nagpapangiti sa amin nung oras na pagod na kami umasa para mabuntis ang mama mo . " naluha na naman ako sa mga sinabi ni papa .

Tama si papa . Siguro nga maraming pwedeng manakit sayo pero kung patuloy kang lumalaban ay makukuha mo rin oras para hindi ka na masaktan pa .

Tama si papa na kailangan kong labanan ang sakit dahil ganun ang isang viana . tama si mama na marahil hindi talaga para sa akin si asher . Na siya lang ang nagturo kung ano nga ang tunay na pagmamahal .

" umuwi kami kasi nalaman kong di ka lumalabas ng condo eh dapat tayong may ipagdiwang " nagpunas ako ng luha ko at yinakap ko sila .

Kumawala ako at tiningnan si papa . " ano yun dad ? " tanong ko at nagtinginan sila .

" buntis ang mama mo "

Nanlaki ang dalawa kong mata . tumalon ang puso ko sa galak . My mom is only 35 at malaki na ako nang ampunin nila ako . Mga 10 years old na ako pero hindi sila natakot na ampunin ako kahit malaki na ako .

Matagal akong naghintay nun . Akala ko lalaki na ako sa huspisyo at magaalaga ng mga bata pero di ako nawalan ng tiwala at inampon nila ako .

Ang kwento at matagal na nila akong sinusubaybayan sa huspisyo . Magboypren plang sila ni papa at gusto na nila ako ampunin kaso ayaw ng pamilya ni papa na magampon sila . Kaya nang ikinasal na sila inampon nila ako .

Its a wonderful story para sa akin ang balikan ang mga araw na yun . Dahil sila ang kumumpleto sa buhay ko.

So i think i should move on with him?

Sa tingin ko im done with him.

Steal His InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon