bueza brothers

1.3K 29 0
                                    

Bueza brothers - Steal his innocence

sinimulan kong paandarin ang sasakyan kasabay ng pagbuhos ng luha ko . Ibinuhos ko lahat ng galit at sakit habang nagpapaandar ako ng sasakyan .

Ano bang karapatan kong umiyak ? Ano bang karapatan ko para magmakaawa sa kanya na wag niya ako iwan ? Ano bang karapatan ko sa kanya ?

Wala di ba ? Walang wala !

" tangina naman eh! " hininto ko ang sasakyan ko .

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi umiyak . Ang sakit ! Ang sakit malaman na hindi ka pinili ng taong mahal mo .

For the second time ako na naman yung nasaktan . For the second time ako na naman yung umasa . Ayoko na !

Ayoko na talaga magmahal . Parang hinuhugot lahat ng lakas ko sa pagiyak at hindi ko na talaga kayang magdrive . Pwede akong maaksidente pagpinagpatuloy ko pa to . Blurred na ang paningin ko sa sunod sunod na pagpatak ng luha ko .

" viana ! Wag kang umiyak! " sigaw ko sa sarili ko pero wala . Patuloy pa rin ang sakit na nadarama ko at nalalabas ko yun gamit ang pagtulo ng luha ko.

Isa lang naman ang sagot kung bakit ako nagkakaganito .

MAHAL KO SI ASHER !

i hate this feeling . Yung magmamahal ka pero lagi kang talunan . Yung magmamahal ka pero ikaw yung masasaktan . Palagi na lang ba ? Bakit ba kasi kailangan ka pa nilang saktan ?

Di ba pwedeng dumaan na yung tamang lalaki sayo at para di ka na masaktan pa .

Huminga ako ng malalim at bumuga ng hininga . Sige ! Pagbibigyan kita asher . Ganito ba ang gusto mo ? Ganitong laro ba ?

Nagpunas ako ng luha sa mga pisngi ko . at nagsimulang magdrive . then simula din ngayon hindi mo na rin ako makikita .

hindi na ako pumasok ng school kinabukasan . dahil hindi ko kayang pumasok at hindi ko kayang harapin si asher ngayon .

Dati naiinis ako sa mga babaeng tamad pumasok dahil iniwan lang ng boypren . Ngayon alam ko na ang dahilan . sadyang kinukuha ng energy mo ang sakit na nararamdaman mo mula sa puso mo .

Kung pwede ko lang gamutin ko nagawa ko na at pumasok na ako sa school . Pero sadyang wala akong gana gawin ang mga bagay bagay.

Hanggang ngayon di ko pa rin matanggap na nangyayari sa akin to . Na hindi ko maintindihan kung bakit di ako kayang mahalin ng nerd na yun . Most of all ng mga lalaki .

Sadya bang kabastos bastos ang aura ko kaya hindi nila ako magawang mahalin .

Pumikit ako pero nakita ko na naman ang mukha ni asher . Yung mukha niya ng gabing yun . Isang malamig na expression lamang . Batong bato ang damdamin niya.

Ayoko na ng ganito .

nagopen ako ng twitter

@vianatzn : i didnt expect that now im here absorbing all the pain you gave to me

@vianatzn : seems like sweetness , love , relationship dont like me

" bar tayo sasha " txt ko at madali ring nagreply si sasha

" vanity tomas " txt niya sa akin kaya naman nagbihis na ako .

I need some hard drinks . Yung makakaalis ng sakit .

Dumating ako sa bar na maingay ang music ng desert by dawin na nakaremix . Usong uso talaga tong music na to . Nakakasawa na nga sa pandinig eh .

" umiyak ka ba ? " bungad niyang tanong .

Steal His InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon