Leaving - Steal his innocence
tahimik siyang nagdrive ng car ko at di ko alam kung saan kami papunta .
Ngayong malapit siya sa akin parang may mga bagay na nagbago talaga .
hindi ako mapakali pagmalapit siya . Mabango na siya at yung pabango niya alam mong mamahalin pag naamoy mo .
Yung damit niya medyo nagbago na rin . Napansin kong nakaskinny jeans siya na black at vneck na tshirt striped na black and white .
Si asher ba to ? Yung totoo ?
I find him cute at his porma ." lets get things clears " aniya at pinarada ang sasakyan sa isang lugar malapit sa lake .
May table dun at nakita kong may basket . " anong gagawin naten dito ? " aniya ko habang nakatingin sa lamesa .
" baka rape-in ka " napalaki na naman ang mata ko sa sinabi niya at bumaba siya ng car at pinagbuksan ako ng pinto .
" that was a joke . Cmon babe " aniya sabay lahad ng kamay niya para alalayan ako sa paglabas ko ng car .
Jusko ! Si asher ba tong nasa harap ko ? . All i know masungit at walang sense of humor si asher . Pero anong nangyari sa kanya ?
Nang makaupo kami naglabas siya ng ilaw at yun ang naging ilaw namin since papalubog na ang araw . " nerd ! " humarap siya sa akin at ngumiti .
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko . " what happened ? ikaw ba si asher ? Sabihin mo nga ang totoo "
Napatawa naman siya habang naglalabas ng pinggan at mga pagkain namin . " its me . " aniya at kinindatan pa ako .
Napanganga ako sa ginawa niya . This is really not happening . Nagiba talaga for real si asher .
Naging mas seductive at playboy ang aura niya . And i dont like that . Inayos na niya yung table at nakita kong may white spaghetti at pizza rito .
Nagcrave tuloy ako at medyo kumulo ang sikmura ko . " lets eat first " aniya
Kaya naman kumain na ako pero di ko talaga mapigilan na mapatingin sa kanya . i dont know pero iba ang aura niya ngayon . May something na di ko malaman .
" what ? " aniya habang may laman pa ang bibig . Umiling ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.
Tahimik kaming kumain at nang matapos na kami ay naglatag naman siya sa damuhan malapit sa lake at pinaupo niya ako .
" viana this will be our last night " napatingin ako sa kanya .
This is not what im expecting him to say . Parang pinipiga ang puso ko nang sabihin niya yun . hindi siya nakatingin sa akin at nakatingin lamang sa malayo .
" you will not see me again for a long time " humahapdi ang mata ko at bumibigat marahil dahil sa tubig nito na anytimePwede nang bumagsak . Ayokong umiyak sa harap niya . Ayoko! .
ayoko nang mga sinasabi niya ngayon . Parang bala na tinatamaan ang puso at utak ko . Sino ba naman ako para pigilan siya ? . Sino ba naman ako sa kanya para sabihing wag niya gawin . .Wala namang kami eh bat ako nasasaktan .
" bakit mo sinasabi sakin to ash ? " kahit na barado na ang lalamunan ko sa sakit na pagpigil ko na humiyaw sa sakit ay nakapagsalita pa rin ako .
" i dont want you to wait for me . If you want to party its okay . If you want a new fling its okay . just take care of yourself " tinitigan ko siya pero bato siyang maituturing dahil malamig na tingin lamang ang binato niya sa akin .
" kanina gusto mo akong palayuin kay harry ngayon pinagtatabuyan mo ko" napatingala ako para pigilan ang luha ko pero traydor tong mga to dahil tumulo pa rin siya sa pisngi ko .
" ive realized something . I dont want to be possessive to you so im setting you free "
Napatawa naman ako kahit na naiiyak ako . Pinunasan ko ang pisngi ko dahil sa mga luhang tumutulo " setting free ? mukha tayong nagbre-break ." mukha akong baliw na natatawa at umiiyak .
Unang una naman kasi ako ang nanggulo sa kanya . Pangalawa di ko naman plano na mainlove sa kanya . Pangatlo ako lang naman ang kontrabida sa kanilang dalawa ni hara . At ang huli ay maaring nalaman niyang hindi niya ako mahal .
Huminga ako ng malalim para makapagsalita . Napapaos na ako . Gusto ko maging klaro ang lahat pero hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari ngayon .
" ash if i say na wag mo kong iwan ? Gagawin mo ? " tanga na kung tanga pero gusto ko malaman ang sagot niya .
Tumingin siya sa akin at yumuko . " im sorry viana . You will never understand and nakapagdecision na rin ako " napapikit ako at tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko .
napaangat siya sa akin at hinawakan ang mga braso ko nang dalawa niyang kamay . " listen viana . I need to do this . I dont want to hurt you "
Tangina naman eh . Oo na ! Alam
ko na ! . Mas mahal niya si hara kaysa sa akin . Na mas pinili niya si hara kaysa sa akin ." nasasaktan na ako " mahina kong sabe sa gitna ng pagiyak ko habang nakayuko .
Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang kamay ko . Inalis ko ang kamay niya sa braso ko . " bitiwan mo ko . " mahina kong sabe .
Siguro tama si harry . May mga taong mukhang gusto mo pero hindi naman talaga .
narealized na ni asher na mas mahal niya si hara . Na baka nagustuhan niya lang ako dahil sa physical kong anyo . na marahil dahil nakakasama niya lang ako . At ngayong bumalik na si hara ay bumalik ulit ang feelings niya para kay hara .
" sorry for annoying you . Im going " sabe ko at pumunta sa car ko .
BINABASA MO ANG
Steal His Innocence
RomanceWill a liberated girl steal the innocence of a nerdy boy ? Will she win or fall? Will he ignore her or fall?