LAST TIME:
Sa gitna ng pag-training ng bagong schoolyard detectives, planong hahanapin ni Trisha Navarro ang isang tipster mula sa Reverie Valley Subdivision.
Ang tipster na ito ang makakapagturo sa kanila sa sinapit nina Rose-Red at Boy Blue, ang unang campus detectives ng school nila - at ang tanging posibleng may alam kung paano pigilan ang Blackmail King...
-------
Trisha / Reverie Valley Subdivision, Saturday, 3:40 PM
Lumang mga bahay. Abandonadong mga pabrika. Kulay-abong mga talahiban.
This place is a dying place.
Ito ang first impression ni Trisha sa Reverie Valley Subdivision, sa trike papuntang bahay ng bago nilang schoolmate-slash-client.
Ito naman ang first impression ni Tim: Takte! Ba't binato ng bote yung trike namin?
"Ganyan talaga dito, boy," kaswal na sabi ng driver sa harapan niya. Dahil naka-backride si Tim sa trike, lumingon siya sa pinanggalingan ng binatong bote.
May limang lalaking nakatambay sa tapat ng isang sari-sari store, nagtatawanan. Kasing-edad lang sila nina Tim at Trisha, pero bakas sa mga mukha nila ang karanasan ng mga ilang taon ang tanda sa kanila.
Napansin ni Tim na nangingibabaw ang kulay pula sa mga damit nila: pulang jersey, sumbrero, shorts, at bandanna.
Gang colors, deduce niya.
"Biglang nagkalat yang gang nila dito," komento ng driver, para bang narinig ang iniisip ni Tim. "Siguro mga dalawa, tatlong buwan na? Antapang nila ngayon kasi may bago daw silang boss, tirador daw..."
Sa sidecar, narinig ni Trisha ang komento ng driver. "Tirador?"
"Enforcer," translate ni Tim para sa kanya.
Nagulat si Trisha sa dami ng mga abandonadong pagawaan sa Reverie Valley. Dumaan sila sa isang higanteng gusali, napaliligiran ng chain-link na bakod.
Dati itong pabrika ng harina't asukal, ayon sa nakita ni Trisha sa sira't butas na signboard nito ( _ I _ V _ S na lang ang natira sa anim na letrang dapat ay nasa signboard). May malaking CONDEMNED sign sa harap nito...pero nakarinig si Trisha ng sigawan at tawanan mula sa loob.
Umiling lang ang driver.
"Ewan ko sa mga kabataang 'yan," sabi ni Manong. "Hindi na lang sila pumares sa ibang teenager dito, naghahanap-buhay na lang para 'di napapahamak..."
Tinuro niya ang isang kabataang may vending cart, nakaparada sa tapat ng pabrika. Tinignan ni Trisha ang nakasulat sa gilid nito: KAIN-CART! A Livelihood Project of the Reverie Valley Homeowners' Association.
Sa wakas, tumigil sila sa isang puting two-story house: mas malaki sa townhouse, mas maliit sa mansyon; napaliligiran ng bakod na may decorated railing at mga palumpong ng sampaguita.
Sa tapat ng magandang bahay, parang yang sa yin nito, isang malawak pero tigang na bukid ang nagbigay kina Tim at Trisha ng matamlay na panorama ng Reverie Valley.
BINABASA MO ANG
Hidden Hearts
Mystery / ThrillerDalawang bata, pinagbuklod ng isang school mystery. Dalawang magkaibigan, pinaghiwalay ng matinding away. Dalawang schoolyard detectives, back for one last year of crime-solving...and the great, old evil behind their first case.