[2] Fourth Year - Unity

572 78 70
                                    

LAST TIME:

Dahil nasiraan ang lumang school bus ni Trisha Navarro, nahuli siya sa ng flag ceremony ng Saint Jude of Galilee Academy.

Pina-iwan siya ng guard para sa grooming inspection - isang inspeksyon na siguradong di niya mai-papasa, dahil sa narumihan niyang mga kuko.

____________________________________________________________

TRISHA (HIGH SCHOOL)

Saint Jude of Galilee Academy, High School Building/7:28 AM

Nakasalampak si Trisha Navarro sa main hallway para antayin ang kanyang inspection, kasama ang kapwa niyang mga sawimpalad.

Pero habang tinatanggal niya ang pawis sa mukha at inaayos ang buhok niyang laging nakatali ng goma, patuloy na umiikot ang mundo para sa ibang mga estudyante ng Fourth Year – Unity.

Mula sa basketball court, unti-unti niyang naririnig ang ingay ng mga estudyanteng katatapos lang mag-flag ceremony – parang mga alon na papalapit sa beach bago humampas ng pagka-lakas-lakas.

 ===

                 Ginaganap kada Lunes ang grooming inspection ng Saint Jude of Galilee Academy. Isa lang ito  sa napakaraming dahilan para sumpain ng mga Thaddeans ang unang araw ng school week.

Pag napatahimik na ng faculty ang mga mag-aaral, pipili na ng tatlong estudyanteng mamamahala sa opening prayer, Lupang Hinirang at Panatang Makabayan, mula sa mga estudyante ng paaralan.

          Importante sa mga hindi nag-gupit ng kuko ang mga minuto pagkatapos ng Panatang Makabayan. Habang naglalakad pabalik ng kani-kanilang classroom ang mga pila ng estudyante   (Nursery hanggang Fourth Year), kung mabilis ka, may tsansa kang maka-hiram ng nail cutter sa taong nasa harap, likod o gilid mo.

          Isa sa mga technique ng mga mag-aaral na nahaharap sa sitwasyon na ito ang mag-pabagal ng lakad. Konting bulong dito, konting sundot doon, at planado na ang lakad ng isang buong klase.

          At kailangan ito, dahil sa makitid na gate ng basketball court – bago umabot ng main hallway – nakaabang ang administrator na si Sir Tony, handang hatakin at ipa-iwan ang sinumang hindi sumunod sa grooming guidelines (Article 7, Paragraph 12 ng Student’s Diary) ng Saint Jude.        

                                                                                                                                     

Rom at Kivo/7:38 AM                                                

          ‘Tsst! Huy! Sabi nang bagalan, eh,’ bulong ni Rom Calzado, captain ng varsity basketball team ng SJG, isa sa mga pinakamatangakad sa Fourth Year –Unity, at isa sa mga hindi nakapag-gupit ng kuko.

Tinaas ni Calzado ang mahabang kuko sa hintuturo at – gamit ang matalas na sulok nito - ay kinalmot ang batok lalakeng nasa harap niya.

 “Aray!”sigaw ni Kivo Magdangal, sabay hawak sa batok niya. Sobrang tangkad, sobrang payat, si Kivo ang madalas napag-ti-tripan ng kaibigang si Rom at ng iba pang miyembro ng kanilang tropa.

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon