Chapter 1: Case 4: Fallen Stars [Case Briefing]

297 42 73
                                    

LAST TIME:

Matapos malutas ang case ng isang varsity gambling ring, handa nang balikan nina Trisha Navarro at Tim Crespo ang paghahanap ng Hidden Hearts - pero may nagbabadya muling banta sa paaralan nila.

Ito ang Blackmail King, isang taong ginagawang lihim na tagasunod ang mga estudyante at staff ng paaralan – at ang  dahilan ng pagtalon mula sa High School building ng isang estudyante…

__________

Note: Dedicated to AgentRevenger, na mod ng Bida Wattpadder! Matagal ko nang utang sa kanya ‘to, eh. Salamat sa suporta sa Season 3! WOOH! Anyway read his BenteUno: Game of Death, na holy crap, Horror #44! Wooh!

__________

TIM (HIGH SCHOOL)

Detective Office / Sunday, 6:04 PM

What will you be when you grow up?

Isa ito sa madalas itanong sa mga unang taon ng buhay natin.

May mga gaya ni Trisha Navarro na talento ang bumubuo sa pangarap. Noong 5 years old siya, pinangarap niyang maging unicorn trainer, hanggang may nagpaliwanag sa kanya na hindi totoo ang mga unicorn. 

Sa huling taon niya ng high school, tatlong letra ang kumakatawan sa pangarap ni Trisha ngayon: FBI, at isang career bilang agent o profiler.

May mga gaya ni Tim Crespo, na saka lang natatanto ang pangarap matapos kumawala sa kinasanayan. Nang maghiwalay sila ng landas ni Trisha noong Grade 6, nadiskubre ni Tim ang husay niya sa basketball, dahilan para sumali siya sa varsity.

Bagaman naka-arm sling na ang braso niya (at kahit halos pantay siya kay Trisha bilang amateur detective), pangarap pa rin niyang maging basketbolista. Three letters din ang simbolo ng pangarap niya, pero ang mga letra sa isip ni Tim ay NBA.

Pero gaya ng lahat ng tao - may pangarap man o wala, may arm sling man o wala – wala silang puwedeng gawin kundi mabuhay sa kasalukuyan at maghanda para sa hinaharap. At ito nga ang ginagawa nila ngayon,

Palubog na ang araw sa talahiban na kinatitirikan ng shipping container office nila. Sa loob, nagsusulat si Trisha habang tinitignan ni Tim ang higanteng whiteboard na gamit nila sa mga cases.

Nagkalat dito ang mga news clippings mula sa  Desandiego case, mga pictures ng structural defects ng High School Building galing sa Yellowmen case, at ang mga larawan ni Biao Mei (a.k.a. ang pop star na si Pepper Liang) mula sa Brandon Solis case, pati na rin ang mga notes na sinulat nila gamit ng marker.

Tumingin si Tim sa partner niya. “Ready?”

Hindi na kinailangan pang lumingon ni Trisha. “Yep. Take it all down.”

Kinunan ni Tim ng picture ang whiteboard (bilang reference), bago pagtatanggalin ang mga laman ng whiteboard. Ang natira na lang ay ang nakaguhit na Hidden Heart sa tuktok ng whiteboard; ang dalawang linya sa ilalim ng Heart na nakaturo sa mga pangalang BOY-BLUE at ROSE-RED.

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon