[5] Case 2: Boyfriends & Betrayal [Briefing II]

267 40 46
                                    

LAST TIME: 

Nalaman ni Trisha Navarro na ipapa-condemn ng coldhearted na si Principal Delgado ang High School Building – at pag nangyari iyon, lahat ng Hidden Hearts dito ay tuluyang mawawala.

Pero naudlot ito dahil ‘di payag ang school administrator, si Sir Tony. Kaya’t habang may oras , pinatindi ni Trisha ang paghahanap ng Hidden Hearts - at sa mga gumawa nito, sina Rose Red and Boy-Blue…

______________________

Note: Dedicated kay jpsbrnd, a.k.a. The Gold Ranger, na nag-dedicate sa akin ng kanyang tulang #ManongPara! Basahin niyo ang kanyang I am dead (Flash Paranormal Fictions and Poems)! 

______________________

TRISHA (GRADE SCHOOL)

“Ayan, case closed. Iuwi mo na yang phone mo, ba?” sabi ni Trisha. Ngumiti ang batang babae at niyakap ang mga schoolyard detectives.

“Salamat talaga, Trisha! You guys are the best!” sabi ni Nicola Calma.

______________________

TRISHA (HIGH SCHOOL)

HS Building, Hallway/After Classes

“Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Gamitin kasi ang mata, diba?” sigaw ni Nicola Calma kay Trisha Navarro.

Hinawakan ni Trisha ang braso niya. Nasa labas na ng gate si Nicola, pero kita ni Trisha ang body language ng malditang campus princess.

 

Slumped shoulders = loss of confidence. Mabilis ang lakad = ‘di mapakali, may iniisip. Mag-isa at maagang umuwi = escape reflex, gustong tumakas at mapag-isa. Matining na boses =  tension sa lalamunan.

So ganito pala pag-na heartbroken ang isang maldita, isip ni Trisha. Tao lang din siya. She hurts and she bleeds, gaya ng isang ordinaryong babae.

Pumasok si Trisha sa Library ng Saint Jude of Galilee Academy, at nakita niya ang partner niyang si Tim Crespo sa likod ng isang tambak ng makakapal na libro at nilapitan ito. “I found a lead,“ bulong niya.

Napatalon si Tim sa gulat. “Anak ng- Trish, you scared me. Wala man lang bang Hello? O kaya, Hi, I’m right behind you?” Nag-shrug si Trisha. “Sorry.”

 

Ngumiti si Tim. “Fine. just, uh, don’t that again. ‘Nga pala, nakita ko na yung Hidden Heart. Tignan mo.” May inabot siyang libro kay Trisha, bago ituro ang nakaguhit na puso sa last page nito.

Math-related ang clue ng Heart na hinahabol nila -  trademark ng babaeng kilala lang nila bilang Rose-Red, isa sa mga dalawang gumawa sa Hearts. 

“Tsambalero,” ngiti ni Trisha, habang kinukuha ni Tim ang love letter na itinago ni Rose-Red sa libro. “Anyway, I think may lead ako tungkol kay Kier.”

Tumingala si Tim, at nakaramdam ng kaba si Trisha: biglang nandilim ang paningin ng dating point guard. “Tell me.”

 

Two weeks ago, inabangan at ginulpi si Tim ng grupo ng mga tambay.  Isa sa mga ito - ang mataba’t brutal na si Kier - ay walang-awang binalian si Tim ng braso.  Isang clue lang ang nakuha niya mula sa insidente: ang mga katagang, “Pasensya na, Tim - utos lang sa ‘min to."

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon