Chapter 15: Case 8: Valley of the Shadow [4]

106 13 23
                                    

LAST TIME:

Binugbog ng bayolenteng dalagita na si Louella Ortega ang boyfriend niya – at gustong malaman ng kapatid niyang si Elaine ang nangyari sa dating mabait niyang ate.

Sa gitna nito, nakatanggap si Trisha Navarro ng 'di inaasahang tulong: si Manang Carmen, ang dating tipster nina Rose-Red at Boy Blue, 25 years ago...

________________

Carmen's Eatery & Catering / Monday, 4:01 PM

"Bakit inaatake ng Raider yung Kain-Cart Program? At anong kinalaman ng lahat ng 'to kay Louella?"

Ito ang tanong ni Trisha kay Manang Carmen, pagbisita nila ni Tim sa karinderia ng matanda. 


Kapalit ng paglutas sa case ni Elaine Ortega, sasabihin niya ang alam niya kina Rose-Red at Boy Blue, at sa Blackmail King.


"Ganoon kami noon," aniya. "You scratch my back-"

"-You stab ours," sagot ni Tim. "Paano namin masisiguradong 'di mo kami dadayain?"


Trisha glared at him, but she could see Tim's point. Tumingin siya sa matanda.


"No offense po, Manang, pero kailangan talaga namin yung alam ninyo. May tinutunton kami, yung Blackmail King-"

"Oh, so he's back, too?" Manang Carmen smiled.

Nagtinginan sina Tim at Trisha. "Kilala niyo siya?"


"Oo," sagot ng matanda. "Or at least, yung Blackmail King noong panahon nina Rose-Red. We talked about him, gave them a few leads, and..."

Uminom siya ng tsaa.


"...And that's as far as I'm going to give you," she smirked, "until you help me with the Ortega sisters."

And that is how we (and they) got here.


Na-refill ng matanda ang baso niya.

"Sandali lang, ha? Napaparami ako ng tsaa, nananakit kasi ang katawan ko nitong mga huling buwan, eh. Umiinom ako nito 'pag namamaga yung mga kalamnan ko...."


Tinignan ni Trisha si Carmen Salgado. She had the look of a self-made Doña who lost the mansion, the cash and the clothes, but not her bearing, smarts, or work ethic.

In fairness, 'di naman siya lugmok sa kahirapan. Tinignan ni Trisha ang eatery: kahit 'di peak hours, marami pa ring bumibili't kumakain sa mga mesa sa paligid nila.


The old woman poured tea for what (in Tim's opinion) seemed like an eternity, before speaking.


"Mahilig akong tumulong sa Reverie Valley," ngiti niya. "Ako ang lead caretaker sa Clubhouse at HOA Office - taga-linis, taga-file, tagahawak ng spare keys. Nandoon din ako kapag may meeting yung Board Members. Unofficial board member, kumbaga."


Uminom siya. "Which is why I was one of the first to know the Raider was attacking the Kain-Cart Program."

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon