[6] Case 2: Boyfriends & Betrayal [Clues]

248 40 30
                                    

LAST TIME: 

Nalaman ni Trisha Navarro ang koneksyon sa pagitan ni Kier (ang tambay na bumali sa braso ni Tim Crespo) at ng Saint Bartholomew School, ang school na tinalo nina Tim sa varsity basketball, ilang oras lang bago siya balian ng buto ni Kier. 

Ngayon, para makapasok sa Saint Bartholomew, pumayag si Trisha na lutasin ang case ng kaklaseng si Nicola Calma, na naghihinalang kinakaliwa siya ni Brandon Solis, ang boyfriend niyang Bartholomean…

______________________

Dedicated to ate NerdAndShoes, na fellow fan ko ng Heart's Mask, new reader, at moderator ng N.A.S Book Club! Wooh! Salamat sa pagsuporta! :)

______________________

 TRISHA (HIGH SCHOOL)

 Detective Office, No Man’s Land/10:15 AM

“The prosecution rests.”

 Lumingon si Tim kay Trisha. “Huh?”

 Tumingin si Trisha mula sa office desk niya. “That’s what lawyers say, pag tapos na silang mag-present ng case nila.”

Nakatitig si Tim sa whiteboard nila. Sa tabi ng picture ng Yellowmen, dinikit niya ang picture ni Brandon Solis, sabay sulat ng CHEATING ON NICOLA CALMA? Y/N? gamit ang red marker.

“Prosecution…wait, sa palagay mo, may ibang girl nga si Brandon?” akusa ni Tim, bago kunin ang isang malaking file box: COLD CASES.

“You think inosente siya?” tanong ni Trisha.“Handsome, spoiled rich kid, campus prince, chick magnet - he probably knows it, and worse, he probably takes advantage of it.”

Nag-shrug si Tim, sabay kuha ng files sa loob ng kahon.“Di purke’t ganon siyang tao, ibig-sabihin two-timer na siya.”

Tumawa ang nagsusulat na babae. “Teka, Tim. Ba’t ba sobrang pinagtanggol mo si Brandon Solis?”

Hindi alam ni Trisha, pero kaya kampi si Tim kay Brandon ay dahil parehas silang pinag-hihinalaang disloyal ng kani-kanilang mga girlfriend.

Nag-usap na si Tim at ang GF niyang si Margie Espinoza tungkol sa pagiging distant ni Tim – dati, dahil sa nabali niyang braso, at ngayon, dahil sa paghahanap siya ng Hidden Hearts kasama si Trisha.

Pero ito ang sabi ni Tim: “Well, Nicola hired us hindi para patunayang nambababae si Brandon…pero malaman kung nambababae nga ba siya. There’s a difference, Trish.”

Nag-sigh si Trisha. “Fine, be optimistic. I’ll be pessimistic. That way we have both sides covered.” Kumindat si Tim bilang sagot, at naghandang lumabas ng office.“Wait, saan ka pupunta?”

“Ikaw muna mag-handle kay Nicola. Alam mo ba, paubos na battery ng phone ko kasi kanina pa niya ako tinatanong tungkol sa case niya?” sabi ni Tim, sabay tingin sa phone niya. 

“Also, may i-fo-follow up lang akong lead. About the night I was beaten up,” dagdag niya. “Kinuwento ko sa iyo yun, diba? Yung Hidden Heart sa loob ng Cherrylyn?”

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon