[1] Ghost Story (2 of 2)

326 42 66
                                    

LAST TIME:  

Maraming nawala kay Tim Crespo nang siya’y magulpi’t balian ng braso – his looks, his role as point guard, at ang inaasam niyang athletic scholarship.

Pero nang makipag-usap sa GF na si Margie, may naalala si Tim sa gabing nawala ang braso niya...dahilan para balikan ang isang hobby na ilang taon na niyang kinalimutan: ang paghahanap sa mga nakaguhit na Hidden Hearts.

______________________

Dedicated kay hilawnatuhod, author ng horror story na Lagusan! Tungkol po ito sa isang babaeng hindi naniniwala sa paranormal, at ang reaksyon niya nang siya mismo ang naging buhay na pruweba nito. 

Finished story na ang Lagusan, kaya basahin niyo na! Sobrang sulit ang chapters!

______________________

 TIMMY (GRADE SCHOOL)

 Detective Office, No Man’s Land/3:30 PM

“May nakita ulit akong Heart!” sigaw ni Timmy.

 Naroon sila sa shipping container na nagsisilbing detective office nila.  Friday na ng hapon, at sinusulit ng dalawang Grade 4 ang umpisa ng weekend. 

“Yes!” sagot ni Trisha Navarro, sabay buklat ng notebook nilang ginagamit bilang record ng mga Hidden Hearts. “Okay, anong number?” tanong niya bago palitan ng bala ang magic pencil niya.

Tinignan ni  Timmy ang index card na pinagkopyahan ng Heart. “#172.”

 “Location?” “Library. Nakasulat siya sa Math book, um…” dahan-dahang binasa ni Timmy ang title ng libro. In-te-gral and Di-ffer-en-tial Cal-cu-lus.”

 Ilang minutong nagsulat si Trisha ng data sa notebook. Ngumisi si Timmy sa nakayukong kaibigan. “Heh. Pustahan tayo, mauuna kong ma-solve ito sa’yo.”

Tinaas ni Trisha ang ulo. “Ha! Asa ka pa!, Ako nga lang naka-solve ng Hearts this week, eh."

“Anong puro ikaw? Ano yung Heart na naka-drawing sa bench ng simbahan?”

Humalakhak si Trisha. “Madali naman ‘nun, eh. Yun nga ang una nating code na natutunan, diba?”

 Reverse alphabet ang unang code na sinaulo nina Trisha at Timmy - isa lang sa marami na ginamit ng mga gumawa sa Hidden Hearts: sina Rose-Red at Boy-Blue.

Dahil dito, bihasa sila parehas sa reverse alphabet - agad nai-translate ni Timmy ang “Ozylizglib: Kligizrg Mr Vrmhgvrm” sa lokasyon ng kapares na Heart: “Laboratory: Portrait ni Einstein.”

 “Sus! Inggit ka lang, mas mabilis ako mag-solve.” Pumunit si Timmy ng pad paper, at nilukot na parang basketball. Nag-umpisa na siyang mahumaling sa basketball. “Crespo for Three!”

Pak! Tinamaan siya ng isa pang papel na bola sa mukha. Lumingon siya, at nakita niya si Trisha, humahagikgik.

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon