Chapter 14: Case 8: Valley of the Shadow [3]

117 15 36
                                    

LAST TIME:

Sa pagdating nila sa Reverie Valley Subdivision, isang panibagong case ang  kakaharapin nina Trisha Navarro.

Nag-aalala ang Grade 4 student na si Elaine Ortega para sa ate niya – isang babaeng ginulpi ang BF niya sa isang hindi pa nakikilalang dahilan...

____

Reverie Valley Multi-Purpose Hall / Sunday, 3:21 PM

Louella Ortega is a beauty trapped inside a beast.

And our job, apparently, is to find out how and why it happened.


Pero 'di mapigilang mag-aalala ni Trisha para kay Tim.


Napansin niya ang sullen mood ng partner niya nitong mga nakaraang araw. His anger was always hot, just as hers was always cold – that was how it was with them.

But now Tim was running cold: a wall of ice where there once was fire. And that worried her.


"...Ayos ka lang ba? Parang ang sama ng mood mo lately."


The boy with the arm sling shrugged.

"Siguro dahil lang sa case," he lied. "Biro mo, ang bait ni Elaine, pero yung ate niya, sobrang...sobrang-"


Inisip ito ni Trisha. Kahapon, ginawang war-zone ni Louella Ortega ang tahimik na usapan nina Tim, Trisha at Elaine sa Ortega Residence. The girl they were tracking, it seemed, had a natural talent for angering people.


Pero umiling si Trisha.

"Bago pa tayo magpuntang Reverie Valley, badtrip ka na. Kung anuman yung dahilan nito, nangyari iyon bago pa natin kunin tong case..."

May na-realize siya. "Wait. Dahil ba 'to kina Alexa at Jomar? Oh. My. God. It totally is."


Nag-scowl si Tim.

"Fine," sagot ni Trisha. "Pero malaking lugar 'tong Reverie Valley, Tim. Baka kailanganin natin ng tulong, at sa ngayon, silang dalawa lang ang pwede nating asahan."

Nag-isip siya. "Unless gustong sumama ni Margie?"


"Hindi raw," lied Tim, again. Ang totoo, nais tumulong ng GF ni Tim sa kanya, pero siya ang ayaw ma-involve si Margie.

He was shutting out people left and right. And he wasn't interested in dealing with why right now.


Sa wakas, dumating na sila sa Reverie Valley Subdivision Clubhouse. Nagulat sila sa dami ng tao: ang iba, nakatayo't nagkukuwentuhan; ang iba, nakaupo sa mga hilera ng monoblock, inaantay ang umpisa ng HOA Meeting na pakay nina Trisha at Tim. 


"Ate Trisha! Kuya Tim!" sabi ng isang boses. Masayang lumapit sa kanila si Elaine Ortega, ang Fourth Grader na schoolmate/client nila.

Ngumiti si Trisha. "Hi, Elaine! Ikaw lang nagpunta dito?"


Umiling ang bata. "Kasama ko si Mama, tumutulong sa pag-aayos sa meeting."

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon