LAST TIME:
Matapos mahuli sa klase dahil sa nasirang school bus, kinausap ng ex-schoolyard detective na si Trisha Navarro ang bus driver niya, si Mang Erning.
Sa pag-uusap nila, bumalik ang alaala ni Trisha sa isang case na naiwan niya noong Grade 6 pa siya...isang case na may kinalaman sa dating best friend na si Tim Crespo, at isang misteryosong drawing ng puso sa loob ng school bus in Trisha...
_______________
TIM (HIGH SCHOOL)
Fourth Year – Unity Classroom/Wednesday
Homeroom. Values Ed. Science, Computing. Recess. Filipino. Literature, MAPEH. Lunch, Hekasi, Math. Ito ang class schedule ni Tim Crespo ngayong araw.
Dalawa na lang, kaso parehas contender sa Most Boringest Subject Award. Contestant Number One from Saint Jude Academy: Hekasi!
Tinignan ni Tim ang sarili sa hand mirror ni Margie Espinoza. Ang repleksyong nakita niya ay maputi, matangos ang ilong, at mga matang may kapirasong asul sa gitna.
Sinoli ni Tim ang hand mirror sa girlfriend. "Ayan, maayos na, ha? Masaya ka na ba?" Pabiro niyang sinabi.
Wala pa si Miss Pascual, ang (ayon sa isang lihim na hirit ni Nicola Calma) kulubot na tinubuan ng mukha. Sa itsura ng Hekasi teacher, kailangan laging may bumantay in case bigla siyang tumumba, gumuho at maging alikabok, parang yung kalaban sa ending ng unang Harry Potter.
At dahil wala pa ang pusa, tuloy ang laro ng mga daga: sa loob ng Fourth Year classroom, nag halo-halo ang ingay ng usapan, tawanan at harutan. Hindi maiiwasan ang ingay sa kahit anong classroom, private o public, at ang St. Jude ay hindi exception.
Sa harapan ng classroom, nagsusulat si Marlon Alcantara sa graphing paper habang nakalabas ang scientific calculator. Naalala ni Tim ang ni-listang Math homework kahapon, sabay isip, wait, next week pa ipapasa ‘yung homework na ginagawa niya, ah. Mga math genius talaga.
Mga ilang upuan sa kanan ni Marlon, inaabutan ni Jomar si Trisha Navarro ng bente pesos. Hindi sigurado ni Tim kung bakit, pero ang pagka-rinig niya ay nahulog sa trike yung wallet ni Jomar kahapon kaya napilitan siyang mangutang sa katabi.
Sa likuran, maingay na tinutuloy ng mga ka-tropa ni Tim ang usapan nila sa sa canteen tungkol sa AHPSAA, ang Alhambra Homes Private School Athletic Association.
“Hindi, p’re, twice-to-beat yung Saint Bartholomew eh,” sabi ni Kivo Magdangal, na nakaupo sa sandalan ng armchair niya. “Wawalisin lang nila yung MTA.”
Graduate na ang point guard at center nila last year, kaya ang maliksing si Tim at ang dambuhalang si Rom ang inaasahan ng mga Thaddeans para idala sila sa championship.
BINABASA MO ANG
Hidden Hearts
Mystery / ThrillerDalawang bata, pinagbuklod ng isang school mystery. Dalawang magkaibigan, pinaghiwalay ng matinding away. Dalawang schoolyard detectives, back for one last year of crime-solving...and the great, old evil behind their first case.