LAST TIME:
Iniisip ni Trisha kung hihingi ba siya ng tulong sa dating kaibigan na si Tim, para tapusin ang inumpisahan nila noong grade school: ang madiskubre kung sino ang nagtago sa mga tinuringang 'Hidden Hearts' sa paligid ng paaralan nila.
Bago siya mag desisyon, dinapuan ng ulan ang buong basketball court, dahilan para maalala ni Trisha ang makulimlim na hapon noong una silang naging magkaibigan ni Tim...
=====
TRISHA (HIGH SCHOOL)
Tumingin sa madilim na mga ulap si Trisha at patuloy na nag-isip, habang sumisigaw si Abi ng: “Paulan na! Doon kayo sa may shed! Dali at paulan na, Paulan-“
________________________
TRISHA (GRADE SCHOOL)
- na.
Plik!
Tumama uli ang patak ng ambon sa hiniram na library book ni Trisha. Ngayon, parehas nang nalukot ng tubig ang mukha ni Cinderella at ng kanyang Fairy Godmother.
Binuksan ng bata ang maliit na bag, sinuksok ang libro sa pagitan ng Diary at ng marionette na project niya sa MAPEH (popsicle sticks, pink yarn, masking tape, art paper, scissors) at ni-zipper ito, bago bumalik sa kinauupuang plastic chair.
Last batch na naman si Trisha sa school bus ni Kuya Erning. “Ganyan talaga kapag malayo ang bahay mo,” sabi ng bus driver. “Mag-sight seeing ka na lang muna sa school, ha?”
Naiwan tuloy si siya sa shed sa tabi ng court, kasama ng mga plastic chair. Paminsan-minsan ay namumulot siya ng piraso ng graba sa paligid ng shed, sabay bato gamit ang munting mga braso.
Wala namang sight-seeing dito, eh! Nakaupo lang ako dito tapos ang dilim tapos wala nang tao, tuloy-tuloy na inisip ni Trisha.
Sa kabilang banda ng shed, nakarinig siya ng tunog na parang may dinudurog sa lupa. Ilang segundo lang, umulit ito.
Para siyang tunog ng cereal, pag kinakain…o kaya parang may humahampas sa maliliit na bato.
Umalis si Trisha sa kinauupuan at dahan-dahang pumunta sa pinagmulan ng tunog. Napanood niya si Bugs Bunny sa TV na nag-ti-tiptoe habang nagtatago, kaya ito ang ginawa niya.
Sa likod ng mga plastic chair, isang batang lalake na tumatalon sa gilid ng shed. May suot siyang green shorts, maruming polo, at sapatos na puno ng dumi galing sa lupa at graba.
Kada talon niya, humihungal siya (“Hup!”) at pag-landing ng sapatos niya sa mga bato, tumutunog ang mga graba. Iyon ang naririnig ni Trisha kanina. Krrrissh.
Nahihiyang kumaway si Trisha sa lalaki.
“H-Hi, Timmy. Bakit ka nag-ju-jumping jacks?”
BINABASA MO ANG
Hidden Hearts
Mystery / ThrillerDalawang bata, pinagbuklod ng isang school mystery. Dalawang magkaibigan, pinaghiwalay ng matinding away. Dalawang schoolyard detectives, back for one last year of crime-solving...and the great, old evil behind their first case.