[10] Letter (2 of 2)

292 42 44
                                    

LAST TIME:

Inabangan at binugbog ng isang grupo ng mga tambay si Tim Crespo, habang pauwi matapos ang varsity basketball game niya.

Habang papunta si Trisha Navarro sa bahay ni Tim - para humingi ng tulong tungkol sa Hidden Hearts - nadiskubre ni Tim ang pakay ng mga binayarang tambay: “Saan ka namin lulumpuhin?”

_____________________

(Note: Yes! Thanks po sa lahat ng sumubaybay sa Season 1! New daily series coming soon! 

Dedicated to @MrAwesomeOne, writer ng far-out at astig na series na Siga ng Universe Tungkol po ito sa journey ng isang loser sa pagiging siga, sa gitna ng lungkot, trahedya at trayduran! Fave chapter: #5, kung saan isang subdivision ay naging mapanganib na obstacle course.)

_____________________

Pinilit ni Trisha ang pinto gamit ang braso.

(Dear Tim: Naalala mo noong bumuo tayo ng office?)

Ayaw paring bumukas ng back door ng Crespo Residence. Umatras siya, at pag-bilang ng tatlo, sinugod niya ang pinto, una ang balikat.

BAM! Bumukas ang pintuan ng bahay, at tumilapon siya sa sahig ng kusina nina Tim.

Nakangiti sa labas si Rusty, ang Rottweiler ni Tim. Nakakita si Trisha ng nakabuhol na plastic ng Tasty Bread sa mesa. Kumuha siya ng kapirasong tinapay at ibinato sa aso.

(Grade 4  tayo - sabi mo sa akin, kailangan natin ng paglalagyan ng research sa Hidden Hearts.)

“Ayan, kain ka lang, ha?” utos ni Trisha. “May iiwan lang ako na letter kay Tim. Wag kang maingay, ha?”

_______

Wag mong bubuksan ang bibig mo, isip ng duguang si Tim. One chance. That’s all you get.

Hawak pa rin si Tim ng limang tambay na gumulpi sa kanya. Pinagmasdan siya ni Kier – ang lider nila. “Ano, Tim? Utos sa ‘min to. Kaya dali! Saan? Braso o binti?” tanong ng matabang tambay.

Sa mga susunod na linggo, babalikan ni Tim ang sinabi ng tambay pag-nag-imbestiga na sila muli ni Trisha, pero ngayon, isa lang ang nasa isip niya: kailangan kong makatakas.  

_______

Tinignan ni Trisha ang living room nina Tim. Kumawala ang mga alaala mula sa hawla nila.

(Tapos naalala ko yung No Man’s Land – yung malaking talahiban sa likod ng bahay ninyo.)

Ilang beses na siyang hinatid ng Mama niya sa bahay ni Tim – noong Grade 4 sila,ginabi sila ng kuwentuhan tungkol sa Hidden Hearts.

Nang kumaway si Trisha kay Tim mula labas ng bahay nila, nagkalat ang research nila sa mesa, sahig at mga upuan ng sala.

(May nakita akong lumang shipping container, yung may sign na JGF CONSTRUCTION sa loob.)

No more. I need to do this quick. Tumungo siya sa hagdanan. Too much memories here.

_______

Masyado nang maraming dugo, isip ni Tim. I need to do this now.

Ni-relax niya ang pagpalag niya sa dalawang tambay na humahawak sa kanya. Dahil dito, naramdaman din niyang nawala ang pag-diin ng kapit nila.

Akala nila paubos na lakas ko. Okay, step one.

Sa harap niya, pinagti-tripan pa rin siya ni Kier. Minsan naglalakad, minsan nag-e-eenie meenie miney moe, minsan ay sinusuntok siya. “Ano, Crespo! Sagot! San mo gustong mabalian?”

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon