Chapter 5: Case 5: Key To The Kingdom [Briefing]

213 40 66
                                    

LAST TIME:

Binalaan si Trisha Navarro ng partner niyang si Tim Crespo sa sapilitang pagbalanse bilang estudyante at schoolyard detective.

Pero kahit may first lead na sila sa case ng Blackmail King, may hinahanda na siyang susunod na mensahe para kay Trisha...

__________

NOTE: Dedicated to imayienaisse! Check her ongoing, The TOP SPOT, at ang bago niyang werewolf series, Torn! Salamat sa pagsubaybay sa Season 3!

__________

TRISHA (HIGH SCHOOL)

2nd Floor Hallway, HS Building / Recess, 10:15

Habang humuhuni ang mga ibon, masayang naglakad si Trisha papunta sa locker niya.

Nag-stay siya para sa Math review session para sa nalalapit na 2nd Quarterly Exams. Confident na siyang papasa: sa tuwa niya'y ni-high five niya ang rebulto ni Saint Gabriel sa tabi ng locker.


Sa wakas, puwede ko nang asikasuhin yung Hidden Hearts - at yung pagtunton sa Blackmail King.

Sa school clinic sila tinuro ng clue ni Rose-Red papunta sa Heart #786, at ito ang planong puntahan ni Trisha ngayon. I might even be able to do that follow-up on Tyler, isip niya, inaalala ang Second Year na utusan ng Blackmail King. Si Tyler ang best at only lead nila ngayon para mahuli ang schoolyard criminal.


Nakangiti pa rin, binuksan ni Trisha ang kandado ng locker niya...and that was when she heard the phone vibrate from inside.

Vmmmmm. Vmmmmm.


Binuksan niya ang locker. Kasama ng mga libro, notebook at abubot, nakita niya ang isang lumang cellphone. Nakapatong dito ang isang piraso ng folded bond paper, na may guhit ng Hidden Heart symbol. Bakit may Hidden Heart sa loob ng locker ko?

Binuksan niya ang note, at nang makita niya ang pamilyar na greeting dito, dumulas ang susi sa kamay niya.

(Hi, Trisha! Ha-HA!) sulat ng Blackmail King.

__________


TIM (HIGH SCHOOL)

Old Basketball Court, Shed / 10:16 AM

"Pulutong, hinto!" sigaw ni Tim sa girlfriend niya.

Nasa covered shed sila Tim at Margie Espinoza, nagsasanay ng marching drills sa CAT. "Brutal mo mag-training!" hingal ni Margie bago umupo sa bench katabi niya. "Ay, buti na lang 'di ka na Corps Commander."

"Kailangan nga yun, eh, para matibay ka na agad," sagot ni Tim. "Tignan mo ako ngayon." Nag-flex siya ng kanang balikat, at binatukan siya ni Margie ng mineral water bottle.

"Mukha mo!" tawa ng girlfriend niya. "Sa palagay mo tutulungan ka nyang biceps mo sa Blackmail King? Ano, sasapakin mo yung envelope ng letters niya?"


"Bicep lang, isang braso lang kaya. 'Nubayan, wrong grammar," biro niya, at hinabol siya ni Margie paikot ng shed, hinahambalos ng bote ng mineral.

_____________

(Long time no see, Trisha! Como estas?)

(Sorry sa pagtalon ni Alexa! Ang cute pa naman niyang tauhan...pero ngayon, baka basag-basag na yung bungo niya. USELESS. Hee-hee! )

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon