Chapter 6: Case 5: Key to the Kingdom [Clues II]

180 37 53
                                    

LAST TIME:

Binigyan ng Blackmail King si Trisha ng isang case: alamin ang binayad sa mga schoolmates nila, na inutusang gawin ang pinlano niyang firecracker bombings. Their only clue: a poem about a girl named Elle...

(NOTE: Dedicated to esmikaCK20, new reader ng Season 3! Check out her one-shot Secret Manliligaw! P.S. LyUNAcee, sayo yung next dedic! )

________

TRISHA (HIGH SCHOOL)

'Di pa niya kilala si Elle. Pero kilala niya ang unang target.


Habang tumatakbo sila, nag-flash kay Trisha ang tula ng Blackmail King:

(In house of life and death she dwells.) Sick wards, morgue. Ang tanging lugar, na nasa isang bubong ang buhay at patay.


(Of her that prays 'tween heaven and hell.) May lugar, turo kay Trisha, kung saan tinutubos ang mga kaluluwa gamit ang apoy. They called it Purgatory.


Isang search lang (prayer+purgatory), at may kumuha ng atensyon niya -  ang patron saint ng binisita nilang ospital, sa umpisa ng hunt nila sa Blackmail King.

Tumakbo sila papasok ng gusali't dinaanan ang bronze letters sa harapan: SAINT GERTRUDE MEDICAL CENTER.


Si Alexa Sanchez ang unang target — ang Second Year na nasa coma matapos tumalon sa HS Building, nang 'di na makayanan ang control ng Blackmail King sa kanya.

In a few minutes, isip ni Trisha, may bibisita sa ward niya...may munting pasalubong mula sa Blackmail King.


(Where one posthaste obtains a well-) Sa staircase, nagtanong si Tim, iniiwasang mabangga ang arm sling niya. "Anong kinalaman ng balon-"


"Hindi balon!" iritadong sigaw ni Trisha. Normally, ang reveal ang favorite part niya ng case: isang constant source ng pride at joy. But not since the Blackmail King.


"Postehaste: quickly, fastly...Obtains means gets,explain niya. "Where one quickly gets a well?" ani Tim. "Wait! Kuha ko na."


"Where one posthaste obtains a well"...or, "where one gets well soon". Hospital.


Dumating sila sa mahabang corridor ng 4th Floor: balot ito ng white vinyl tiles at ng amoy ng disinfectant.  

"Double meanings, that's his game," ani Trisha. "Lahat ng sinabi niya sa'tin, clue sa plano niya. Good thing we caught on, before it was..."


Too late ang sasabihin niya. But there was no need. Sa dulo ng hallway, may lalaking pumasok sa ward ni Alexa, may suot na gray hoodie.

Masyado pa silang malayo. Pero tumakbo pa rin sila.


Naalala ni Trisha ang photocopier na pinasabog ng Blackmail King. Nagpira-piraso ang lamang-loob nito, at pinigilan niyang isipin ang sasapitin ni Alexa. Konti na lang, please, please-

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon