[9] Case 3: Monster Story (Kier)

196 33 36
                                    

LAST TIME:

Matapos imbestigahan ang case ni Nicola Calma…matapos looban ang Saint Bartholomew at takasan si Principal Valerian…matapos madiskubre ang Desandiego, ang sikretong sugalan na may kinalaman sa pambubugbog kay Tim Crespo...

Ngayon, haharapin na nina Trisha at Tim si Kier Montalban, ang tambay na bumali sa braso ni Tim – at ang susi para makilala ang mastermind na nag-uutos sa kanya…

______________

Note: The end is near! Dedicated to AkariChan02, na di lang ako binigyan ng sobrang gandang score sa Margo Book Club, pero guwapo rin sa profile niya!  WOOH! Hahaha promote na naman si Mod Margolin sa ‘kin. Anyway, drop by AkariChan02’s ongoing, My Best Friend’s Brother!

______________

 “Kier Montalban? Ikaw yun, ‘di ba?”

Tumalikod si Kier para tignan ang tao sa talahiban. Matagal nang hindi pinuputulan ang mga talahib sa paligid ng lumang bahay nila, at abot-balikat na ng mataba at bruskong tambay ang mga tuyot at kayumangging damo.

Ang mga matataas na damong ito – at ang palubog na araw – ang dahilan kaya ‘di makita ni Kier ang mukha ng nagsasalita.

 “Bakit? Anong kelangan mo?, tanong ni Kier.

“Padala ako ng nung sugalan,” sabi ng boses.

Nagdesisyon si Kier na mag-maang-maangan. “Anong sugalan? Tong-its? Jueteng?”

Hindi umimik ang boses sa talahiban, parang sinasabing, You know exactly what I mean. “Desandiego,” sabi nito.

May bumugsong malakas na hangin sa talahiban. Sa wakas, sumagot si Kier. “Sige, ‘dun tayo sa bahay mag-usap.”

Naglakad sila sa mga talahib, at dumating sila sa na bahay ni Kier. Walang pintura ang mga pader, nagkalat ang kalawanging yero, at kita ang mga hollow blocks na ginamit para itayo ang bahay.

Binuksan ng tambay ang pinto, at pinauna niya ang babae sa loob. Tinignan ni Kier ang labas ng bahay, sinisiguradong walang nakakita sa kanila.

Sa wakas, kinandado niya ang pintuan. At ganoon nag-umpisa ang pagpaslang ni Kier kay Trisha Navarro.

______________

TRISHA (HIGH SCHOOL)

Lahat daw ng tao’y may sixth sense: not the kind that lets you see ghosts, or monsters…but the kind that, every once in a while, shuffles from the back of your mind and whispers that there is something very, very wrong.

Ito ang dahilan kaya may mga ‘di tinatabihan sa bus…kaya may nagka-kansela ng flight, bago malamang bumagsak pala ang eroplanong dapat sana’y lulan sila…kaya may mga ngiting ‘di mapagkatiwalaan, gaano man kaamo ang mukhang nakakabit dito.

Mas malakas daw ang sixth sense na ito sa mga taong mas nangangailangan nito. At sa trabaho ni Kier bilang isang utusang kriminal, ang intuwisyon niya’y kasing talas ng balisong na nakatago sa ilalim ng kama niya.

Wala pang kinse minutos ng pag-uusap ay nabisto niya  agad si Trisha. She never stood a chance.

Tinignan ni Trisha ang masikip na sala. Maliban sa mesa, isang TV cabinet, isang berdeng stand fan na nagbabalat na ang plastic, at ang sofang kinauupuan niya, halos walang laman ang kuwarto. Walang bakas ng pintura sa loob ng bahay: puro semento ang nasa paligid.

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon