LAST TIME:
Matapos mapilitang pagtripan ang dating kaibigang si Tim at ang girlfriend niya, binigyan si Trisha at ang Fourth Year Unity ng Special Project kung saan kailangan nilang bumuo sila ng tig-isang exhibit tungkol sa history ng school nila.
Dumapo ang isip ni Trisha sa Hidden Hearts: mga drawing ng puso, na nakatago sa paligid ng paaralan - at ang misteryosong pinagmulan ng mga ito...
________
TRISHA (HIGH SCHOOL)
Saint Jude of Galilee Academy, Old Basketball Court/Friday, 3:20 PM
“Harap sa kanan…harap! Harap hating kaliwa…harap!”
Humina na ang walang patawad na init ng araw sa lumang basketball court ng SJG. Dahil hindi sa covered court ginagawa ang training, isang oras ding naprito ang balat ng mga kadete ng CAT - at ng mga officer na nagtuturo sa kanila.
For he makes the sun rise on the wicked and the good.
Translation: Pagdating sa sunburn, wala nang mas generous pa kay Haring Araw.
Extra translation: HAY SALAMAT, medyo maulap na, isip ni Trisha, habang sinusubaybayan ang drills ng platoon na in-assign sa kanya.
Type B ang suot ni Trisha noong hapon na iyon. Dark green na pantalon, sinturon at sombrero (CITIZEN ARMY TRAINING, nakasulat ng dilaw dito), combat boots, gloves at makintab na saber– ito ang mga marka ng kanyang pagiging cadet officer.
Naka-upo sa nag-iisang shed ng court si Tim at ang tatlong officer na sumasailalim sa kanya. Bilang Corps Commander, hindi kailangang nakatutok si Tim sa mga CAT, puwera na lang pag pansin niyang lalampa-lampa ang mga kadete o pag nandyan si Sir Anjo, faculty head ng buong CAT.
Sa tapat ng mga babaeng CAT – Bravo squad kung tawagin - sumisigaw si Abigail Delfino, isa sa mga third year ng SJG at platoon leader ng Bravo. Si Abi ang in charge sa pagtuturo ng drills, at mainit ang ulo niya ngayong hapon.
“Ang lalampa ninyo! Sabing snappy ang pag-ikot, eh!” utos ni Abi.
Maliit, pero mainit ang dugo – palaban, mapa-classroom, CAT o varsity - ilang beses na ring na-inggit si Trisha sa natural na talento ni Abi, kahit na mas mataas ang rango ni Trisha (tatlong bilog na pin, simbolo ng cadet captain.)
Pero sa oras na ito, hindi niya napapansin ang mga kadeteng naka-maong at beret. Paulit-ulit bumabalik ang isip niya sa special project niya, at ang plano niyang gawin para dito.
BINABASA MO ANG
Hidden Hearts
Mystery / ThrillerDalawang bata, pinagbuklod ng isang school mystery. Dalawang magkaibigan, pinaghiwalay ng matinding away. Dalawang schoolyard detectives, back for one last year of crime-solving...and the great, old evil behind their first case.