"Maligayang pagbabalik,"ang mukha ni Soul ang nabungaran ko sa pagmulat ko ng aking mga mata.Isang mapaglarong ngiti ang sumulay sa laging seryoso niyang mukha.
"Mga hayop,....kailan niyo ba ako titigilan?Pagod na pagod na ako..."hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng luha ko habang nakikipaglabanan ng titig sa walang pusong Reaper na ito.
"Kung sa inaakala mo'y magiging madali lang ang lahat,....nagkakamali ka....Pagsisisihan mo na ipinanganak ka pa sa mundo..."
"Mga wala talaga kayong puso!!!"
"Meron naman, kahit papaano...Itanong mo pa sa kaibigan mo..."sagot ni Grimm...
Kaibigan?...
S-Si Ayu?!
"Saan niyo dinala si Ayu?!!!"
hindi siya dapat madamay...
"Nandun siya o.."tinuro niya ang malaking pinto sa kanan.
"Pakawalan niyo na siya!!Pakiusap!!Ako na lang ang saktan niyo!!Wala siyang kinalaman dito..."pagmamakaawa ko...
"Hindi ,....mula ngayon kasali na siya sa laro natin mahal na prinsesa...."ngumiti na naman siya....Muling gumapang ang kilabot sa bawat himaymay ng balat ko sa ngiting yun....Alam kong may balak na naman siyang masama....
"Binabalaan ko kayo!!Wag niyo siyang sasaktan!!!!"
"Hahahahaha!!Anong gagawin mo?Sisigaw?Iiyak?"isang malutong na halakhak lamang ang napala ko....Tama siya,....wala naman akong magagawa dahil bihag lang din ako....
"Mga alagad ko,..."sabi ni Grimm at tumikas ng tayo ang mga tauhan niya."Sinong nagnanais timikim ng pansamantalang langit kasama ang anghel na kaibigan ng ating munting prinsesa?"
"Wag!!!Nakikiusap ako!!Maawa kayo kay Ayu!!"nagwala ako sa mahigpit na hawak ng mga tauhan ni Grimm sa akin.Hindi....Maawa kayo sa kanya.....
"Huli na prinsesa,..."
"Ako"itinaas ni Dark ang kanang kamay na parang nagbo-volunteer.
"Ikaw?"takang tanong ni Grimm sa apo.
"Lalaki ka pala?"biro naman ni Zero sa pinsan...
Ngumiti ng malawak ang matanda at tumango.
Maya-maya pa'y pumasok si Dark sa kwarto...
"Wag kang lalapit!!Maawa kayo!!Wagggg!!"rinig na rinig ko ang bawat sigaw at pagmamakaawa ni Ayu pero wala akong magawa kundi ang umiyak sa isang sulok....Tinakpan ko ang mgakabila kong tenga pero agad yung tinanggal ni Grimm......
"Makinig ka....Pakinggan mo kung paano magdusa ang kaibigan mo....Pakinggan mo ang pagsigaw at iyak niya....At hayaan mong durugin nun ang puso mo sa sakit.....Pakinggan mo!!"saka siya humalakhak ng malakas...
Ayu,....patawad....
to be continued.....
BINABASA MO ANG
The Rippers[BTS FanFic]
FanfictionRevenge............ Hatred............ What if you'll have to pay for a sin that you haven't done.......for your father? Can you take it? How long can you run for your life?......