Sa madilim na gubat kung kung saan tanging liwanag ng misteryosong buwan lamang ang nagiging gabay at liwanag namin ay napupuno ng takot at pag-aalinlangan ang aking isipan.
Nasaan na si Soul?
Ano'ng ginawa sa kanya ng brutal na matandang Ripper?
Buhay pa ba siya?
Napalunok ako sa isiping iyon. Gusto ko nang makita si Soul,mayakap. Pero nangangapa ako kung saan magsisimula.
Biglang huminto si Eclipse sa paglalakad, dahilan para mabangga ko ang malapad niyang likod.
"Ano ba?"nakakunot ang noo kong tanong.
"Shh" he hushed me.
Hinila niya ako sa likod ng isang malaking puno upang makapagtago.
Tahimik lang ako gaya niya. Nakikiramdam sa kung anong nangyayari.
Nakarinig kami ng yabag ng mga paa. May paparating. Dahil madilim ay hindi ko sila mamukhaan.
"Opo Master . Iniwan namin siyang mag-isa sa balon." nanginig ako sa narinig ko mula sa di kilalang lalaki nang makalapit sila sa kinaroroonan namin. May kausap ito sa cellphone na alam ko na kung sino. Napalunok ako nang napagtanto kung sino ang pinag-uusapan.
Nagkatinginan kami ni Eclipse.
"Sir Dark kakausapin daw po kayo ni Master Death. " sabi nang tauhan at inabot ang cellphone sa lalaking matangkad. Lumingon siya at nasinagan ng buwan ang kalahati ng mukha niya kaya. Nakumpirma kong si Dark nga iyon.
Nagtangis ang mga bagang ko. Pinsan niya si Soul. Kadugo. Tapos ginagawa nila ang ganito?"Opo lolo. Tapos na po. Pabalik na po kami sa mansyon. " mataman akong nakikinig. Naiinis at naiiyak nang sabay sa sitwasyon.
Nabigla ako nang lumingon siya sa drerksyon namin. Hindi iyon ganoon kalapit pero dahil medyo nakasilip ako,alam kong nakita niya ako. Mabilis akong nagtago sa puno. Nakatingin sakin si Eclipse kaya naghanap ako ng assurance sa mga mata niya para kumbinsihin ang sarili kong hindi ako nakita ni Dark."Bakit po Sir?" rinig kong tanong ng isang tauhan kay Dark. Sasabihin niya bang nagtatago lamang kami sa puno. Ipapadampot ulit? Pero kakatakas pa lang namin.
"Wala. " sagot niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.
"Opo lolo. We're heading back."sagot niya at saka ako muling nakarinig ng mga yabag nila na palayo na.
Nilingon kong muli si Eclipse. Tumango lamang siya at di na nagsalita.
Ibinalot ko sa aking paa ang manipis na kumot at saka sumandal sa kahoy na dingding. Walang patid ang pagdaloy ng mga luha sa aking pisngi.
Pumikit ako ng mariin dahil kasabay ng pagsakit ng namamaga kong mga mata ay ang pagbigay lalo ng aking puso.
"Bell," tawag ni Eclipse ng sumilip sa maliit na siwang ng pinto.
Mabilis kong pinahid ang luha at lumingon sa kanya."K-Kuya?"yun lang ang nasabi ko. Kinagat ko ang mga labi ko para pigilin ang panginginig nito.
"Ate you sure you're okay here?"tanong niya. Tinutukoy ang maliit na kwartong inupahan namin para lamang ngayong gabi. Hindi kami pwedeng magstay sa hotel dahil madali kaming mahahanap ni Grim.
Tumango ako." I'm fine here. "Pinilit kong ngumiti. "After all, we have no choice. " sabi ko sabay singhot. "Patawad at nadadamay ka. " isang mainit na luha ang tumakas mula sa aking mga mata. Di na ako nag-abalang punasan pa iyon dahil wala rin namang silbi. Walang silbing itago pa ang sakit kung totoong nasasaktan ka.
BINABASA MO ANG
The Rippers[BTS FanFic]
FanfictionRevenge............ Hatred............ What if you'll have to pay for a sin that you haven't done.......for your father? Can you take it? How long can you run for your life?......