Everything in this world ends. I'm just not sure if we deserve this ending. But to end in his arms is enough.
Umiiyak ako sa balikat niya habang yakap pa din niya ako. Gusto ko siyang umalis para mailigtas siya pero gusto ko ring manatili siya, dahil natatakot ako.
Ilang beses siyang nagmura habang sinusubukang i- defuse ang bomba. Lalo along natatakot. The ticking sound stopped and so my breathing. Pumikit ako ng mariin at isinubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib. Malakas at mabilis rin ang tibok ng puso niya.
Huminga siya ng malalim at lalo akong niyakap. Mahigpit na mahigpit.
"It's over. " bulong niya. Kumalas ako sa at tiningala ko siya . Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko. He smiled warmly that it feels too good in my heart.
Pinunasan niya ng kanyang hinlalaki ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko.
"I missed you. I really, really missed you. " malambing niyang sabi saka masuyong hinalikan ang noo ko.
Ako rin. Sobrang namiss ko siya, sa puntong mababaliw na ako sa pag-aalala. Sa pag-iisip na totoong namatay na siya nang iwan siya sa balon ng gabing iyon.
I wanted to ask him where he have been? What happened while he was gone?
Pero mahalaga pa ba iyon? For now, what's important is he's back and the assurance that he'll never leave me again. Na magkasama na ulit kami.
Ngayong yakap ko na siya, ayoko nang bumitaw pa. Natatakot ako na kapag nakawala siya sa mga kamay ko, hindi ko na ulit siya magagawang hawakan. I'm afraid of losing him again.
Isang malakas na putok ang umalingawngaw.
"Ano iyon? "tanong ko.
Mabilis na tumayo si Soul. Inalalayan niya rin ako.
"Si Eclipse, Soul! " mabilis na tumakbo si Zero sa pintuang nilabasan kanina ni Eclipse para sundan ang matandang Ripper.
"Dark, you should stay here. " sabi ni Soul. Tahimik siya kaya malamang ay nanghihina na siya dahil sa tama niya sa tagiliran. Maraming dugo rin ang nawala sa kanya. "Parating na rin dito ang team na tinawagan ko kanina. Kailangan mong magamot. "
Umiling si Dark at tumayo.
"Sasama ako. I'm a Ripper too. We should end this all together. Kaya ko pa. "
Hindi na kumibo si Soul. Inalalayan na lang namin siya sa paglalakad."Ano?! Akala ko ba matapang kayo?! " rinig ko nang buksan ni Soul ang pinto.
Malulutong namura ang namutawi sa labi ni Soul sa inabutan namin.
There was Grimm, holding Yamerah. Puno pa rin ng dugo ang mga binti nito. That's because of the gun shots I gave her. Now I'm feeling guilty.
Nakaluhod si Eclipse sa gitna ng silid. May bahid ng dugo ang puting polo niya sa balikat. Nakatingin lamang siya sa matanda habang nakatutok kay Yamerah ang baril na hawak ni Grimm.
"Eclipse! " sigaw ni Dark.
He didn't respond.
"One move from any of you at sasabog ang utak ni Yamerah. " banta ng matanda.
I stiffened at that.
Yamerah is a loyal servant for that old jerk. Alam kong may namamagitan sa kanila ni Eclipse noon kahit di ko masyadong alam ang detalye pero magkaiba ang pananaw nila. Yamerah is Grimm's most trustworthy dog while Eclipse is the traitor.
Now he's using her as his hostage. And he's using her against him.
"Eclipse, " sigaw ni Zero pero nanatiling hindi gumagalaw si Eclipse.
"Drop all your guns! " utos ng matanda. Idiniin sa sentido ni Yamerah ang kanyang baril.
"Gawin niyo. " yun ang unang beses na nagsalita si Eclipse mula nang pumasok kami sa pinto.
"But, " tutol ni Dark.
"Just do it! " narinig ko ang sakit at takot sa tinig ni Eclipse.
Sumunod silang tatlo. Inilapag nila sa sahig ang mga baril nila.
Humalakhak ang matanda.
"You are all idiots! Handa kayong mamatay dahil sa tinatawag niyong pag-ibig?! Love is just a weakness. And all of you are traitors! Tatraydurin niyo ako para sa mga babaeng mahal niyo? " tiningnan ako ni Grimm. "I'm where all of you came from! My blood is running in your veins and you chose to disobey me?! Pare-pareho kayong lahat! Magmula kay Heidie! Down to all of you! Ngayon mamamatay kayong lahat! And I'll start with you. " itinutok niya kay Eclipse ang baril.
Nagtiim bagang ako habang pinapanood ang lahat. It's a pity na wala kaming magawa.
Isang putok ang umalingawngaw!
"Wag! " mabilis na itinulak ni Yamerah ang matanda kaya nalihis ang putok. Natumba rin ito kaya nakawala siya at naagaw ang baril. Hi di ko alam kung paanong nagawa ni Yamerah na makahakbang gayong umaagos ang dugo sa magkabila niyang binti.
"Even you? " natatawang tanong ni Grimm kay Yamerah na ngayon ay umiiyak na.
"Dad. " umiiyak niyang sabi. "Itigil mo na ito. Please. "
Dad? Am I hearing this right?
Nanginginig ang mga paa niya. Humakbang ang matanda para muling agawin ang baril sa babae. Hindi gumalaw si Yamerah sa kinatatayuan niya.
Isang putok. Napapikit ako.
May bumagsak.
Napaluhod si Yamerah. In front of her ay bumagsak naman si Grimm. Blood come gushing from his mouth. Hawak ang kanyang tiyan na puno na ng dugo.
Humakbang si Soul palapit. Nakatutok pa rin ang bagong putok na baril sa kanyang lolo.
"You're all my grandsons. " sabi ng matanda. Tiningnan niya ang kamay na ngayon ay nababalot ng sariling dugo. "And you chose to betray me. "
"I'm sorry Lolo, but your evilness needs to end. " nakayukong sabi ni Soul habang nakadungaw sa kanyang lolo. "Everyone needs to be freed frim you. "
Inalalayan ni Soul si Eclipse at isinampay ang kamay nito sa kanyang balikat. Akay din ni Zero si Dark na ngayon ay mahinang-mahina na.
We walked silently.
"Hindi pa tayo tapos! " narinig kong sigaw ni Grimm. Nakatayo pa siya ulit? Akala ko patay na siya kanina nang bumagsak siya.
The gun was directed to Eclipse. But before he can pull it's trigger, a lout shot from behind him filled the room. Muling bumagsak si Grimm. This time, hindi na siya muling gumalaw pa.
Nandoon si Yamerah. Nakaluhod hawak pa rin ang baril at patuloy sa pag-iyak. Sabog ang kulot niyang buhok at basang-basa ng mga luha ang mukha. Nanginginig ang kamay niya habang hawak ang baril.
"I'm sorry, Dad. Sorry. I'm sorry. Sorry. " paulit-ulit niyang sabi habang humahagulgol. Binitawan niya ang baril at humahagulgol na niyakap ang sarili. "I'm so sorry, Dad. But I love you and I have to do this. Sorry. "
Kumalas si Eclipse mula sa pagkakaakbay kay Soul at lumapit kay Yamerah. Niyakap niya ito ng mahigpit.
"Erah.. "
"Sorry.. "
Tahimik kaming lahat habang pinagmamasdan silang dalawa. Yamerah's cries filled the room.
We watched them until we heard the sound of the ambulance. May ilang unipormadong kalalakihan ang pumasok sa silid.
------
Next Chapter will be the Epilogue. I'm very thankful sa mga kumapit. I really appreciate. I hope nag improve ako kahit konti, gayong taon na ang binilang na storyang ito.
-R.P
BINABASA MO ANG
The Rippers[BTS FanFic]
FanfictionRevenge............ Hatred............ What if you'll have to pay for a sin that you haven't done.......for your father? Can you take it? How long can you run for your life?......