Chapter13

12 2 0
                                    

Hindi pa siya gaanong magaling at ang sugat na dulot ng paglalaslas niya noong nakaraang araw. Hindi pa rin naman siya naiisipang paglaruan ng demonyong matanda kaya nagawa niyang magpahinga.

Parang noong nakaraan lamang ay ayaw niya nang mabuhay. Sinukuan niya na ang lahat ng sakit. Ngunit sa ilang salita lamang ni Soul, mabilis na nagbago ang lahat ng kanyang emosyon. Lahat ng galit, takot, hinanakit at kung anu ano pa ay naglaho. Napalitan ito ng saya.
Parang roller coaster nga sa bilis ng pagbabago ng phase ang kanyang damdamin.

Ganun din ang mga pangyayari.

Dahil sa twing may mararamdaman siyang saya. Sakit at lungkot ang magiging kasunod.

At ang maingay na kalampag ng pintuan ay ang indikasyon ng isang simula ng panibagong laro ni Grimm. Nakakatakot na laro.

Ngunit iba ang taong nagbukas ng pintuan.

Si Eclipse.

Tahimik nitong isinara ang pinto. Madilim ang buong kwarto ngunit nagniningning ang magaganda nitong mga mata.

Kinabahan siya  nang ngumiti ang lalaki. Ilang ulit niya na itong nakausap at nakahalubilo ngunit lagi lamang itong seryoso. Ito ang unng beses na ngumiti ito. At alam niyang may kung ano sa likod ng mailap na ngiti ng binata.

"Eclipse, "sinubukan niya na pagaanin ang pakiramdam at sinabi sa sariling nag-o over think lamang siya.

"Wag kang maingay, " kinilabutan siya sa mahinang bulong nito. Ngayon ay ilang dangkal na lamang ang layo nila sa isa't -isa. At kagaya ni Soul, may nakakaadik na amoy ang pabangong gamit ng binata.

Gusto niyang sampalin ang sarili sa naisip. Bakit niya naman ikukumpara ang amoy ni Soul kay Eclipse? Siyempre mas mabango si Soul.

Napatras siya nang lumapit pa ito. Pakiramdam niya ay mauubusan siya ng hininga kapag lumapit pa ito sa kanya. At ayaw niyang mangyari iyon.

Ngunit malaking katangahan ang pag atras. Dahil lalo lamang siyang natrap. Napasandal siya sa malamig na sementadong pader.

Just great. Ngayon, mas lalong wala na siyang kawala.

At gaya ng kanyang inaasahan lumapit ito. Na tila ba isang magnet siya at bakal ang binata. Na nais dumikit sa kanya. Natatanga siya. Kung si Soul sana ito, gugustuhin niya ang sitwasyon. Gugustuhin niyang matrap sa gitna ng malamig na pader at nang katawan ng binata.

Pero iba ang sitwasyon. Si Eclipse ang kaharap. At wala siyang kiliting nararamdaman sa init ng singaw ng katawan nito. Sa halip ay pagkailang, at takot.

Napasinghap siya nang hawakan ng mainit nitong kaay ang kanyang leeg.
"Wag Eclipse, "mariin siyang pumikit. Natatakot siya sa maaaring mangyari. Natatakot siya sa lalaking nasa harapan niya ngayon sa di maipaliwanag na kadahilanan.

Tila naghahabulan ang mga daga sa kanyang dibdib pag bulong ng binata sa kanyang tenga.
"Wag kang maingay. " nangilabot siya.
Pinilit niya ang sariling manlaban ngunit mahina siya. Tila naparalisa ang kanyang mahinang katawan sa pagkakahawak nito sa kanya.

May naramdaman siyang kinuha ang binata na kung ano na tila nakadikit sa kanyang balat, sa parteng likuran ng kanyang tenga malapit sa mga hibla ng kanyang buhok. Naramdaman niya ngunit di siya sigurado kung ano ito.

Lumayo ito, saka lamang siya nakahinga ng maluwag. Ngumiti itong muli sa kanya.

Ngunit mas nagsikip yata ang kanyang dibdib nang makita ang nanlilisik na mga mata ni Soul. Nakatayo ito sa pintuan at nakatingin ng diretso sa kanya.

"Kailangan ko nang bumalik sa kwarto, baka hinahanap na ako ni lolo. " paalam ni Eclipse at saka lumabas. Ni hindi man lamang ito huminto nang titigan ito nang masama ni Soul.

Ibinaling na naman sa kanya ni Soul ang paningin. Nanliliit ang mga mata nito, kita niya ang galit sa mga ito.

Gusto niyang ipaliwanag na kung anu man ang nasa isip ng binata at kung anuman ang inaakaala nito ay hindi totoo. Gusto niyang pangatwiranan ang sarili, pero walang boses na lumabas sa kanyang mga labi. Napayuko na lang siya.

Narinig niya ang malakas na pagsara ng pintuan.

********

AN: Don't know what to say. Sleepy na ko. Juskolord..
Tanghaling tapat lowbat na ako. My eyes besh.. Huhu.
Sana po ok lang yung update.

Lovelots! Ingat!!

-ResurrectedPrincess

The Rippers[BTS FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon