Chapter 15

30 1 0
                                    

Nakapagtatakang napakatahimik ng mansyon ng mga Ripper ngayon.

Ang sabi sa akin ni Soul ay may importanteng pupuntahan ang kanyang lolo at isasama sila ni Dark.
Nalungkot ako dahil hiling ko na sana ay si Eclipse at Zero na lang ang isinama. Hindi sa masama si Eclipse sa paningin ko. Pero natatakot na ako sa mga ikinikilos niya, ayoko ring lumapit sa kanya dahil baka kung ano pa ang isipin na naman ni Soul.

Si Dark ay may sarili niyang mundo at madalas ay nanonood lamang sa mga pangyayari, kaya't alam kong hindi siya banta sa buhay ko. Na kabaliktaran ni Zero. Sa mansyong ito, maliban kay Grimm, si Zero ang pinaka mapanganib. Yung tipong kung tumingin ay parang may balak palaging masama.

Naglakad-lakad muna ako sa hallway ng mansyon. Bihira na akong makatikim ng pahinga dahil sa mga pagpapahirap ng matandang Ripper.
Napatingin ako sa mga pilat sa aking braso, sa kanang binti. Maliliit lamang ang mga iyon, pero ang mga pilat na yun ay kaakibat ng mga alaala ng kalupitan ng mga Ripper.

Nabigla ako nang may makasalubong akong babae. Hindi siya katangkaran, marahil ay nasa twenty ang edad niya, o mas bata pa. Petite siya at may magandang maalon na buhok na lagpas lamang ng kaunti sa balikat.

Napahinto siya nang magkatapat kami. Nakasuot lang siya ng isang malaking t shirt, na hula ko ay hindi sa kanya. Maging ang malaking short na hanggang tuhod nito ay halatang panglalaki rin.

"P-Pasensya na po sa pagpasok." Mas bata pa sa inaasahan ko ang mahina at mahinhin niyang boses." Di ko sinasadyang pumasok! " lumikot ang mga mata niya at tila di siya makahinga sa takot. "May hinahanap lang po ako. "

Sasagot pa sana ako nang makita ko si Zero na naglalakad mula sa bintana, na para bang may hinahanap. Sumigaw din ito ng 'Ri'.
Lumingon ang babae at halatang natakot rin ito nang marinig ang tinig ni Zero.
Ako naman ay nagmamadaling umalis at nagtago sa pinakamalapit na pader.

Nakita kong lumingon lingon ang babae na tila hinahanap ako. Lumapit dito si Zero. Ang ipinagtataka ko, iba ang Zero na nasa harap ko ngayon sa Zerong kilala ko. Ang ekspresyon ng mukha niya, maging ang mga mata niya. Ibang iba.

"Anong ginagawa mo rito? " hinawakan niya ito sa braso.
Malungkot ang mukha ng babae nng tingalain niya si Zero. "Akala ko kasi di mo na ako babalikan. Nainip ako e. " pangangatwiran ng babae.

May iba sa kung paano tila titigan ang isa't isa. Pinatong ni Zero ang kamay sa ulo nang babae " Wala bang nakakita sa iyo? "
Doon ko nakita ang paggapang ng takot sa mukha ng babae. Alangan itong umiling.

Bahagayang itinulak ni Zero sa pader ang babae bago ito siilin ng halik.

Nag-init ang mukha ko sa pinapanood ko. Ramdam kasi ang intensidad sa halikan nilang dalawa.

Naaalala ko kami ni Soul. Ang intensidad, mga sensasyon, ang kiliti. Ang mga nangyari ng nagdaang gabi.

Kapwa rinigang paghingal ng dalawa nang maghiwalay ang mga labi nila. Luminga linga si Zero kaya maagap akong nagtago.

"Di makakabuti kung magtatagal ka pa rito. Hintayin mo ako sa kotse, may kukunin lang ako. " sabi niya sa babae.

"Pero-"

"Susunod agad ako. Pangako. " bago umalis ang babae ay hinalikan niya muna ang noo nito. Sinundan niya ng tingin ang paglalakad palayo ng babae. Akala ko ay aalis na si Zero pero nagulat ako nang lumapit siya sa kinaroroonan ko.
"Akala mo hindi ko alam na nandyan ka at nanonood sa amin? Alam mo bang hindi magandang nanonood ng live na nagyayadong? "
Hinila niya ako palabas sa pinagtataguan ko.
"Nakita mo ang lahat. " akusa niya, na totoo naman.
"Oo.. " walang kurapan kong sagot.
Ngumisi siya. Napaptitig lamang ako sa mga mata niya. Pinaghalong galit at takot nag nakita ko roon. "At wala kang pagsasabihan nito. Kahit sino. " humigpit ang hawak niya sa braso ko. Napapitlag ako sa sakit.
"Paano mo nasisiguro? "
"Wala kang pagsasabihan, maliwanag ba?! " sigaw niya.
"Ano naman kung sasabihin ko ang nakita ko? " hindi naman siya dapat magalit o anupaman. Ang isang Zero ay walang kinatatakutan di ba?

The Rippers[BTS FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon