Maputing kisame.Sa dahan-dahang pagmulat ng kanyang mata, ito ang una niyang makita.
Hindi ba dapat ay mga ulap? Kalangitan?
Matapos niyang magpakamatay ay inaasahan niyang langit ang kanyang mamumulatan. Pero hindi. Pagkatapos ay naisip niya. Hindi sumasalangit ang mga kaluluwa ng mga nagpakamatay.Kung ganun ba ay nasa impyerno siya? Ngunit wala siyang nararamdamang init? Walang mga ungol ng mga naghihinagpis na mga kalululuwa.
Nasaan ba siya? Purgatoryo ba?
"Belldandy, "bulong ng isang boses. Nang malamig na boses na nanunuot ang kalamigan sa kanyang mga kalamnan, sa bawat hibla ng kanyang pagkatao.
Ito ang tuluyang gumising sa kanyang diwa, kanina pa man nakamulat ang mga mata ay tila naglalakbay pa ang kanyang isipan palayo. Maaaring palayo sa katotohanan. Sa sakit.
Lumingon siya at nakita ang lalaking hawak ang kanyang kamay. Ang mga mata nito ay nagsusumamo. Ngunit sa halip na gaan ng loob ang maramdaman, lalong bumigat.
Nabigo na naman siyang tapusin ang kanyang sariling paghihirap. Masasaktan na naman siya, nng paulit-ulit.
Ang mga tingin nito ay umuukit ng mas malalim na mga sugat sa kanyang mahinang puso, na gusto nang bumigay.
"Bakit nandito ka? " nanghihina niyang tanong. Wala na siyang lakas. Sa lahat.
"Patawad, "nakayukong bulong ng lalaki. Lalong humigpit ang hawak nito sa kanyang kamay.
"Hinayaan mo na lang sana akong mamatay. " muli niyang itinutok ang paningin sa kisame. Sa dalawang dahilan, una ay para iwasan ang mga tingin ng lalaking kaharap. Pangalawa ay upang pigilan ang mga pasaway na luhang muling nagbabadyang lunurin siya sa walang hanggang kalungkutan.
"Naduwag ako. " panimula ng lalaki. Napalingon siya para tingnan ang mukha ng kausap pero nakyuko ito. Nakatapat ang mukha sa magkahawak nilang mga kamay at halos pabulong na ang mga sinasabi nito. "Natatakot akong ipaglaban ka. Natatakot akong aminin na mahal na kita. Kasi hindi naman talaga dapat. "Ramdam niya ang mainit na hininga nito sa kanyang kamay sa bawat salitang binubulong nito. "Pero mas nakakatakot pala. Mas nakakatakot na isiping mawawala ka sa akin. Mas nakakatakot na bumitaw ka na lang at wala akong magawa para tulungan ka. Sobrang nakakatakot. " naramdaman niya na may pumatak na tubig sa kamay niya.
Kung luha ba ito, pawis o sipon, hindi niya alam dahil isinubsob na nito ang mukha sa kamay niya. At ang mahigpit nitong hawak ang ngapagaan ng lahat. Lalo na ang mga huling salitang binigkas nito.
"Kasi mahal na mahal na kita, "
---
Huhu. My eyes jeske lerd. Maga po ang mata ko kaya hindi ko alam kung anu na bng pinagta type ko. Huhu. Epekto ng binasa kong kwento kagabi.
Anyways ispired akong magpaiyak. Lol.Sana ng enjoy kayo. Lovelots!!
ResurrectedPrincess
BINABASA MO ANG
The Rippers[BTS FanFic]
FanfictionRevenge............ Hatred............ What if you'll have to pay for a sin that you haven't done.......for your father? Can you take it? How long can you run for your life?......