Chapter 22

7 1 0
                                    

Paggising ko ay nasa kwarto na ulit ako. Hinawi ko ang kurtinang tabing at nakita sa labas si Aling Rosario na nagtutupi ng mga damit.

"O,hijah gising ka na pala. Hindi ka pa na ka kapag tanghalian. Sandali lang at ipaghahanda kita."paalam niya saka tumayo.
Sumunod ako sa kanya sa kusina. 

"Nasaan po si Eclipse? " tanong ko. Ang naaalala kong nangyari kanina bago ako mahimatay ay kasama niyang dumating si Dark,nagkasagutan kami.

At nawawala si Soul.

Alangan siyang ngumiti sa akin.

"May pupuntahan daw sila, hijah." sagot niya.  Nangininginig ang mga kamay niya habang nagsasalin ng sabaw sa mangkok kaya may nabuong pagdududa sa isipan ko.

"Saan daw po?"

Pinahid niya sa suot na bestida ang mga palad bago ako hinarap.

"Hijah, kaya na nila yun. Ang maitutulong na lang natin ay ang magda-"

"Nasa mansyon po ba sila?"mariin kong putol sa pangungusap ng matanda.

Mas mukha siyang nataranta.

"Anak,ipinagbilin ni Eclipse na bantayan kita."hinawakan niya ang braso ko.

"Gusto ko pong sumama. "

"Anak,pakiusap.  Baka mapahamak ka lang."lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko.

Kibagat ko ang labi ko at pinilit  ang malalim na paghinga.

"Nawawala po si Soul. " uminit ang mga mata ko. "Nawawala po yung lalaking mahal ko. " sunod sunod na maiinit na luha ang tumakas sa mga mata ko. "Paulit-ulit nalang pong ganito. Nakakapagod na. " lumunok ako at pinahid ang mga luha. "Kailangan na po itong wakasan. Sa akin. Dahil sakin naman ito nagsimula."

Hindi na ako nagtanghalian dahil wala rin akong gana. Nagkulong ako sa kwarto at hinayaan naman ako ni Aling Rosario.

Nang yumakap ang dilim ay napagdesisyunan kong lumabas. Wala si Aling Rosario sa labas kaya't nakapuslit agad ako.

Malayo man ang bahay ni Aling Rosario sa mansyon ay memorado ko lahat ng dinaanan namin ni Eclipse. Well, kinailangan ko iyon para sa pagkakataong ito.

Tumigil ako sa kakahuyan,ilang metro na lamang ang layo sa gate ng mansyon. Lumunok ako at yumuko.  Pinagmasdan ko ang hubad kong mga paa na ngayon ay may mga gasgas at paltos mula sa mga tuyong sanga ng kagubatan.

Nagulat ako ng may humablot sa braso ko. Muntik na akong mapatili pero tinakpan niya ang bibig ko at hinila ako sa pinakamalapit na puno.

"What are you doing here?!"pinanlakihan ako ng mata ni Zero. Pumayat siya ayon sa huli kong kita sa kanya. May mga itim din ang ilalim ng kanyang mga mata.

"Zero,si Soul. " ibinaba ko ang kamay niya na nasa bibig ko.

"I'm asking you what are doing here! Wala sa mansyon si Soul! Wag ka nang bumalik. Look, after this, tutulungan ka namibg hanapin si Soul.. " hinigpitan niya ang hawak sa braso ko. "We're going to find them. " he assured. 

"After this? Bakit Zero,may katapusan pa ba to? Paulit-ulit na lang. " tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng isang mainit na luha sa aking pisngi.

He patted my head and smiled.

"Matatapos din ito. Malapit na. " sagot niya. 

Sasagot pa sana ako nang may marinig akong putok ng baril. Sigurado ako, galing yn sa mansyon!

"Ano yun?!"tanong ko kay Zero.  Mabilis siyang nagsuot ng jacket at may ibinulsa.

Baril.

"Nasa loob sina Eclipse at Dark. Gaya ng pangako ko tatapusin namin ito. " sagot niya at tiningnan akong mabuti. " You better stay here. Please."sabi niya bago tumakbo papasok ng mansyon.

Gaya ng pakiusap niya ay nanatili ako sa likod ng puno. Umiiyak habang iniisip kung ano na ang nangyayari sa loob. Kung paano nila  lalabanan ang mga tauhan ni Ripper kung tatlo lang sila. Syempre hindi naman sila sina FPJ atRobin Padilla para manalo kaagad.

Walang mangyayari kung iiyak ka lang dito Bell!

Tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko. Mabilis akong naglakad palapit sa mansyon.

Isang lalaking armado ng baril ang bantay ng main gate.

I tsk. I hide behind the largest tree near me. Hindi pa ko pwedeng pumasok.

I have to find a way na makapasok sa mansyonn nang hindi nahuhuli. Hindi ako makakapsok sa loob kung sa main entrance ako dadaan. Sigurado ring hindi nila iiwanang bakante sa mga bantay ang back door at iba pang exits.

Huminga ako ng malalim. Bell,you have to think.

Malamig na rin ang hanging panghatinggabi. Napatingin ako sa wrist watch ko. It's already ten fifty. Ilang minuto na lang..  Wait. Tama! The time! The pool and it's giant valve!

'Yun ang dinaanan ko palabas sa mansyon, kaya pwede ring maging daan papasok!

Kailangan ko lang ng sapat na oras at tamang timing para umabot ako sa pagrerelease ng tubig ng giant pool para makadaan ulit ako sa giant valve.

Lumingon ako sa kagubatan,hindi gaanong malayo ang main highway kung nasaan ang manwhole na dinaanan ko noon kung sa kaliwa ako dadaan. I just need to run fast. Then babalik ako sa manwhole na dinaanan ko noon na maglalagusan sa giant pool sa loob ng mansyon.

I run as fast as I can through the woods. May ilang nakalawit na sangang sumabit sa binti ko pero hindi ko ininda ang mga iyon. I have to focus on running para makaabot sa oras.

Humihingal pa ako nang marating ko ang main highway. Wala akong inaksayang oras at agad na pumasok sa manwhole na natatandaan ko.  Muli kong sinulyapan ang relo ko. It's already eleven five humawak ako sa steel bars na nagsisilbing hagdan na nasa loob ng butas na lalabasan ng tubig. Para iyong pinasadya para maging daanan.

Ilang beses akong lumunok. I have to concentrate. Hindi ako pwedeng magkamali. Kapag nagkamali ,may posibilidad na malunod ako or worst ay maipit ako sa gitna ng valve. May ilang patak na tumulo mula doon.  Mahigpit akong kumapit sa steel bars. Hindi ako magaling magpigil ng hininga pero kailangan kong pilitin. Nag-ipon ako ng maraming hangin sa baga ko. Nang bumugso ang tubig mula roon ay pikit mata akong umakyat gamit ang mga bakal na hawakan. Nang nasa maluwag na akong passage ay lumangoy na ako paakyat,nahirapan ako dahil malakas ang bugso ng hangin pababa. Nang makita ko ang liwanag ibig sabihin ay malapit na ako sa valve ay binilisan ko ang paglangoy. Nauubusan na rin kasi ako ng hangin. When I finally reached the valve,malapit na ring maubos ang tubig sa pool. Nailabas ko na rin ang kalahating katawan sa pool ,halos wala nang tubig ang pool.  Nailabas ko na ang kanang paa pero sumabit ang kaliwa at tumama sa matalas na parte. Buti na lang at nailabas ko ang paa ko bago tuluyang magsara ang valve, kundi ay magpapatuloy ako ng isa na lang ang paa. Sumandal ako sa isa sa mga walls ng pool haang hinahabol ang hininga. Nasugatan ang kaliwang binti ko pero okay lang,hindi naman siguro malalim.

Umahon ako sa pool na ngayon ay nagrerefill namang ng bagong tubig. Mabuti na lang at bakante ang paligid ng pool sa mga bantay. May isang pasilyo malapit sa mga halaman ang alam kong pwedeng daanan. Itinuro na ito ni Eclipse dati.

The secret passages.

I tried my best to remember kung saan dapat dumaan, kung anong brick ang itutulak at kung saan dapat magtago.

The passage leads to a certain place. The stusy room.

Nqkiramdam muna ako dahil madalas raw na narito si Grimm. It will be definitely inconvinient to meet him on my way. Kailangan ko pang malaman kung itinago ba nila si Soul. O kung nandito nga ba siya. 

to be continued...

The Rippers[BTS FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon