Binalak kong tumakbo pero mabilis na nahila ni Grim ang mahaba kong buhok.
"Sa tingin mo pwede kang tumakas nalang basta? Sa dami ng nalalaman mo, lalong bumibigat ang pagkamuhi ko sa iyo, Belldandy. You manipulated my grandsons to go againsts me, plus you've discovered my very secrets. " bilong niya sa akin sabay angat ng buhok ko pataas.
"Manipulated? Are you kidding me?! Buong buhay nila, ikaw ang nagmamanipula sa kanila. Nilalason mo ang isip nila! You make Soul hate my father and me when you are the one who killed his mother! Binaboy mo ang sarili mong anak! " sigaw ko sa kanya.
"Yes. Because I'm Lord Grim. Everyone should follow my orders! At kung inaalala mo si Heidi, don't you worry. Susunod ka sa mga yapak niya. Gugutay-gutayin kita sa harap nila Dark at Zero at siyempre sa bastardo mong kapatid. Akala ba ni Eclipse ay hindi ko alam ang lahat ng plano niya? Na siya ang ugat ng mga traydor? Pwes, munting prinsesa. Ipapakita ko sa inyo kung paano ko bubunutin ang masamang damo. " humalakhak siya at hinila ako palabas ng silid.
Sa di pamilyar na pasilyo niya ako hinila. Sa likod ng mga pader ay may mga putukan rin akong narinig.
Sa isang madilim na kwarto niya ako dinala. May isinenyas siya sa isa niyang tauhan. Agad akong hinila noon at iginapos. Nagpumiglas ako pero sadyang mas malakas siya.
"Lord Grimm. Napatay po nila si Doom at Crage. " salubong nang isang tauhan niya.
The old man grinned and then throw me a glare.
"The show needs to end. And of course, I'm happily obliged to give them a explosive ending. " saka ito humalakhak.
Marahas niya akong pinihit. May kung ano silang itinati sa aking likuran. I heard it's ticking sound. A bomb!
"Demonyo! " sigaw ko. Tumawa lang siya saka ako hinila palabas ng silid. Sa taas ng grand stairs ay kita ang pagkakagulo.
Ang mga sugatang tauhan at ang iba ay wala nang buhay na nakahandusay sa tiled na sahig ng mansyon na ngayon ay nababahiran na ng maraming dugo. Ang nakakabinging putok ng mga baril at ang pagpapalitan ng bawat panig.
"Kayong lahat! " sigaw ng matanda. Natigil ang mga putok at lahat ay napatingala sa amin na nasa taas. Nangilid ang aking mga luha nang makita si Soul! Si Soul! Buhay si Soul!
Gayunpaman ay may kaunting dugo ang kaliwa niyang braso. Nasa likod siya ni Dark at Zero na kapwa armado ng baril. Ai Eclipse ay naroon rin. May mga kasama pa silang ilang armadong lalaki. Ang iba ay sugatan rin."Belldandy! " sigaw ni Soul. Parang lalong pinipiga ang puso ko. Sobrang namiss ko ang boses niya. Hindi ko alam kung paano siya nakaligtas at kung saan siya nanggaling. Pero ang importante ay buhay siya.
Then I heard the time ticking.
They need to get out of the mansion. Sa oras na pumutok ang bombang ito. Mamatay kaming lahat.
"Soul! Umalis na kayo! " sigaw ko habang parang gripong umaagos abg aking mga luha"Please! May bomba sa likod ko. Mamamatay tayong lahat. " nanghihina akong napaluhod. Hinatak naman ni Grimm ang buhok ko kaya napapikit ako.
" Fuck! " rinig kong sigaw ni Soul. " Ililigtas kita Bell! Pangako! Patawad kung napatagal pero pangako! " sigaw niya.
Muling sumenyas si Grimm at muling nagpaputok ang kanyang mga tauhan. Mas kaunti na lamang ang mga ito kesa sa panig nila Soul. Pero sigurado ako, kapag pumutok ang bomba. Ubos kaming lahat. Walang sinumang matitira.
"Soul! Umatras na kayo! " sigaw ko pero sa lakas ng putukan ay hindi ko alam kung naririnig niya pa ba ako.
"Stop wasting your energy. Mamamatay rin naman kayo. " nakangisi niyang sabi. "They only have fifteen minutes. "
At alam kong napakaiksing panahon na lamang noon.
Nilunok ko ang natitirang bara sa lalamunan ko. Pinanood ko kung paano umabante sila Soul patungo sa akin. Sina Dark at Zero ay nasa magkabilang gilid niyq at nagpapaputok sa sinumang sumubok na pumigil. Si. Eclipse naman ay nasa likuran niya. Ang ibang kasama nila ay wala ring humpay sa pagpapaputok.
Nakita kong natamaan si Dark sa tagiliran kaya sandali silang huminto. Sumenyas itong ayos lang at nagpatuloy sila sa pag-atake at pag-abante.
" Five minutes. " itinulak ako ni Grimm kay Soul. Nagpaputok siya ng ilang beses kaya mabilis akong dumapa. Agad na lumapit si Soul sa akin.
Nilingon ko si Grimm na tumatakbo paalis. Iniwan ang mga tauhan niyang nakaback up sa kanyang pagtakas."Duwag. " rinig kong bulong ni Soul. Nakatingin rin siya sa tinitingnan ko.
Naalala ko ang bomba na patuloy ang pag tick sa likuran ko.
"Soul. Malapit nang sumabog! Please umalis na kayo! Hayaan mo na ako dito. Please,mas guguatuhin kong ako lang ang mamatay! " pakiusap ko. Ayokong madamay pa siya. Kita kong nakaupo si Dark sa isang gilid at hawak ang tagiliran niya. Dinaluhan naman kaagad siya ni Zero samantalang si Eclipse ay humabol kay Grimm.
"Hindi ka mamatay, okay? " niyakap niya ako at tiningnan ang bombang nakakabit sa likod ko. Hindi lang yun nakatali, nakakandado din pala iyon sa kadenang nasa likuran ko. Naririnig ko na rin ang pagkaubos ng oras.
Umiiyak akong nanalangin.
Na pakiusap.
Kahit ako lang po.
Iligtas niyo sila Soul.
"Soul, " bulong ko. Kagaya ng pagkaubos ng oras ay nauubos na rin ang natitira kong pag-asa.
Hindi siya nagsalita. Guato ko siyang itulak pero dahil nakagapos ang mga kamay ko ay hindi ko magawa. "Please. Umalis na kayo." pakiusap ko.
" Hindi kita iiwan. " bulong niya. "Hindi na ulit. "
Pumikit ako nang mariin.
Nakikinig sa pagkaubos ng oras.
At naghihintay sa katapusan ng lahat.
-----
BINABASA MO ANG
The Rippers[BTS FanFic]
FanfictionRevenge............ Hatred............ What if you'll have to pay for a sin that you haven't done.......for your father? Can you take it? How long can you run for your life?......