Chapter4

36 2 1
                                    

Handa na ang lahat ....

Itinali ko at pinagdugtong-dugtong ang kumot at damit ko para gawing lubid.Tanging suot ko ngayun ay cycling shorts at ang jacket ni Soul.....

Nang pumatak ang alas dose ng hatinggabi ay binuksan ko ang bintana at saka hinulog ang ginawa kong lubid......Ginamit ko ito para bumaba.Mabuti na lang at wala masyadong bantay sa paligid maliban sa dalawang maskuladong guard sa main entrance kaya't sa bakod ako umakyat...Hindi  nila ako napansin kaya nagawa kong makalabas ng bakod....

Nang makatapak ako sa lupa ay naramdaman ko an lubos na kasiyahan ....malaya na ako.....

Tumakbo ako sa pinakamabilis na nakayanan ko....Ayoko nang bumalik pa sa empyernong lugar na 'yun......Hindi na ako babalik pa dun...

Madilim ang kakahuyan pero di ko ito alintana....patuloy ang pagtakbo ko kahit hindi ako sigurado kung saan ako pupunta...Parang patalim na pumupunit sa balat ng talampakan ko ang matutulis na bato sa sahig ng madilim na kakahuyan...Pero hindi ako huminto sa pagtakbo.....Pilit kong minamanhid ang paa ko sa pagod at sakit sa takot na mahuli ng mga tauhan ni Grimm.....







-----

Narating ko ang isang parke....

Oo nga't nakatakas ako sa mga Reaper pero ngayon,...hindi ko alam kung nasang lugar na ba ako.....

Saan ba ako dapat pumunta?

"Miss, kamusta?"isang lalaking balbas sarado ang humapit sa bewang ko.Agad ko naman siyang tinulak."'wag ka nang manlaban...Sumama ka na lang sa akin...."

"Oo nga miss,....papaligayahin ka namin..."

Jusko.....hindi ba nauubos ang mga masasamang loob sa mundo?...

Ayoko na ....

Kakatakas ko lang sa malulupit na Reaper.....ayoko na....


"PRRRRTTT!!"

"Pare parak!Dali!!"agad silang tumakbo at iniwan ako ng makarinig ng pito.Isang babe ang lumapit sa akin...

"Okay ka lang ?"tanong niya...

"Ayu?"

"B-Belldandy?Anong nangyari sayo?Bakit ganiyan ang hitsura mo?"tanong niya .

Kaklase ko noong elementary si Ayu.....

"Mahabang kwento...Tulungan mo kong makauwi Ayu..."



-----

"Salamat uli.....sa pagpapatuloy sakin...."

"Walang anuman...pero yung mga humahabol sayo.Ano bang atraso mo sa kanila?"

Umiling lang ako...

"Sige, matulog ka na .Kung kailangan o 'ko nandito lang ako sa kabilang kwarto...."

"Sige..."



----

Hindi ako makatulog dahil sa pag-iisip...

Kamusta na kaya sila mommy?

Sana naman 'wag silang idamay ni Grimm....

"AHHH!!!"Napabalikwas ako nang tayo sa sigaw ni Ayu.Agad akong tumakbo papunta sa kwarto niya....

"Ayu!!----G-Grimm?"

"Namiss mo ba ako,....munting prinsesa?"muli kjong nasilayan ang ngiti ng demonyong matandang si Grimm.......

"Ano pa bang kailangan mo sa akiun?!Tantanan mo na 'ko!!"

"Hindi pa ito ang panahon munting prinsesa....Hindi pa ako kontento!!Hindi pa hangga't hindi ka nagdurusa at unti-unting nawawalan ng hininga sa mga kamay ko!!Kunin niyo sila!"

"T-Teka!Wag mong idamay si Ayu!Wala siyang kinalaman dito!!"

"Meron na ngayon,....salamat sayo..."

"Belldandy!!"agad na yumakap sa akin si Ayu....

"Ayu hindi kita ibibgay sa kanila..."hinigpitan ko pa ang yakap sa kaibigan ko...

Marahas na hinila ng mga tauhan si Ayu sa akin...

"Belldandy!!!"umiiyak na sigaw ni Ayu habang pinaglalayo kami...

Hindi ako bibitaw.....

May panyong itinakip ang isa sa kanila sa ilong ko at naramdaman ko ang pagkahilo....

"Ayu..."

"Belldandy!!!"Sigaw ni Ayu ang huli kong narinig bago pa ako mawalan ng malay.....




The Rippers[BTS FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon