Isang naka unipormeng lalaki ang lumapit sa amin.
"Mr. Kim, nahuli na po ang mga natitirang tauhan ni Mr. Grimm. Sugatan po ang ilan sa kanila at iimbistigahan na rin po. Maraming salamat rin po sa pakikipag tulungan niyo sa autoridad. " kinamayan niya si Soul.
Nalaman kong tatlo sa mga kasama nina Eclipse sa pagsugod sa mansyon ay mga spiya ng pulisya. Siya ang nagpapasok sa mga ito para mas makapag-imbistiga.
Dumalo ng ilang pagdinig sa hukom ang buong pamilya ng mga Ripper. Wala nang mga magulang si Soul ,wala na rin naman ang papa namin ni Kuya Eclipse.
Nakita ko roon ang mga magulang ni Zero. Nandoon din ang mama at papa ni Dark at noon ko lang din nalamang may kapatid pala siyang babae, si Dean. Hindi ko kasi siya nakita sa mansyon noon.
The cases were filed to Grimm, pero dahil patay na ang matanda ay isinarado na lang rin ang kaso. Wala rin namang nakitang koneksyon sa mga ilegal na negosyo ni Grimm ang mga anak niya. Pero tinanggap nila ang kapatawan ng pagbabayad ng mga danyos sa mga pamilya ng mga naging biktima ng lahat ng kagagawan ni Grimm.
Ipinaabot nila ang paghingi ng tawad sa lahat. Wala man silang kinalaman sa lahat ng gawain ng matanda, naging duwag at mapagwalang bahala sila. They say that they were afraid of their father kaya imbes na mangealam ay pinili nilang lumayo at di makialam sa mga gawain nito.
Nagkaroon rin ng malaking raid sa Casa na pag-aari ni Grimm. Pinawalan ang mga minor de edad na nasa Casa at dinakip ang mga tauhang naroon.
Ang sabi ni Soul, malungkot daw si Zero dahil wala roon ang hinahanap nito. Mula nang malaman kasi ni Grimm na nahumaling si Zero sa baaeng tinutukoy na nanggaling rin daw roon sa Casa, at itinakas pa ito, hindi na pinapasok ni Grimm si Zero sa Casa.
Now she's missing at di alam ni Zero kung saan siya hahanapin. I'm not sure kung tama ba ang pagkakaalala ko pero baka iyong babaeng isinama niya sa mansyon. Yung balingkinitan na kulot ang buhok.
I wish makita na rin siya ni Zero.
Si Dark ay nagpapahinga sa bahay niya. Nakausap ko rin ang mga magulang niya. Abogado pala siya.
Dahil sa sugat na tinamo niya, kailangan niyang magpagaling kaya hindi siya nakadalo sa hearing. Hindi ko naman nakausap ang ate niya mukha kasing masungit."Tahimik ka, " pukaw ni Soul mula sa malalim kong pag-iisip. Dito muna ako tumuloy sa bahay niya.
Pinagsalikop niya ang mga kamay namin at pinunan ang mga espasyo ng daliri ko ng mga daliri niya. Masuyo niyang pinisil ang aking pisngi. "Is there something wrong? "
Umiling ako.
"Wala. I just can't believe that it's all over. Hindi ako makapaniwalang nalagpasan na natin lahat. At na kasama na kita ulit. "
I smiled and lean on his shoulders. I'm just too happy and contented. Parang gustong tumalon ng puso ko sa tuwa.It just seems to be surreal and euphoric .
Gumapang ang kamay niya sa aking baywang at hinaplos iyo. Hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo.
"Ako rin. Hindi ako makapaniwalang nandito ka na ulit. Na nayayakap na kita ulit. Parang panaginip lang, nakakatakot magising. " sabi niya saka ipinulupot sa akin ang kanyang mga braso. The way he hugs me tight gives me the assurance that he's not going to let go of me. Again.
Napakalas ako kay Soul nang makita ko kung sino ang pumasok sa pinto. Sobrang saya ko na at wala na akong isasaya pa.
But seeing my mom after all of this makes my heart warmer and feel better.
BINABASA MO ANG
The Rippers[BTS FanFic]
FanfictionRevenge............ Hatred............ What if you'll have to pay for a sin that you haven't done.......for your father? Can you take it? How long can you run for your life?......