Chapter 14

26 2 1
                                    


Guato kong lapitan siya pero ramdam kong iniiwasan niya ako.

Minsang naisipan ng matandang Reaper na paglakarin ako sa mainit na batuhan ng kanilang hardin ng nakayapak, nakita kong umalis siya.

Di ko alam kung ayaw niya akong panooring naghihirap habang pinagtatawanan ako ng lolo niya o ayaw niyang makita ako.

O pareho.

Hindi ko alam. Pero nasasaktan ako. Naiinis ako dahil alam kong mali ang iniisip niya tungkol sa amin ni Eclipse. Hindi ko rin alam kung anong ginawa ni Eclipse o balak nito noong huli siyang pumasok sa kwarto ko at abutan kami ni Soul.

"Babae! Inuutusan ka ni lolo! Magbunot ka raw ng damo sa hardin! " bukod kay Soul(sa dating Soul), isa sa mga nagmana ng ugali ng kanilang lolo ay si Zero.

Tanghaling tapat at hindi pa nila ako pinagtatanghalian, ngayon ay pagbubunutin nila ako ng damo sa napakalawak ng hardin ng mansyon sa ilalim ng tirik na araw.

Kailan nga ba ako masasanay sa impyernong ito?

Na lalong nagiging empiyerno sa pag-iwas ni Soul. Nasanay na sana ako sa pisikal na sakit na dulot nila, pero kelan ako masasanay sa emosyonal na sakit na dulot ng mga Reaper?

Nahihilo man ako ay pinagpatuloy ko ang trabahong iniutos sa akin.

Ang maging alipin at bihag ay hindi madali. Lalo na kung sumasali sa pang-aalipin sa iyo ang sarili mong puso.

"Nakapagtanghalian ka na ba? " nabigla ako sa lilim na tumabon sa mainit na sikat ng araw na sumusunog sa balat ko.
Napatingala ako at nakita ko si Eclipse na nakatayo at may hawak na payong sa tabi ko.

Hinawakan niya ang braso ko at inalalayan niya akong tumayo. Bigla akong nahilo. Dahil siguro matagal akong nakaupo sa ilalim ng init ng araw kaya ikinahilo ko ang biglaang pagtayo.

Mabuti na lang at nariyan ang malapad na dibdib ni Eclipse para saluhin ako.

"Nagiging anemic ka na yata. Ang putla mo. " kinilabutan ako nang haplusin niya ang pisngi ko. Guato kong lumayo peto hawak pa rin niya ang braso ko.

Nakita kong tumingala siya. Sa bintana ng isang kwarto ng mansyon.

Sinundan ko ang tingin niya. Nakita ko roon si Soul na nakadungaw. Matalim ang mga tingin niya sa amin.

Umiwas ako nang tingin at yumuko. Nasasaktan ako sa mga tingin niya, mas masakit pa sa init ng araw, sa patalim na dumaplis sa leeg ko noon, mas masakit ito sa anumang parusa na naranasan ko sa kamay ng mga Reaper.

Tama. Ito na siguro ang pinakamasakit ng parusa ng mga Reaper sa akin.

Tumulo ang mga luha ko.

"Tama na Eclipse. Kung inutusan ka ng lolo mo para gawin ito, pakiusap... Tama na. " bulong ko habang nakayuko.

Hindi siya sumagot at hinila ako papasok ng mansyon.

******

Napatitig ako sa maliwanag na buwan.

Pilit kong inaalala kung saan ba nagsimula ang lahat.

Kung may mali ba akong nagawa sa nakaraan upang maranasan ang ganitong klaseng parusa.

Narinig ko ang dahan-dahang pagbukas ng pinto. Hindi na ako lumingon.

Si Eclipse na naman siguro. Naramdaman kong naglakad siya palapit sa akin. Huminto siya sa likuran ko.

"Eclipse, pakiusap. " gusto ko siyang sapakin, dahil sa kanya iniiwasan ako ni Soul.

"Eclipse? " nabigla ako nang marinig ang pamilyar na malamig na boses niya. Tila isang napakalamig na hangin na nagpapatayo sa mga balahibo ko.

The Rippers[BTS FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon