Chapter 17

18 1 0
                                    

Ang akala ko kapag nakalabas na ako sa mansyon ng mga Ripper, magbabago na ang lahat. Akala ko matatahimik na ako, pero paano ko magagawang matahimik kung alam kong si Soul ay naroon pa rin.

Apo siya ni Grimm, pero demonyo ang matandang yun kaya maaaring saktan din nito ang binata sa oras na matuklasan nito ang relasyon nila, at ganun din kay Eclipse na siyang nagpatakas sa kanya.

"Okay ka lang ba? " tanong ni Snow sa kanya nang ilapag nito ang kape sa mesa.

Ngumiti lamang siya.

Hanggang ngayon, hindi pa rin niya pwedeng sabihin dito ang tungkol sa mga lihim niya. Ang mga Ripper, ang mansyon, ang pagpapahirap ng matanda sa kanya, lahat. Mahirap para sa kanya na itago ang lahat ng yun lalo't gusto niyang iiyak lahat ng itinatago niyang sakit.

"Sure ka? " alam niyang hanggang ngayon ay nahihiwagahan pa rin ito sa kanya, pero laking pasasalamat niya at pinagkakatiwalaan pa rin siya nito.

"Oo. "

"Alam mo Maribel, gaya ng sabi ko, mapagkakatiwalaan mo ko. " maging ang pagsanay sa pekeng pangalang ibinigay niya rito ay kailangan niyang tiisin. "Hindi kita iki-criticize kahit ano pa yang problema mo. Baka sakaling makatulong pa ako. "

Umiling siya bilang sagot. Ayaw niyang madamay ito sa gulo niya. Minsan na niyang naidamay ang isang kaibigan at di niya alam hanggang ngayon kung anong nangyari rito. Ayaw niyang mapahamak si Snow nang dahil sa kanya.

"Wala. Okay lang talaga. "

"Bye the way, mamamalengke ako, sasama ka? Baka kasi nabobored ka na masyado rito sa bahay ko. Baka gusto mong lumabas minsan? "

Agad siyang sumang-ayon sa ideya nito. Nakakabalw ring maiwan na lang palagi sa bahay. Matagal na rin siyang di makakalabas ng malaya.

*********

"Naku, nakalimutan kong bumili ng repolyo! " pasakay na sila ng tricycle nang maalala ni Snow ang repolyo.

Natawa siya, ang ulyanin lang nito.

"Dito ka lang muna sandali huh? " sabi nito at bumalik ng daan papasok sa gulayan.

"Okay. " nakatayo siya sa tapat ng isang tindahan ng mga powdered spices nang may mamataan siyang isang pamilyar na mukha.

Yung babaeng kasama noon ni Zero.

Tumatakbo ito nang mabilis sa pagitan ng mga bangketang nakahilera na para bang may humahabol rito.

Agad siyang tumalikod nang may makita siyang lalaking nakaitim na tumatakbo rin. Kasunod ng ilan pang nakaitim na kalalakihan.

Tama ang hinala niya. Hinahabol ito nang mga lalaki. Gusto man niyang tumulong, siya mismo ay kailangan ding makatakas sa mga ito.

Ngunit muntik na siyang matumba sa kaba at pagkabigla nang dumaan sa harap niya ang isang matandang naka all black at nakasumbrero.

Si Grimm.

Tila nalunok niya ang kanyang dila at di siya makapagsalita.

Ngumisi ito at itinaas ang isang silver na kwintas na may cross pendant.

Napakapamilyar nun.

Kwintas yun ni Soul!  

Lumaki ang mga mata niya, naiiyak at kinakabahan. Nilingon niya ang matandang nakatalikod na sa kanya at naglalakad palayo.

"I'll wait for you! " sigaw nito. "Try to save him, if you can. " kasunod nun ay ang nakakabinging halakhak nito.

Napaupo siya sa labis na panghihina.

It can't be.

Anong ginawa nito kay Soul?

"Maribel! " natataranta siyang nilapitan ni Snow. "Are you okay?! "

"Snow! Ibalik mo ko! Ibalik mo ko kung saan mo ko unang nakita! Pakiusap! "


-------

R. P



The Rippers[BTS FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon