Ilang araw ring hindi siya pinansin ni Soul, iniiwasan siya ng binata.
Ano nga ba ang inaasahan niyang mangyari? Ang kampihan siya nito at talikuran ang pamilya nito para sa kanya.
Lolo ni Soul si Grimm, at sino siya? Isa lamang siyang hamak na bihag kaya hindi na siya dapat pang umasa. Lalo lang siyang masasaktan. Mas masakit pa sa mga hagupit ng latigo, o sa mga latay ng lubid na dulot ng mahigpit na pagkakatali sa kanya. O sa maliliit na mga hiwa ng punyal sa twing mapagkakatuwaan siyang paglaruan ng matanda.Mas masakit sa lahat ng iyon.
Ang katotohanang hindi kagaya ng nararamdaman niya ang nararamdaman ng binata. At ang lahat ng mga nangyari sa kanila ay parte lamang ng laro. Larong punong-puno ng patibong. Kung saan siya nagpatihulog.
Ngayon ay alam na niya. Hindi ang mga aso, o ang patalim, o maging ang pagkalunod ang ikamamatay niya. Kundi ang katangahan niya dahil umibig siya sa isang Ripper. Ngayon pa lang ay hinihiling na niyang tuluyan nang magsawa ang mga ito sa paglalaro sa kanya.
Naghihiganti sila, pero kailan ito matatapos? Sobrang pagod na siya.Napalingon siya nang dahan-dahang bumukas ang pinto. Iniangat niya ang ulo mula sa pagkakasubsob sa unan. Basang-basa na ang unan niya sa mga luha niya mula sa magdamag na pag iyak.
Lumapit si Eclipse at umupo sa tabi niya sa kama.
"Kamusta ka na? " tanong ng binata.
"Patayin niyo na lang ako. " walang buhay niyang tugon. Nakakapagod na kasi talagang maging bihag. Sana nga noon, ay nagpalapa na lamang siya sa mga aso, para natapos ito nang maaga.
"Hindi ako ang magdedesisyon niyan. " nag init ang ulo niya sa narinig. Tila napantig ang kanyang tenga.
"At sinong magdedesisyon kung kelan ako mamamatay? Ang magaling mong lolo? Kapag ba tapos na siyang maglaro, kapag nagsawa na siya? At kailan naman yun ha?! " now she's helpless. She's gripping his shirt's collar and shook him. She's tired. So tired.
And she doesn't know when will this stupid game end.
"I'm sorry. " bulong ng binata sa kanya saka tumayo at tumalikod na sa kanya.
"Sorry?! " she shouted before he could walk out of the door. "Bakit ka nagsosorry? Bakit paulit ulit niyo akong pinaglalaruan tapos hihinto kayo kapag malapit na akong bumigay .Bakit di niyo na lang ako tapusin?Pagod na ko. " she cried frustratedly and hugged her thighs.Eclipse left her crying in her dark room.
*******
Malakas ang ulan. May bagyo yata kaya mararamdaman mo ang napakalamig na hangin kahit na nagtalukbong na siya ng makapal na kumot.
Maga pa rin ang kanyang mga mata mula sa pag-iyak. Namamanhid na rin yata ang kanyang mga binti, wala na siyang lakas pa.
Kung cellphone lang siguro siya, matagal na siyang nag shutdown. At ayaw niya nang muli pang gumising.Tumayo siya mula sa kama, at sa pagkatanggal ng kumot na nakatalukbong sa kanya ay nalantad ang kanyang mga binti. Isang manipis na polong kulay puti na hanggang hita lamang niya ang kanyang suot.
Nanginig siya sa lamig. Naglakad siya at lalong nakadagdag sa ginaw ang malamig na marmol na sahig.
Bawat hakbang palapit sa malawak na divider ay nagpapadagdag sa kaba ng tila dinadaga niyang puso. Tila mabibingi na siya sa lakas ng pintig nito.
Humawak siya sa divider dahil tila nawalan na siya ng lakas kahit napakalapit na distansya lamang ang nilakad niya.
At pagbukas nang hunos ay nagkaroon ng sagot ang lahat ng kanyang problema.
Isang matalas na gunting.
Napabuntong hininga siya. Isang malalim na buntong hininga.
Nag unahan ang mga butil ng luha mula sa kanyang mga mata. Napapagod na siyang umiyak, pero kelan titigil ang mga bwiset na luhang ito.
Napadausdos siya at napaupo sa sahig. Nanginginig ang mga kamay habang hawak ang gunting.
Pilit niyang sinasabi sa sarili na ito na ang huling pag-iyak niya. Dahil pagkatapos nito, wala na. Wala nang luhang tutulo sa mga mata niya. Wala nang sakit na mararamdaman ang puso niya, wala nang Belldandy.
Patawarin siya ng Diyos pero hindi niya na kaya pa.
Sa totoo lang, natatakot siya sa sakit. Pero matapos nang lahat, may mas masakit pa ba sa mga pinagdaan niya. Isang sakit na lang, matatapos na ang lahat.
Pinahid niya ang natitirang mga luha. Itinapat ang matalim na parte sa kanyang pulso. Napasinghap siya nang maramdaman ang hapdi sa kanyang pulsuhan. Lalong nag unahan ang mga luha nanggagaling sa ganyang mugto na na mga mata. Maayang umagos ang knyang dugo.
Nakaramdam siya ng pagkahilo kaya ipinikit niya ang kanyang mga mata. Nagiging masikip ang paghinga niya kaya hingal siyang napahiga sa sahig. Patuloy pa rin ang mga luha sa pagdaloy.
"Belldandy!! "
Kahibangan na naririnig niya pa ang boses ng lalaki sa mga sandaling iyon. Na itinuturing niyang mga 'huling sandali' niya.
"Soul, "
Ito ang pangalan ng lalaking minahal niya kahit sa una pa lang ay alam niyang hindi dapat.Pangalang huli niyang binanggit bago siya tuluyang lamunin ng kadiliman.
------------
AN:Sorry for the O Super Late update. Alam niyo na, kailangan kumayod. Napapagod rin naman kasi ako.
And these past few months were very depressing. Huhu.
Hey by the way salamat sa mga sumusuporta kahit alam kong medyo boring na siya.Pero susubukan kong dalasan na ang update. Para matapos na rin siya. Thanks sa mga nagbabasa. Lovelots! Muah!
ResurrectedPrincess
BINABASA MO ANG
The Rippers[BTS FanFic]
FanfictionRevenge............ Hatred............ What if you'll have to pay for a sin that you haven't done.......for your father? Can you take it? How long can you run for your life?......