Sa tapat ng malaking mansyon.
Kung saan nagsimula ang lahat.
Ang sariling impyernong matatawag ko, na kailangan kong balik-balikan.Para kay Soul.
"Grimm! " sigaw ko sa tapat ng gate ng mansyon. Puno ng tensyon ang buong katawan ko at naiiyak ako sa pinaghalong takot at kaba. Pero kailangan kong sumugal.
"Maligayang pagbabalik ," bumukas ang gate at dalawang tauhan niyang naka itim at naka maskara ang sumalubong sakin.
Ang akala ko ay kakaladkarin nila ako gaya nang lagi nilang ginagawa noon,pero hindi. Hinayaan lang nila akong maglakad at nakasunod lang sila sa akin.
"Nasan si Soul?"nanginginig kong tanong. Kung sa takot ba,o sa galit . Di ko na rin alam. Maaaring pareho.
"Aw,... such a brave act. Sa palagay mo ba ay nasa telenobela kayo? Na ililigtas mong mag-isa ang leading man mo. How cute. It sucks! " sigaw niya saka humalakhak at tumayo sa upuan niya." He's already facing his death. You wanna hear?"sumenyas siya sa tauhan niya at may iniabot itong telepono.
"Listen very carefully."saka niya inangat sa ere ang hawak na phone.
"No!! Argh!"rinig na rinig ko ang sigaw at daing ni Soul mula sa telepono. Tuluyang bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilang bumagsak,tuluyang nang nanghina ang mga tuhod ko na kanina ko pa pinipilit na tatagan.
Ipinaparinig niya na naman,kung paano niya pinapahirapan ang taong mahal ko. Masakit sa tenga, sa puso, sa utak.
"Tama na! Hayop ka! Apo mo si Soul!Sarili mong dugo! Paano mo nagagawa sa kanya ito?! " sigaw ko.
"Dahil sayo. Because he chose you, and not me. Alam mo Belldandy? Parehong pareho kayo ng papa mo. Paano niyo nilason ang utak nila Soul at ng Prinsesa ko?!"lumapit siya sa akin at hinatak ang buhok ko pataas saka mahigpit na hinawakan ang baba ko." And because of that,I'm gonna let them taste the Deaths cruelty. Then,you are next. Gaya din ng papa mo."
"Pinatay mo si papa?"
Ngumisi siya."Oops,too much information. " saka niya ako itinulak sa sahig." Zero,ikulong mo siya sa basement,kasama ni Eclipse. "
"A-Ano? Si Eclipse. P-pero."
"Dahil isa pa siyang traydor. You all came from a dirty blood."
*********
"Bakit ka pa bumalik?"tanong ni Zero. Magulo ang buhok niya at halatang puyat sa laki ng mga eyebags. Iba rin ang itsura niya sa kilala kong Zero na mukhang laging may iniisip na masama."Kailangan kong iligtas si Soul. Tulungan mo ko Zero, please."hinawakan ko ang mga braso niya. Humarap siya sa akin at huminga ng malalim.
"I want to. But I can't. " ginulo niya ang buhok at yumuko."hindi ko alam kung bakit pero namamasa ang mga mata niya. " I gotta get her back,at pag sumuway ako kay lolo,hindi ko alam kung anong maaaring mangyari kay Ri. I'm sorry Bell,but I have to do this. " saka niya binuksan ang isang madilim na silid.
Tanging liwanag lamang ng buwan sa isang maliit na siwang ang nagsisilbing liwanag sa maliit na silid.
Nakita ko si Eclipse na nakaupo sa isang sulok kaya nilapitan ko siya at saka ako tumabi sa kanya.
"Bakit ka pa bumalik?"bungad niya sa akin.
Nagkibit balikat lang ako.
"Dahil kailangan. Kailangan ko si Soul. Kailangan natin siyang iligtas. " alam ko namang hindi madali. Lalo na't nakakulong lang din kami ngayon." Paano?"tinitigan niya ako.
Natahimik ako.
Totoo,hindi ko rin alam.
"I tried to push you out of this,but you keep on coming back to this trouble."naiiling niyang sabi. " Sa tigas ng ulo mo,hindi ko alam kung paano tayo naging magkapatid ."
Natigilan ako sa sinabi niya.
" Syempre. Hindi kasi tayo magkapatid, "
"Unfortunately, we are. "
----
Alam ko pong napaka napaka napaka napaka napaka napaka tagal kong mag UD. Laging MIA.
Sorry po talaga.Pero sisikapin ko po talagang matapos ang story na ituuu. Huhuhuhu. 😭
R.P.

BINABASA MO ANG
The Rippers[BTS FanFic]
FanfictionRevenge............ Hatred............ What if you'll have to pay for a sin that you haven't done.......for your father? Can you take it? How long can you run for your life?......