Puno ng kaba ang kanyang dibdib. Nagbibilang siya sa kanyang isip, nagcocountdown bago sumapit ang alas onse ng gabi at labing isang minuto. Napalunok siya ng laway.
"Tumalon ka na. " utos ni Eclipse.
Nilingon niya ito at muling tiningnan ang malaking pool.
"Di ko yata kaya. " halos malunok niya na ang mga salitang lumalabas sa labi niya.
"Kaya mo. " sa ikalawang pagkakataon ay ngumiti ito. Ngunit di gaya nung unang beses ni ong nagpukol ng ngiti, wala nang kaba at takot siyang naramdaman dito. Pakiramdam niya pa nga ay kumalma siya.
Nabigla siya ng akbayan siya nito at halikan sa noo.
"Kaya mo. "
Tumango siya at huminga ng malalim.
Para sa kanya rin naman ito, para sa kanila ni Soul. Kapag tuluyan na silang nakawala sa kamay ng matandang Ripper, magiging malaya at tahimik na ang buhay nila.
"Tandaan monlang, kapag nakalabas ka rito, wag na wag kang lalapit sa mga pulis. Pilitin mong makalabas ng bayan, kung maari sa malayung-malayo. " ang huling paalala nito.
Nang pumatak ang ikalabing isang minuto ng alas onse ay sumuong siya sa tubig. Malamig ito dahil nga maghahatinggabi na. Pero tiniis niya ang lamig. Habang sumisisid siya ay napakaraming naglalaro sa kanyang isipan.
Paano kung hindi niya magawa?
Kapag nagawa ba niyang makatakas, makikita niya pa si Soul?
Saan siya pupunta pagkatapos nito, ayaw niya nang makadamay pa.
Natigil siya sa pag-iisip nang makaramdam siya ng pagkakulang sa hangin. Malayo pa ang pinakasahig ng pool, hindi siya magaling sa paglangoy lalo na sa pagpipigil ng hininga kaya't napakahirap sa kanya nito.
Ilang minuto na ba siya sa ilalim ng pool. Gaano niya pa kayang pigilin ang paghinga, alam niya ang limitasyon ng katawan niya kaya alam niyang konting-konti na lang at bibigay na siya. Nagdasal na lang siya sa panginoon na sana ay malampasan niya ito.
Nabuhayan siya ng loob ng magbukas ang sahig ng pool. Gaya ng deskripsyon ni Eclipse, para itong isang valve, na humigop sa lahat ng tubig sa pool. Wala na siyang lakas pang lumangoy kayat nagpadala na lamang siya.
Patuloy niyang binibigyan ng pag-asa ang sarili.
Konti na lang.
******
Panay ang ubo niya nang marating niya ang main canal kung saan nadala ang tubig sa pool. Nakainom pa nga siya ng konting tubig, buti na lang at di siya nalunod.
Sumandal siya sa pader nito. Mabaho at marumi roon. May mangilang ng ilang daga din siyang nakita. Takot siya sa daga pero wala na siyang lakas para tumalon o magtititili nang dumaan ito sa paanan niya.
Nakaidlip siya. Pagdilat niya ay naalala niyang kailangan pa niyang lumabas mula sa kanal at maghanap ng daan para makalabas sa ayudad o nayon na kinaroroonan niya.
Nang makalabas siya sa isang open manhole ay maliwanag na. Mataas na ang sikat ng araw kaya't tantya niya ay nasa alas otso o alas nuebe na nang umaga.
Umupo siya sa gilid ng kalsada. Tanghali na kaya't natural na gutom na rin siya. Ni hindi nga siya nakapag almusal di ba?
Napatayo siya nang businahan siya nang isang itim na sasakyan. Noong una ay natakot pa siya dahil baka isa ang mga ito sa tauhan ni Grimm. Yun ay bago sumilip ang isang babae sa bintana ng kotse at tinanong siya.
"Miss okay ka lang? " tanong nito.
Agad siyang lumapit dito.
"Tulungan mo akong makalayo sa lugar na ito. Pakiusap! "
Tumango ang babae sa kanya at sinsenyasan siyang pumasok sa kotse.
"Ako nga pala si Snow. " pakilala ng babae. "Ikaw? " nag alangan siyang magpakilala rito. Paano kung tauhan din ito ni Grimm na nagbabalatkayo?
Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanya, hindi niya na alam kung kanino magtitiwala pa.
"Mirabel. " sagot niya.
Ngumiti ito at binuhay ang makina ng sasakyan. "Saan ka ba pupunta? " tanong nito.
"Kahit saan. Basta malayo. Pwede bang dalhin mo ako sa pinakamalayong bayan na alam mo? " nakita niyang naguguluhan ito sa mga pinagsasabi niya.
"Okay, gusto mo bang humingi tayo ng tulong sa mga pulis?" lalo siyang nataranta sa suhestiyon nito.
"Wag! Pakiusap, wag sa mga pulis. " naiiyak sita, nakalabas nga siya sa mabsyob, pero di nuta alam ngayon kung saan magsisimula.
"Kriminal ka ba miss?O baka takas ka sa mental." biglang nag-iba ang kanina ay mabait ng tono nito. Alam niya namang di siya katiwa-tiwala at kapani-paniwala sa ngayon. At isa yun sa mga dahilan kung bakit mas lalo niyang kailangan ng tulong.
Pero hindi niya alam kung kanino siya magtitiwala, o kung sino pang magtitiwala sa kanya. Napakagulo.
"Hindi. Hindi ako kriminal. Pero maniwala ka, hindi ko kailangan ng pulis, hindi ...hindi ako pwedeng magtiwala sa kanila." sagot niya bago tuluyang bumagsak ang mga luha niya. Pinipilit niyang maging matapang. Kanina habang nagpapatialon siya sa tubig ,ilang beses niyang naisipang sumuko na. Pagod na siya pero kailangan niyang ipagpatuloy.
"Okay lang miss. Wag ka nang umiyak. " sabi nito at nagpatuloy sa pagmamaneho. Hinihiling niya na sana ay pagkatiwalaan siya nito kahit isa lang siyang estranghera rito. Dahil ngayon niya kailangan noon.
Nakaidlip siya.
Nagising siya nang tapikin siya ng mahina ni Snow. Nasa tapat sila ng isang drive thru. Nag-order ng dalawang burger, dalawang chicken joy at spaghetti.
"Kumain ka muna. Mahaba pa ang babyahein natin. Malayo layo ang tinitirhan ko rito. " sabi ni Snow. "Gusto ming sumama? "
Agad siyang tumango. Ito ang hinihiling niya, at ang laki ng pasasalamat niya sa Diyos at nakinig ito sa dasal niya.
---------
Snow on the multimedia. ↑↑↑
Sorry for the late update. I had to built myself again. Joke. 😂😂😂Kailangan ko rin ng pahinga sa mga kadramahan ng buhay.
Sheballllll!!!!!!
BINABASA MO ANG
The Rippers[BTS FanFic]
FanficRevenge............ Hatred............ What if you'll have to pay for a sin that you haven't done.......for your father? Can you take it? How long can you run for your life?......