Chapter 23

9 1 0
                                    

Nang marating ko ang study room ay agad akong tagtago sa pagitan ng mga naglalakihang bookshelf. Sa dami ng shelves at libro ay pwede na itong tawaging library at hindi nalang basta study room.

Maingat ako sa bawat paglapat ng aking mga paa sa kahoy na sahig. Sa laki ng kuwarto, hindi ako sigurado kung ako lang ba ang tao rito.  Sabi noon ni Eclipse ay madalas dito tumambay si Grimm. Baka nandito siya kaya dapat akong mag-ingat.

May narinig ako mga yabag kaya't nahinto ako sa paglalakad. Mabilis akong nagtago sa isang sulok sa pagitang ng malaking sehelf at pader, maliit yun pero nagkasya naman ako.

Lumalapit sa kinaroroonan ko ang mga yabag. Hindi lang isang tao kundi dalawa! At mabilis ang mga hakbang.

"Miss Yamerah, marami na rin pong namatay sa mga tauhan natin. Galit na galit na rin po si Lord Grimm! Tatlo po sa mga tauhan ay traydor!Yung tatlo pong magagaling na gun man ay mga secret agents pala."bulalas ng tinig ng isang lalaki.

"What?! At hindi niyo manlang na check  ang background ng profiles nila? " tinig naman ng isang babae. Maganda ang boses at parang mahinhin,but authoritive din ang dating base sa pananalita.

"Hindi ko po alam.  Base po sa pagkakatanda ko ,si Sir Eclipse po ang naghire sa tatlong yun. " paliwanag ng lalaki.

"That bastard!"sigaw nung Yamerah yata. "And who else is with the traitors? Kilala niyo ba? O mga pulis din?"

"Ang mga apo po ni Lord Grimm, Miss. Sina Sir  Dark, Sir Eclipse at Sir Zero po. Kaya nga po galit na galit si Lord Grimm."

"Urghhhhh! What's with those three?! Ano'ng mapapala nila sa pagsalungat sa mga desisyon ni Lord Grimm?! " aigaw ng babae. Pagkatapos nun ay nakarinig ako ng ilang padyak,pagkabasak ng kung ano at kung anu-ano pang ingay na para bang nagwawala ang babae.

"Ano pong gagawin natin Miss? "

"Ihanda mo ang sasakyan. Pupunta tayo sa Casa. Zero must regret,sa di pagsunod sa usapan namin. "

Katahimikan.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Ang pagsara.

Lumunok. Ilang segundo bago ako lumabas sa pinagtataguan ko. Luminga-linga ako saka naglakad palayo sa mga shelf. Sa isang wooden table na may swivel chair sa dulo ng study room ako lumapit. Sigurado akong kay Grimm yun.

Kailangan kong maghanap ng kahit ano roon. Baka makatulong iyon.

Agad akong lumapit sa mesa at hinalungkay ang drawer sa ilalim nun. May mga papel pero ang kulay lilang sobre ang nakaaagaw sa pansin ko. Agad ko iyong kinuha at inipit sa suot kong blusa.

"Mabuti at buhay ka pa."halos mapatalon ako nang biglang sumulpot sa likuran ko ang isang babae. Maalon ang itim na itim niyang buhok. Dark ang make-up at nakasuot ng itim na damit.

"S-Sino ka?"sumandal ako sa kahoy na mesa.  Taimtim siyang nakaktitig sa akin.  Wala.pa.siyang nagagawa ay nasisindak na ako sa presensiya niya.

"Yamerah."sagot niya. "Better explain why you're here."humakbang siya palapit. Umatras ako, sinecure ang nakaipit na sobre. 

"Nandito ako para kay Soul. Babawiin ko siya." I said firmly. Kailangan kong panindigan ang lahat.  Ang nasimulan ko,ang pagbawi kay Soul. Lahat.

She laughed hysterically,throwing her jead backward. I've seen it. She laughs like that Crazy old man. Para siyang si Grimm.

Wait. Napalunok ako. Idol niya ba si Grimm kaya pareho sila ng pagtawa o may iba pang dahilan.

"Your man is already dead. Ba't di ka maka move on?"namewang siya saka natatawa pang nagpatuloy. "Ah,naniniwala ka sa forever 'no? That's why you wanna follow him kahit sa libingan? Aw, how pathetic."she grinned. Naikuyom ko ang mga kamao ko. How dare her say such things?

"Bawiin mo ang sinabi mo. Hindi pa patay si Soul! Itinatago niyo lang talaga siya!"I shouted and pushed her.

"He. Is. Definitely.  Dead. Right. Now! " itinulak niya rin ako. Binigyang diin ang bawat salita. " That stupid little Soul is already dead! That weakling is dead!"sigaw niya rin. She reached for my hair then pulled it,clutching some strands.

Idiniin ko ang aking mga kuko sa balikat niya gamit ang kaliwang kamay at sa mukha niya naman ang kanan. Nahagip ko ang mahaba at nakatirintas niyang buhok kaya mabilis ko rin iyong hinila.

Masakit na ang anit ko pero di ako bumitaw. I pulled her hair more hanggang sa sumigaw siya.

She kicked my leg kaya napabitaw akong sandali.  Nang makita kong umabot siya sa drawer at may kinuha doon ay mabilis akong lumapit. 

It's a gun.  Bago niya pa iyon tuluyang mailabas ay nahawakan ko ang mga kamay niya.  She gripped on the gun tightly pero hindi ein ako bumitaw.  Pinilit niyang itutok sa akin yun pero pilit ko namang nilalayo.  Ang daliri niya ay nasa gatilyo na. 

Buong lakas kong hinila sa gilid ko ang mga kamay namin at pinilipit ang kanya.  Lumuwag ang hawak niya at uminda.  I took that opportunity para tuluyang maagaw ang baril.  Maagap ko iyong itinutok sa kanya saka siya sinipa sa sikmura. 

Napaupo siya sa sahig.  Umatras naman ako. 

Nanginginig ang mga kamay ko sa malamig na baril.  Mabigat din ito.  Napalunok ako, bilang ito ang unang beses kong humawak nito.  At maaaring ang unang beses kong makakapatay, kung kailangan. 

Tumayo siya. 

"Come on.  Shoot me.  " hamon niya.  Humakbang siya palapit.  Umatras naman ako.  I need to be active from her every move.  I know, a second or two maaaring mabaliktad ang sitwasyon. 

Bago pa man siya humakbang muli ay pinindot ko ang gatilyo.  Umalingawngaw sa buong kwarto ang putok at parang sumakit ang mga kamay at braso ko sa impact ng pagputok. 

Her blood flowed on the tiled floor.

The Rippers[BTS FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon