Nanginginig ang mga paa kong umatras.
"Ahhhh!! " sigaw ni Yamerah. Nakaupo sa sahig habang hawak ang nagdudugong kaliwang binti.
"Magbabayad ka!" sigaw niya. "Hindi ka malakatakas dito ng buhay! "
Mabilis akong umiling. Mabilis din ang kabog ng dibdib ko.
Nang makita kong sinubukan niyang tumayo ay dumoble ang kabog ng dibdib ko. Binaril ko agad ang kanan naman niyang binti. Nanlalaki ang mga mata ko.
"Ahhh!! " napahiway na naman siya. May mga butil ng luha ang kanyang mata. Umatras ako.
Biglang bumukas ang pinto.
"Lady Yamerah.. "
Bago pa matapos ng binatilyo ang sasabihin niya ay nauna ko nang tapuain ang buhay niya. Mabilis pa pagkalabit ko sa gatilyo kesa sa pag-iisip ko.
"North! " sigaw ulit ni Yamerah nang bumagsak ang walang buhay na binatilyo. "North! " sinubukan niyang lumapit pero hindi siya makatayo. Ngayon ay malaya nang bumabagsak ang mga luha sa kanyang mga mata. "Bakit mo siya binaril?! "
Umiling ako. Natatakot. Naguguluhan. Namamanhid. Hindi ko na alam.
Mabilis akong tumakbo paalis ng silid.
Kahit anong mangyari. Kahit makapatay ako. O mamatay.
Kailangan kong makita si Soul.
Gusto nang magpahinga ng mga binti ko ngunit hindi ako tumigil. Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Nang marinig ko ang mga yabag ng ilang lalaki ay mabilis akong pumasok sa isang silid.
May matandang babaeng nakahiga. Itinutok ko ang baril ko pero hindi siya gumalaw.
"Sinong nandiyan? " tanong niya pero hindi lumingon. Nakapikit ang mga mata niya.
"Sino ka? " tanong niya ulit.
Lumapit ako at itinutok sa sintido niya ang baril. Sandali siyang natigilan.
Nagulat ako ng mahina siyang tumawa.
"Hindi na ba ako kailangan ni Grim kaya ipapapatay niya na ako? " tanong niya.
"Magpakilala ka. Sino ka? " tanong ko.
Hindi siya umimik.
"Kung tauhan ka ng kapatid ko at nalaman niyang pumasok ka rito ng walang paalam, siguradong mapaparusahan ka. "
Natigilan ako.
"Kapatid mo? " kahit kelan walang nabanggit ang matandang yun na may kapatid siya. Kahit si Soul.
Tumawa ulit siya. " Siyempre hindi mo alam. Dahil kung alam mo, ng kahit sino. Hindi ka na aabutan ng pagsikat ng araw. "
"S-Sabihin mo sakin. Ano pang hindi namin alam tungkol kay Grim. " diniinan ko ang baril sa sintido niya pero hindi manlang siya gumalaw.
Umikot ako at humarap sa matandang babae. Nakapikit pa rin siya.
Hindi kaya.
"Bulag ka? " tanong ko.
Ngumiti siya. "Hindi noon. Pero ngayon, oo."
"Hindi ko maintindihan. "
"Sinukot nila ang mga mata ko. " nabasag ang tinig niya. Tuminsig ang mga balahibi ko.
"S-Si Grim ba ang may gawa? " tanong ko. Ibinaba ko ang baril. Parang pinipiga ang puso ko. Pinadukot ni Grim ang mga mata ng sarili niyang kapatid?
Hindi siya sumagot. Kinapa niya ang mga kamay ko. May mga butil ng luhang tumulo sa mga mata ng matanda.
"Napakahabang panahon kong kinikimkim ang lahat ng sikreto at kasalanan. Nakikiusap ako sayo. " humigpit ang kapit niya sa kamay ko. " Gusto ko nang magpahinga. At sa pagpapahinga ko, ayaw kong dalhin ang mga maruming lihim ng aking kapatid. Gusto ko ng mapayapang paglisan, ng walang anumang dalahin. Kaya nakikiusap ako sa iyo. Patayin mo ako pagkatapos kong sabihin ang mga lihim na ito. " sumamo niya.
Napalunok ako.
"Mangako ka. " pagmamakaawa niya.
"O-Opo. "
"Si Grim ay nakababata kong kapatid. Ang totoo hindi siya malupit noon. " tumutulo ang mga luha niya ng malaya. Na para bang inaalala ang mabait na kapatid. "Pero binubuhay ng kasakiman at selos ang demonyo sa ating pagkatao. Si Carlina ang unang babaeng minahal ni Grim. Pero hindi ito masuklian ng babae. May ibang mahal si Carlina kaya nagbago si Grim. Ginawa niya ang lahat para pakasalan siya ng babae. Pinatay niya ang totoong mahal nito. Nagkaroon sila ng tatlong anak. At ang panganay niyang si Heidi, nang malaman niyang hindi niya tunay na anak. Nangako siya na gagawin niyang impyerno ang buhay nito. " himagulgol bigla ang matanda. "At nasaksihan ko ang pagpatay niya kay Carlina nang gabing iyon! " hinagod ko ng mga palad ang likod ng matanda. "Dahil doon ay ipinadukot niya ang mga mata ko. Ilang taon akong itinago sa kwartong ito na tila bilanggo. " humikbi siya. "Nang malaman niyang may mahal si Heidi ay agad siyang tumutol. " huminto siya. "Halimaw na si Grim. Nagawa niya ring babuyin ang bata. "
Natigilan ako. Nanindig ang mga balahibo ko.
"Ginahasa po ni Grim si Heidi? "
Tumango ang matanda. "Inutusan rin niya ang mga tauhan niyang patayin ang kasintahan ni Heidi at ipinakasal niya ang bata kapalit ng ilang milyon kay Ryan Kim. "
"Nasaan na po si Heidi?" tanong ko.
"Nang malaman niyang buhay pa ang lalaki ni Heidi at nakipagtanan ito, Inutusan niya ang mga tauhan niyang pasabugin ang sinasakyan ng dalawa. At nangako siyang ang anak ng lalaking iyon ay ang gagawin niyang kabayaran ni Heidi sa di pagsunod sa kanya. "
"Lola, paano niyong nalaman ang lahat ng ito? " tanong ko. Kung matagal na panahon na siyang nakatago sa kwartong ito. Paanong nalaman mo ang lahat? " nalilito kong tanong.
"Ang bawat kasalanan niya ay ikinukumpisal niya sa akin. Lalong nagpapabigat iyon ng alalahanin ko. Ang mga plano niya ay natatawa niyang ikinukwento sa akin. Na parang aliw na aliw siyang pumatay at maghiganti. Hindi siya ganoon dati. "
"Lola tama na-" natigilan ako nang may putok ng baril. Kasunod noon ay ang pagbagsak ng matanda sa harap ko. Sinalo ko ito at bumagsak ang ulo nito sa aking balikat.
"Masyado kang madaldal ate. " sabi ni Grim bago itinutok ang baril sa akin. "Marami yata kayong napagkwentuhan munting prinsesa. " baling niya sa akin ng nakangisi.
"Salamat. " bulong ng matanda bago tuluyang bumagsak ang ulo nito sa balikat ko.
Pakiramdam ko ay nanginginig ang mga kalamnan ko sa pinaghalong galit at takot.
"Pinatay mo ang sarili mong kapatid?! " sigaw ko. Sabay ng pagbasak ng luha ko. "Demonyo ka! "
BINABASA MO ANG
The Rippers[BTS FanFic]
FanfictionRevenge............ Hatred............ What if you'll have to pay for a sin that you haven't done.......for your father? Can you take it? How long can you run for your life?......