Chapter 10

17 1 0
                                    

Naimulat ko ang mga mata ko.

Ang kisame ng madilim na kwarto ang unang tumambad sa paningin ko.

Buhay pa ba ako?

Siguro nga.....

Panaginip lang ba ang nangyari?

Tinitigan ko ang kamay ko at dahan-dahang bumangon....

hindi,

Totoo yun......pero di ba nalunod ako?

Posible kayang?

Biglang bumukas ang pinto.At iniluwa noon si Eclipse.

"Gising ka na pala."

"Bakit buhay pa ako?"kailangan kong malaman....

"Niligtas ka ni Soul."

May malaking kasiyahan parang gustong lumundag palabas sa puso ko...

Tama ang hinala ko.

"Nasaan na --"

"Di niya yun dapat ginawa."agad napawi ang mga ngiti ko sa mga sinabi niya."Di ninyo alam kung anong pinasok niyo."sabi niya sakin bago tumalikod at lumabas ng kwarto.

Napatulala na lang ako nang tuluyan na akong maiwang mag-isa sa madilim na kwarto.

Biglang may kung sinong marahas na bumukas sa pintuan.At alam ko ang mangyayari pagkatapos ng mga ganitong eksena.

********

Nasa tapat ako ng itim na pader.Sa loob ng isa sa mga kwarto ng mansion.

Ako lamang mag-isa at di ko alam ang susunod na 'laro' ni Grimm.

Narinig ko ang mga yabag papasok ng kwarto.

Iniliuwa nang malaking pintuan ang matandang may mapanganib na ngiti.

"Kamusta na?"

"Ano na namang pakulo ito?!"sigaw ko sa kanya.

"Mas makabubuting maghintay ka lang."sa pagsilay ng mapanganib na ngiti ng matanda,alam kong may di magandang mangyayari.

Nagulat ako ng pumasok si Soul sa kwarto.

"Mabuti naman at nandito ka na."tinapik ng matanda ang balikat niya at saka muling tumingin sakin.

"Let's start this game."malawak pa sa pader sa likod ko ang ngiti nito.

"Soul,...simulan mo na."utos nito.

Simulan ang alin?

Napatingin nako kay Soul at binigyan siya ng 'anong nagyayari' -look.

Tiningnan niya ako na para bang humuhingi sa patawad.Pero para saan.

Nilabas niya ang mga punyal mula sa coat niya.,

Napalunok ako.

Napaatras hanggang sa tuluyang sumandal sa malamig na pader.

"Please,"hindi mo ito gagawin?Hindi ba?!!

"Simulan mo na!Naiinip ako!"sigaw nang matanda.Napapikit ako nang marinig ang kalansing ng punyal nang tumama ito,mga ilang pulgada ang layo mula saulo ko.

"Closer,Soul...I want you to hit it closer."

"Opo,"

muli akong napapikit nang tumama ito sa gilid ng tenga ko.

Napalunok ako.Nagyon ay mas malapit na nga ang tira.

"Are you fooling me around Soul?!When I say closer,you have to hit CLOSER!Gusto mo bang ako ang gumawa?!!"napakabilis at pikit-matang itinira ni Soul ang huling punyal sa sigaw ng matanda.

Natulala ako,dahil this time....

napadlisan ako.

no.

'Dinaplisan' niya ako.

Naramdaman ko ang hadpi ng maliit na hiwa sa kanang parte ng leeg ko.Hindi yun malalim,pero totoong mahapdi.Lalo't ang taong nagdulot ng sugat na yun ay isang taong may puwang sa puso ko.

"Good."tumayo si Grimm at nakangiting lumabas ng kwarto.

Napadausdos ako paupo sa pader.

Halos iluwa ko ang puso ko sa sobrang takot na naramdaman ko.

Dahan-dahang lumapit sa akin si Soul.

"Patawa--"

"Tinamaan ako!Alam mo ba yun?Ay oo nga!Alam mo!Sinadya mo yun e!!"naiinis ako.Ewan!

"Makinig ka nga!Sa tingin mo ba titigil siya kung hindi kung ginawa yun?!!"Natulala ako.

Di ko napansing tumutulo na ang mga luha ko....

"Ayoko na rito."tiningnan ko siya na nakatitig pa rin sa akin."Tumakas tayo,Soul."



*********

AN:Hindi po ito actually bagong UD .Hindi ko alam kung anong nangyari pero nasingit sa pagitan ng chapter 7 at 8 ang chapter 10.Nilipat ko lang po.

Lutang pa rin po ako dala ng writer's block.Hindi pa po ako makakapag update sa ngayon.Broken hearted eh,may gf na si crush.Lol.Hahanap po muna ako ng bagong inspirasyon. 

Love lots <3

ResurrectedPrincess

The Rippers[BTS FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon