Chapter 19

8 1 0
                                    

"Nagbibiro ka lang,hindi ba?"hindi ko alam kung paano pa nagagawang magbiro ni Eclipse sa sitwasyon namin ngayon. Napaka imposible naman kasi na magkapatid kami.

Ngumiti siya at may dinukot sa bulsa niya.

Isang picture, ng mama niya at ng papa ko.

"Half siblings," mahina niyang sabi. Hindi ako nakasagot. Nanatili lamang akong tulala.

"Nakatakda nang ikasal si Heidi Kim ,pero umibig siya sa isang lalaki. Na mahigpit na ipinagbawal ni Grimm. Pero ang taong nagmamahal,gagawa at gagawa ng paraan makita lang ang minamahal niya. Palihim na nagkikita ang dalawa,at nagbunga ang pagmamahalan nila. " huminto siya saglit sa pagkukwento saka ako tinitigan. "Bunga ako ng isang ipinagbabawal na pag-ibig. Pero naging malaking hadlang si lolo  sa pagsasama ng dalawa. Ikinulong niya si mama sa mansyon. Pero walang nakakaalam ng buntis na siya noon. Sapilitang ipinakasal siya sa papa ni Soul. " 

"Pero paano mong nalaman ang lahat ng ito?"tanong ko sa kanya.

"Dahil ang mga lihim ay di maitatago habang buhay. Ang mabahong amoy ay aalingasaw ano mang pilit mong pigilin ito. " sagot niya.

"Eclipse, "  

Napalunok ako,hindi ko inakalang may kapatid ako sa labas.

"Kung alam mo lang kung anong dinanas ni mama sa sarili niyang ama," nagtatangis ang mga bagang niya sa galit.

"Ang sama talaga ng matandang yun."

"May plano ako."bulong niya sa akin.

********************

Ipinikit ko ang aking mga mata.

Malamig.

Masakit ang buo kong katawan, napapagod.
Dahan-dahan kong iminulat muli ang aking mga mata at tumingala. Wala akong nakikita kundi dilim sa lugar na ito. Walang bituin O bwan na na kapag ko liwanag ng malungkot na kalangitan.

Huminga ako ng malalim. Habang dinadama ang pagpatak ng ulan sa aking mukha. Habang nakaupo ako,hanggang dibdib ko na ang malamig na tubig. Ngayon lamang bumalik ang malay tao ko pero alam kong hindi pa lumalagpas sa isang oras ang inilalagi ko rito sa ilalim ng balon.

Pagod na pagod na ako kaya't pinasya kong sumandal na lang sa matigas na dingding nito. Maging ang boses ko'y hindi na lumalabas dahil sa pagod.

Sigurado akong hindi aabutin ng magdamag ay mapupuno ang balon. At marahil yun na ang katapusan ko.

Pumikit ako ng mariin.

Ang imahe ng maamo niyang mukha ang nakikita ko.

Sa mga panahong alam kong takot na takot siya pero pilit na nagtatapang- tapangan sa harap namin,sa harap ni lolo.

Na kahit tumutulo ang luha at gutay-gutay ang soot na bestida ay maganda pa rin siya,kahit na galit ang ipinupukol ng maganda niyang mga mata.

Sa panahong napakadali nang tumakas pero nanatili siya sa tabi ko at piniling alagaan ang isang halimaw na handa siyang patayin.

Sa mga sandaling hindi ko maintindihan kung bakit nawawala ako sa sarili sa mga mahinang ungol at singhap niya habang magkayakap kami.

Ang mga unang sandaling nakaramdam ako ng takot habang nakikita kong malayang umaagos ang dugo sa kanyang palapusuhan.

Sa mga sandaling gusto kong patayin si Eclipse sa tuwing dumidikit sa kanya.

Mga sandaling naisip kong magbago. Tumiwalag sa sarili kong dugo,sa sarili kong pamilya makasama ko lang siya.

Kaya ba bawal ang magmahal?

Kaya ba sumuway si mama? 

Kasi ganito ang pakiramdam ng nagmamahal.

Tumakas sa mga mata ko ang maiinit na butil ng luha.

Buong buhay ko'y itinanim ni lolo sa utak ko na ang pagmamahal ay isang kahinaan. Isang kalawang sa matalim na espada,isang sagabal.

Pero sa mga panahong ito.

Hindi siya kahinaan. Kasi kahit ayaw nang gumalaw ng katawan ko,kahit gusto ko nang sumuko,ang mukha niya, ang ngiti niya ang nagpapanatiling gising sakin. Ang bumubulong sakin na wag bumitaw. Sa ngayon,sa nararamdaman kong ito ako kumukuha ng lakas.

Humuhugot ng pag-asa na kung totoo ang sabi nila. Kung may Diyos.

Sana... Sana makita ko siya ulit. Sana mayakap ko siya ulit. Maramdaman ko ulit ang init ng katawan niya. Ang makita ko ulit ang ngiti niya.

Diyos ko,tulungan niyo po ako.

Nasa pagitan na ako ng pagkasing at pagtulog ng may marinig akong kaluskos mula sa itaas. Gusto ko mang sumigaw ay napapaos na ako.

Hindi ko alam kung pagdedeliryo lmang ba O narinig ko ang boses ni mama.

"Quickly,get him out of there."

Black.

The Rippers[BTS FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon