Chapter 2

40.5K 1K 14
                                    

PUNO ng pagtataka ang ama ni Weng na si William kung bakit bigla siyang gustong makausap ni Albert Vergara. Nagtataka man ang ginoo ay nagpasya parin siyang puntahan ito opisina nito. Pagdating niya kung saan ang makikita ang nakatayong matayog na gusali ay pabuntong hininga siyang pumasok dito.

"Yes Sir. May I help you?" Nakangiting anang receptionist sa lobby ng gusali. "Oh! I'm here to see Mr. Vergara. Pakisabi hija si William." Sagot naman nito.

Agad naman tiningnan ng receptionist ang list ng mga taong makikipagkita kay Mr. Vergara. "William Castañeda po?" Paniniguro nito. "Yes hija."

"Sige po, tumuloy na kayo. Nasa 10th floor po ang opisina ni Mr. Vergara." Anang babae sa kanya. Agad naman tumango ang ginoo at pumasok sa elevator. Agad niyang pinindot ang 10th floor gaya ng sabi ng receptionist sa kanya.

Ng tumigil at bumukas ang elevator sa 10th floor ay agad lumabas si Mr. Castañeda. Isang malinis at tahimik na pasilyo ang bumungad sa kanya. Sa di kalayuan ay agad naman niya nakita ang isang babae na nakaupo. Kaya agad siyang lumapit dito.

"Good afternoon hija, I'm here to see Mr. Vergara." Anito sa secretary ni Mr. Vergara. "Mr. Castaneda?" Anito sa magalang na tuno.

"Yes!"

"This way po Sir," anang secretary ni Mr. Vergara na tumayo mula sa kinauupoan niya. Tumigil ito sa tapat ng isang pinto. "hinihintay na po niya kayo sa loob ng opisina niya." Nakangiting imporma ng secretary ni Mr. Vergara na bahagyang kinatok ang pinto bago niya binuksan. Agad namang tumuloy si Mr. Castañeda sa loob ng opisina ni Mr. Vergara.

"Kumpadre, buti naman at pinagbigyan mo ako sa imbitasyon ko," masayang aniya agad ni Mr. Vergara ng makita niyang pumasok sa opisina niya si Mr. Castañeda. Agad itong tumayo sa kinauupoan niya at sinalubong ang panauhin.

Agad namang nakipagkay si Mr. Castañeda kay Mr. Vergara. "Have a sit kumpadre." Alok nito kay William sabay mwertsa niya sa upoan. Agad naman itong tumalima.

"Salamat kumpadre." Pasalamat naman ito pagkaupo nito. "Anong gusto mong inumin kumpadre?" May ay tanong ni Albert kay William.

"Kape nalang kumpadre." Sagot nito. Agad naman tumawag si Albert sa secretary nito para ipagtimpla sila ng kape. At di rin naman nagtagal ay dala-dala na ng secretary ni Albert ang dalawang tasa ng kape.

"So, ano ang mahalaga nating pag-uusapan at pinapunta mo pa talaga ako dito sa opisina mo kumpadre?" Agad na tanong ni William sa kumpadre nito matapus niyang sumimsim ng kape. Bago ito sumagot ay huminga muna siya ng malalim.

"Gusto sana kitang makausap tungkol sa mga bata kumpadre, alam mong tumatanda na tayo at sino pa nga ba ang mamamahala sa lahat ng mga naipundar nating mga ari-arian kung hindi sila." Sagot ni Albert. Napakunot naman ang noo ni William dahil sa pagtataka.

"Anong ibig mong sabihin kumpadre? Di kita maintindihan?" Ang nalilitong tanong ni William.

"Ang ibig kung sabihin kumpadre ay," bahagya itong huminto sa gustong sabihin sa kanya. "Mmm....ano kaya kung pagkasunduin natin ang mga anak natin, binata ang sa akin at dalaga naman yung sa iyo? Kumpadre, gusto ko nang lumagay sa tahimik ang anak ko at gusto kung mapunta ang lahat sa maayos na kamay. At alam ko kung ang anak mo ang magiging asawa niya ay panatag akong iwan at ipagkatiwala sa kanya ang negosyo ko. At kapag napag-isa natin ang Castañeda at Vergara ay alam kung mas lalago pa ang mga negosyo natin. At sa ganitong paraan ay maibabalik mo ang mga dati mong share holders sa company." Napaisip naman si William na tama ang kumpadre niya, pero di niya kayang pangunahan ang anak. Dahil ito nalang ang pinaghuhugutan niya ng lakas matapos ang sunod-sunod na problimang dumating sa kanya.

I LOVE MY SECRET WIFE(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon