HAPON na nang makarating ng Palawan ang magkakaibigan. At masayang-masayaang mga girls ng makarating sila sa rest house nila Aljhon. May kalakihan din ang bahay ng mga Vergara doon, mas pinili kasi nilang doon tumuloy kesa sa private resort ng pamilya Vergara.
Up in down ang bahay, para rin siyang mansyon sa laki nito. Kulay gray ang kulay nito sa labas. At sa loob naman ay kumpleto rin ang mga mwebles na nakalagay rito na pawang mamahaling kagamitan galing pa ng ibang bansa. Pero ang room ay anim lang. At dahil doon ay ang mga boy's ay ayaw ang makishare sa kapwa nila mga lalaki ng kwaeto. Kaya napasimangot nalang ang mga girls dahil ang ibig sabihin ay sila ang makikishare sa nagsama sa kanila dun.
"Hi Nanay Pasing, kumusta po kayo?" Ang bati ni Aljhon sa matandang katiwala ng rest house nila ng pagbuksan sila nito ng pinto.
"Mabuti naman hijo." Agad nitong tugon na nakangiti. "Oh! siya, baka gutom na kayo at nakahanda na ang pagkain." Yakag nito sa kanila at agad silang inakay ng matanda sa hapag kainan kung saan nakahanda ang iba't ibang putahi na nakahaing sa mesa.
"Salamat po nanay. Ah! siya nga po pala, ito po yung magiging asawa ko po na nabanggit ko sa'inyo at sila naman po yung mga kaibigan ko." Ang nakangiting ani Aljhon dito.
Nginitian din ng magkakaibigan ang ginang na muli silang inaya sa hapag kainan kung saan nakahaing ang ibat-ibang putahing sea food's sa mesa. Natatawa naman ang mga kasama ni Aljhon ng makita nila sa dami ang nasa harapan nilang nakahaing pagkain.
"Para tayong kakatayin?" Mahinang ani Rainier sa kanila ng makaupo sila sa mesa. "Sige lakasan mo at ng matuluyan kang makatay ni manang Pasing." Sagot naman ng malapit sa kinauupoan niyang si Marco.
Matapos nilang kumain ay bahagya muna nagpahinga ang mga ito kung saan ang sala bago sila nagpasyang magpahinga. At gaya ng dati parang aso't pusa na naman si Rainier at Hilda.
"Ayaw kong tumabi sa'yo matulog." Ang nakasimangot na ani Hilda kay Rainier. "At saan mo gustong matulog, dito sa labas?" Ang naiiling naman nitong sagot. Kaya sinamaan siya nito ng tingin.
Bigla naman binitbit ni Rainier ang mga bag nila at walang pasintabing pinako niya si Hilda. At dahil may kaliitan ito ay para sa kanya magaan lang ang dalagang buhat-buhat niya.
"Hoy! Gorilla ka, ibaba mo nga ako." Anito sabay hampas ni Hilda sa likod ni Rainier pero baliwala lang ito sa binata.
"Hey! Ang ingay mo, ang liit-liit mo nga para ka namang kuliglig kung makatili." Turan nito sa dalaga na biglang natahimik. Tuloy-tuloy lang ito sa pagpanhik niya sa hagdan paakyat sa pangalawang palapag ng bahay. Nagkatawanan naman ang mga kaibigan nilang sumunod narin sa kanila. At nagkanya-kanya ang mga ito ng pasok sa magiging kwarto nilang gagamitin pansamantala.
Magkatabing nakahiga sina Aljhon at Weng sa kamang gamit nila habang nakaunan sa bisig ni Aljhon ang dalaga. At hindi nagtagal ng kapwa sila lamunin ng antok hanggang makatulog silang dalawa.
KINABUKASAN sikat ng araw na tumatama sa balat ni Weng ang gumising sa kanya, kaya agad niyang kinapa ang katabi ngunit wala na sa tabi niya ang binata. Ngunit ipinagkibit balikat nalang niya ito at ipinasyang maligo bago siya bumaba. Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang lumabas ng bathroom at doon ay bumungad sa kanya ang mga kaibigan niyang naghihintay. At take note naka gown ang mga ito. Kaya napakunot ang noo ni Weng sa mga ito dahil ang akala niya ay magbabad silang lahat sa dagat ngayong araw, pero bakit gown ang suot ng mga ito.
"Good morning besty," ang matamis ang pagkakangiting bati sa kanya ni Dawn. At kilala niya ang mga ngiting iyon, may kalukuhan itong tinatago sa kanya. "dali magbihis kana at ito ang isusuot mo." Ani Dawn dito sabay abot niya ng white tube gown kay Weng.
BINABASA MO ANG
I LOVE MY SECRET WIFE(Completed)
RomanceAMBERS CLAN SERIES-1 ALJHON CLYN VERGARA "Honey, God knows how I love you. That's true, I love you so much at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko dahil ikaw ang buhay ko. Your my everything at ng dahil sa'yo ay nabago ang buhay ko. Binago mo ito h...