GULAT ang namayani kay Weng ng dumampi ang malambot na labi ng binata sa kanyang mga labi. It's her first time kiss at si Aljhon ang gumawa. Kaya hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman dahil pakiramdam niya ay parang bulta-bulthing kuryente ang nanalaytay sa buo niyang pagkatao. Kahit ilang sengundo lang na naglapat ang kanilang mga labi.
Alam ni Aljhon na nagulat niya ang dalaga sa paghalik niya dito, kaya bahagya niyang dinikit ang kanyang noo sa noo ng dalaga para ipantay ang mukha niya dito. Pinakatitigang niya ang mapungay na mga mata ng dalaga na kinangiti niya.
"Are you mad at me?" Maya ay tanong ni Aljhon sa tahimik na dalaga ngunit agad naman itong umiling bilang sagot niya.
"Pwede bang umupo muna tayo. Nangangalay ang paa ko." Ani Weng kay Aljhon kaya agad naman siya nito inakay sa isang bakanting upuan.
"Akin na mga paa mo at hihilutin ko." Ani Aljhon kay Weng. "H-huh! hindi wag na nakakahiya naman at isa pa nakatingin sila oh!" Ang nahihiyang ani Weng.
"Hayaan mo sila, kaya akin na." At dahil makulit ito ay walang nagawa si Weng kundi ipahilot ang masakit nitong mga paa kay Aljhon. At ang nakakakita sa kanila ay nangingiti nalang sa sweetnes nilang dalawa. Ang hindi nila alam ay hiyang-hiya na si Weng dahil pulang-pula na ang mukha nito. Hindi rin siya sanay na pinagtitinginan kaya naiilang siya. Agad naman siyang binuhat ni Aljhon ng hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Weng dito habang ang mga kamay niya ay nakapulupot sa leeg ng binata.
"It's a surprise, malalaman mo pagdating natin dun." Ani Aljhon dito na nakangiti kaya nanahimik nalang siya.
Habang buhat-buhat ni Aljhon si Weng papalabas ng pinagdausan nila ng party ay hindi maiwasan ni Weng ang wag magtanong ditong muli.
"Aljhon. Saan ba talaga tayo pupunta at buhat-buhat mo pa ako? Ibaba muna lang kaya ako, pinagtitinginan na nila tayo oh!" Ang pabulong na ani Weng kay Aljhon. Dahil kung titingnanan ang ayos nila ay mukha ang mga itong bagong kasal.
"Don't mind them, inggit lang ang mga yan." Ani Aljhon dito, sabay kindat niya kay Weng. Kaya si Weng ay isinubsub nalang nito ang ulo sa leeg ng binata dahil sa pulang-pulang na ang mukha niya.
Saka pa ibinaba ni Aljhon si Weng ay ng marating nila ang kanyang sasakyan. Agad siya nitong pinagbuksan ng pinto at ng makapasok sa loob ng sasakyan niya si Weng ay nagmadali naman siyang gumawi sa kabilang side at pinagana ang makina ng sasakyan nito.
Makilipas ang ilang segundo ay nilisan nila ang hotel na panay buga ni Weng ng hangin dahil sa hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabing surprise ni Aljhon sa kanya.
"Honey, stop doing that. I'm sorry kung ayaw kung sabihin sayo ang pupuntahan natin. Dahil kung sasabihin ko sayo ngayon ay hindi na yun surprise." Anito sa dalaga sabay gagap nito sa kamay ni Weng. Nakapuot naman itong umupo ng paharap sa binata.
"Fine." Pagsuko nito. "Can I asked you?" Maya ay tanong nitong kinailing naman ng binata. "Come on. Hindi ang pupuntahan natin ang tanong ko. Ibang tanong ito." Saad pa nito sa binata.
"Okay! Go ahead." Sagot na lang nito.
"Mmmm! Anong favorite color mo?" Tanong nito. "Favorite color," bahagya naman itong nag-isip. "Kahit na ano, basta babagay sa akin ang kulay." Sagot nito.
"Hindi yung pinaka gusto mo talaga." Aniya naman ng dalaga. "Ikaw." Tangi nitong sagot.
"Eh! Wala namang kulay na 'ikaw' ang pangalan?" Kunot noo naman nitong tanong. "I know." Anito.
"Whatever. Favorite food?"
"Kahit na ano basta walang poison. Tanging shrimps lang ang hindi ko makain. I have a allergies on it." Mabilis naman nitong sagot.
BINABASA MO ANG
I LOVE MY SECRET WIFE(Completed)
RomanceAMBERS CLAN SERIES-1 ALJHON CLYN VERGARA "Honey, God knows how I love you. That's true, I love you so much at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko dahil ikaw ang buhay ko. Your my everything at ng dahil sa'yo ay nabago ang buhay ko. Binago mo ito h...