Chapter 9

27K 808 5
                                    

HABANG nasa byahe sila Weng ay hindi nito maiwasang hindi makatulog habang nasa gitna sila ng traffic. Kaya hindi niya namalayang narating na pala nila ang lugar kung saan ang sinasabing surprise ni Aljhon sa kanya. Agad pinindot ni Aljhon ang remote control na hawak upang buksan ang malaking gate sa harapan nila. Ng bumukas iyon ay maingat niyang ipinasok sa loob ang sasakyan bago niya ito isinara ulit.

Habang mahimbing na natutulog si Weng ay nagkaroon naman ng pagkakataon si Aljhon upang malayang tinitigan ang maamo nitong mukha. Maingat niyang hinaplos ang mukha nito sabay hawi sa ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ng dalaga. "Kahit tulog, ang ganda parin." Anito sa isip na napangiti.


Tila naramdaman naman si Weng ang mga matang nakitingin sa kanya. Kaya dahan-dahan niyang minulat ang mga mata at tama nga siya. Dahil nakatunghay sa kanya ang binata kaya mataman naman niyang sinalubong ang mga titig nito. Pero bigla rin siyang sumuko ng makaramdam siya ng pagkailang dito kaya mabilis siyang umupo ng tuwid sabay tingin niya sa labas. Doon naman niya napansin ang nasa harapan nilang malaking bahay.

"Aljhon. Nasaan tayo? I mean bahay niyo ba yan?" Tanong nito sa binata.

"Come on. Let's find out who own that house." Sagot nito sabay bukas ng sasakyan. At ng makalabas ng sasakyan si Aljhon ay mabilis naman niyang pinagbuksan ang dalaga.

Ng makalabas ng sasakyan ang dalaga ay agad pinagsiklop ni Aljhon ang kanilang mga kamay.

"Aljhon. Who own this house?" Anito sa binata ng mapansing napakatahimik doon. Kaya alam niyang hindi iyon ang bahay nila Aljhon. "Hey! Baka magalit ang may-ari." Aniya sa binata.

Ngunit sa halip na sagotin ng binata si Weng ay ngintian lang siya nito. Agad binuksan ni Aljhon ang pinto gamit ang susing nasa mga kamay niya. Pagbukas ng pinto ay agad na inabot ni Aljhon ang susi kay Weng.

"What is this?" Kunot noo niyang tanong habang nasa kamay ang mga susi.

"Ito ang surprise ko sa'yo," kakamot-kamot nitong aniya. "binili ko ang bahay na'to para dito natin bubuoin ang ating magiging pamilya." Dahil sa tinuran ni Aljhon ay agad inilibot ni Weng ang mga mata.

"Hindi pa kumpleto ang mga gamit. Because I want you to choose what you like to put here." Anito. Hindi naman alam ni Weng kung ano ang sasabihin sa binata.

"I hope you like it." Ani Aljhon.

"Thanks." Agad nitong aniya sa binata na nakangiti.

"T-thanks for what honey?" May pagtatakang tanong dito ni Aljhon. "Dito sa bahay. I like it." Sagot nito sa binata.

"Oh! Your always welcome honey," anito. "Halika at ipapakita ko sa'yo ang buong bahay." Aya nito sa dalaga na agad naman nagpatianod sa binata.

Agad nga niyang ipakita dito ang loob buong ng bahay. Agad naman napansin ni Weng na may kalakihan ang bahay. Ang sala at kusina ay malaki ito, maging ang dinning are ay para sa pang maramihang pamilya. Siguro dahil narin sa maraming kaibigan ang binata kaya malaki ang pinagawa ng binata.

May dalawang malaking kwarto rin sa baba for maids quarter. At napansin rin ni Weng ang isang space room sa baba na parang dalawang kwarto rin kung pagsasamahin.

At sa itaas naman ay mayron anim na malalaking silid at isang room para mini library. Ang lahat ng kwarto ay binuksan ni Aljhon para makita ng dalaga. Ang huling binuksan niya ay bumungad agad sa dalaga ang halimuyak ng rose fetals sa boong silid. At kpansin-pansin ang nagbibigay liwanag sa loob ng silid ay ang mga kandilang nakalagay sa loob ng mga baso. Ng pumasok sila sa loob ay agad niyang napansin ang mesang nakahda doon, may nakahaing ditong mga pagkain na ikinalingon nito kay Aljhon.

I LOVE MY SECRET WIFE(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon