Rated SPG:
NANG marating nila Aljhon ang bahay nila Weng ay agad niya itong ipinagbukas nang pinto ng sasakyan. Kaya nakangiti itong tiningnan ng dalaga. Maingat din itong inalalayan ng binata hanggang makababa ng sasakyan si Weng.
"Hindi kana ba papasok sa loob?" Tanong ng dalaga kay Aljhon.
"Hindi na, next time nalang honey," sagot nito. "sige na pumasok kana." Utos nito kay Weng.
"Okay! Sige mag-ingat ka sa pagdrive, wag na pasabit-sabit pa kung saan ha!" Paalala dito ni Weng.
"Honey naman, good boy na kaya ito. I swear, mamatay man ang sampong anak ng tikbalang na boatlag." Anitong kinaawang ng labi ni Weng.
"My God. Saan mo natutunan yan?" Ang natatawang tanong ni Weng sa kanya.
Kakamot-kamot naman itong nakatingin sa dalaga sabay ngiti nito. "Ang mga kapatid ko ang nagsabi niyan sa akin." Sagot nito.
"Don't worry, dahil sinusubukan lang naman kita. Dahil naniniwala na ako sa'yong good boy kana ngayon." Saad ni Weng dito na nakangiti.
"Thanks honey." Sabay yakap niya sa dalaga na gumanti rin naman ng yakap sa kanya. "Sige na, pumasok kana baka mahamugan ka pa dito sa labas." Anito sabay halik niya sa labi ni Weng. "Good night honey, see you tomorrow." Anitong nakangiti sa dalaga ng pakawalan nito ang labi ni Weng.
"Okay! good night too," si Weng agad humiwalay sa binata. "Take care okay." Saad nito bago siya pumapasok sa gate ng kanilang bahay. Hinintay muna ni Aljhon na makapasok ang dalaga sa loob bago siya umalis na may ngiti sa labi.
NANG makapasok si Weng sa kanilang bahay ay inabutan pa nito ang kanyang ama sa kanilang sala. Kaya agad naman niya itong nilapitan para humalik sa ama.
"Hi Dad, but gising pa po kayo?" Tanong niya sa ama ng tuloyan siyang makalapit dito. Agad naman napaangat ng mukha ang ginoo ng marinig niya si Weng na nagsalita.
"Oh! hija, nasaan si Aljhon?" Tanong nito kay Weng ng hindi niya makitang kasama ng anak si Aljhon.
"Hindi na po siya tumuloy Dad." Sagot niya sa kanyang ama na kinatango naman ng ginoo.
"Ah! ganun ba hija, siya nga pala tumawag ang doctor ng mommy mo bago lang." Anang ginoo na kakakitaan ng pagkagalak.
"Ano po ang sabi Dad?" Nagagalak rin nitong tanong sa ama. "Nagising na daw ang mommy niyo." Anito na nangilid ang luha sa kanyang mata dahil sa tuwa.
"Talaga Dad?" At sa tuwa niya ay nayakap niya agad ang kanyang ama.
"Ang daya niyo talaga, nagdradrama na naman kayo at kayo lang talaga, hindi niyo ako sinasali." Ang kunwaring pagtatampo ni Neche sa mga ito na kababa lang galing sa ikalawang palapag ng bahay nila kung saan ang kwarto nito.
"Bleeehhh." Binilatan lang ito ni Weng sabay bumungisngis. Kaya nagmadaling lumapit si Neche sa mga ito at nagsumiksik din sa kanyang ama.
"Hay! naku kayong mga bata talaga oh! Siya, umakyat na kayo sa mga kwarto niyo at bukas ay pupuntahan natin ang mommy niyo." Agad naman tumalima ang magkapatid.
PAGDATING ni Aljhon sa kanilang bahay ay agad itong tumuloy sa kanyan kwarto at agad pumasok sa bathroom. Nagbabad ito doon, he feel pain, masakit sa puson (toinks) dahil sa nangyari kanina. Kung hindi lang tumawag ang ama niya ay malamang malayo na ang narating nilang dalawa ni Weng.
Ilang oras din siyang nagbabad sa loob ng bathroom bago siya lumabas. Pagkabihis niya ay agad siyang kumuha ng wiskey at nagsalin ng isang kupita at agad niya iyun nilagok. Hindi pa siya nakuntinto at nagsalin pa siya ulit ng isa pang kupita. Ng maramdaman niyang kumalma na ang kanyang pakiramdam ay agad na siyang sumampa sa kanyang kama.
BINABASA MO ANG
I LOVE MY SECRET WIFE(Completed)
RomanceAMBERS CLAN SERIES-1 ALJHON CLYN VERGARA "Honey, God knows how I love you. That's true, I love you so much at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko dahil ikaw ang buhay ko. Your my everything at ng dahil sa'yo ay nabago ang buhay ko. Binago mo ito h...