Chapter 6

34.1K 879 7
                                    

MATAPOS ang paghaharap nila Cindy at ng magkaibigan na Weng at Dawn ay walang ng ginawa ang mga kakaibigan ni Aljhon kundi mag-asaran.

"Alam mo, ang galing ng banat mo kanina Dawn," Ani Sean sa dalaga na namumula pa ang mukha dahil sa hiya.

"Akalain niyo yun, tiklop si Cindy at ang mga alipores niyang mukhang mga tutubing binabad sa suka ang mukha." Dagdag pa nitong ginaya ang  sinabi ni Dawn kanina sabay tawa ni Sean. Kaya agad na inakbayan ni Marco si Dawn habang magkatabi silang nakaupo.

"Javier. Stop teasing Dawn. Kundi babatukan na kita." Ani Marco dito.

"Mmm. So protective." ani Brent. "Yeah! He's acting like a boyfriend of her." Ani Rainier sabay nguso nito kay Dawn.

"Napapansin mo rin pala yun bro?" Nakangisi paring ani Sean kay Rainier.

"Kayo, tigilan niyo ako. Magpakatino na kaya kayo," Ang naiiling na ani Marco sa kanila. "I'm right bro." Ani Marco na binalingan si Aljhon. Agad naman itong tumango bilang sagot.

"Tama nga naman sila Javier. Magpakatino kana kasi, tigilan muna yang pagiging alaskador mo." Ani Rainier na nakangisi. Ngunit ng makita niyang  may dumaang mga nursing student ay agad niya itong sinipulan na halos panabay pa sila ni Sean.

Napapailing naman si Edward na nakikinig sa pang aalaska nila Sean kay Marco at Dawn. "Gago talaga kayong dalawa. Dapat ay kayong dalawa ang magpakatino, yan na ang malaking ebedinsya ay magkasabay pa kayong sumipol kung makakita ng mga babae." Ani Edward sa kanila na seryoso ang mukha, napakamot naman ng ulo ang dalawa.

Si Aljhon naman ay natatawa nalang ito sa mga kaibigan niya. "May balita na ba kay tita? Kumusta na daw ngayon ang lagay niya?" Tanong nito kay Weng na nakasandal sa kanya. Nakapulupot naman sa baywang nito ang dalawang kamay ng binata at ang mukha nito ay nakapatong sa balikat ng dalaga.

"Wala pa. Pero excited na akong makasama siya sa bahay. Kaya sana magising na siya." Ani Weng sabay lingon niya sa binata.

"I hope so," anito. "Pero, sa susunod ay sa sarili na nating bahay ka titira." Pabulong nitong aniya sa punong tainga ni Weng.

"May ganun?" Anitong kunwari ay wala sa kanya ang tinuran ng binata. Pero ng kindatan siya ng binata sabay halik nito sa noo niya ay bigla siyang pinamulhan ng mukha. Kaya mahina niya itong kinurot sa tagiliran.

"Honey! Masakit yun ha! Kaya may bayad yun mamaya." Muli ay pabulong ditong ani Aljhon at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Wala akong utang sayo." Nakasimangot nitong sabi kay Aljhon. Ngumiti lang naman sa kanya ang binatang nakapulupot parin ang mga kamay sa kanyang baywang.

"Later honey." Ani Aljhon sa isip habang sinusupil niya ang kapilyohan sa isip.

"May sundo ka ba mamaya." Halos pabulong namang tanong ni Marco kay Dawn na kinataas ng kilay ni Weng. Umabot parin kasi ito sa pandinig niya. At bilang sagot naman dito ni Dawn ay umiling siya sa tanong ng binata.

"Okay! Ihahatid nalang kita pauwi." Ani Marco dito. "Are you sure?" Tila hindi makapaniwalang tanong dito ni Dawn.

"Bakit mukha ba akong nagbibiro?" Ani Marco sabay lapit nito sa mukha niya. Dahil hindi matagalan ni Dawn ang titig ng binata ay nag-iwas nalang siya ng tingin dito.

"Ehmm! Mukhang nakakalagam na dito. Makapaghanap na nga rin ako." Ani Brent sa mga ito ng biglang tamaan ng bola ang likod niya. "Ouch!" Daing ni Brent.

Nahihiya namang lumapit ang nagmamay ari ng bolang tumama sa likod ni Brent. Pero wala itong nagawa kundi ang lumapit sa kinaruruonan ng binata. Marahan nitong hinakbang ang mga paa sabay hinga ng malalim. Pigil hininga itong lumapit para bawiin ang bola dahil kailangan nila ito sa pagpractice ng vollyball.

I LOVE MY SECRET WIFE(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon