Chapter 11

27.4K 727 5
                                    

KINABUKASAN isang katok ng pinto ang gumising kina Weng at Aljhon. Kaya panabay na napabalikwas ng bangon ang dalawa.

"Sino yan?" Pasigaw na tanong ni Weng dito.

"Ate breakfast is ready, baba na kayo ni kuya Aljhon sabi ni Daddy." Anang kapatid ni Weng na si Neche. Mabuti nalang at nakalock ang pinto ng kwarto niya kundi baka nakita na sila ng kapatid niya. But how they know that Aljhon is inside her room? Abah! mukhang may kakuntsaba ang gwapo niyang fiance.

"Ah! Sige, susunod na kami, salamat." Pasigaw nitong aniya sa kapatid bago niya binalingan si Aljhon na muling nahiga habang nakaunan sa dalawa niyang mga kamay.

"Paano nalaman ni Daddy na dito ka natulog?" Tanong ni Weng kay Aljhon na nakangiti lang sabay hila niya sa dalaga. Kaya muli itong napahiga sa kanyang tabi.

"I told him, bago kita tinawagan kagabi. Tinawagan ko muna siya kung pwedi bang makitulog dito at makatabi sa pagtulog ang future wife ko." Anitong nakangiti kay Weng sabay kindat niya dito. Kaya agad itong hinampas ni Weng na mahina sa dibdib gamit ang kamay niya.

"Akala ko pa naman ang bad ko kasi hindi ako nagpaalam kay Dad na dito ka matutulog." Kunwaring pagtatampo nito sa binata sabay puot. Kaya naman agad pinaghahalikan ng binata sa mukha si Weng.

"Eehh! Bakit mo ako pinaghahalikan. Hindi pa nga ako naghihilamus ng mukha____

Hindi pa man siya tapus ng sasabihin ay sinakop na ni Aljhon ang kanyang mga labi. "Yeah! I know, but your still fresh for me." Anitong nakangiti ng pilyo. "Aljhon." Bigla niyang tinampal ang binata ng bigla siya nitong binuhat.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong niya. "We need to take a shower, masamang paghintayin ang daddy mo. Baka mainip at hindi na niya ako papayagang matulog ulit dito." Anito sabay kindat niya sa dalaga. Kaya ipinulupot nalang niya ang kanyang mga kamay sa batok ng binata at sabay silang pumasok sa bathroom.

Ng matapus maligo sina Aljhon at Weng ay agad silang nagmadaling magbihis. "Tumigil kana." Ang nagdudumilat na saway niya sa binata. Ngunit tumawa lang ito. Ng pumasok kasi sila sa loob ng banyo ay humirit pa ito at hindi naman niya natanggihan. Kaya pakiramdam ni Weng ay nagkalasog-lasog ang katawan niya at mahapdi ang nasa pagitan ng mga hita niya.


Ng makababa silang dalawa ay sa hapagkainan na sila tumuloy kung saan nghihintay ang ama ni Weng. Agad na lumapit sa ginoo si Aljhon na tila walang kalukuhang ginawa sa dalaga. "Good morning tito." Agad niyang bati sa ginoo.

"Good Morning Dad." Bati rin ni Weng sa ama. Pilit umakto si Weng sa harap ng kanyang ama ng normal ng makalapit na sila dito. Dahil mahapdi talaga ang nasa pagitan ng mga hita niya.

"Good morning too," sagot niya sa dalawa. "Oh! siya maupo na kayo at ng makapag almusal." Anang ama ni Weng kaya agad naman silang tumalima.

Pagkatapus nilang mag-almusal ay napagkasunduan nilang sasama si Aljhon sa pagdalaw sa ina ni Weng sa hospital. Kaya magkasabay silang umuwi sa bahay nila Aljhon para makapagbihis ang binata.


Unang beses na aapak si Weng sa tahanan ng mga Vergara at dito nakita niyang may kalakihan lang sa mansyon nila ang mansyon ng mga Vergara. Agad na hinawakan ni Aljhon ang kamay ni Weng at inakay ito papasok sa loob at nasa bungad palang sila ng pinto ng maulinigan nila ang pagsasalita ng ama ni Aljhon.

"Aira, tulog pa ba ang kuya niyo? Dahil hanggang ngayon hindi pa siya bumababa." Ang tanong ng kanilang ama, laging si Aira ang napagtatanungan patungkol sa kuya niya. Dahil kung hindi pa bumababa ang kuya nila ay lagi itong nakahanda ang kapilyahan lalo pa at kung tulog ang kanyang kapatid.

I LOVE MY SECRET WIFE(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon