Chapter 16

25.7K 644 5
                                    

MULA nga ng maikasal sina Aljhon at Weng sa Palawan ay nagsama na ang mga ito sa biniling bahay ng binata. Walang nagawa ang mga magulang nila dahil everything was ready, napailing nalang ang dalawang ginoo dahil inunahan pa sila ni Aljhon. Never kasing nabanggit ng binata ang tungkol sa planong pagpapakasal nila ng maaga ni Weng.

Masaya silang nagsasama bilang mag-asawa na lingid sa mga ibang nakakakilala sa kanila. Dahil ang alam lang ng mga ito ay magkasintahan lang ang dalawa. Tanging ang mga close friends nila ang nakakaalam sa tunay na istado ng relasyon ng dalawa.

"Honey." Tawag ni Aljhon sa asawa isang gabi habang nakahiga sila sa kanilang kama, bahagya lang siyang tiningala ng asawang nakayakap sa kanya.

"Hmmmp?"

"Masaya ka bang nandito ngayon kasama 'ko?" Seryoso nitong tanong kay Weng.

"Bakit kailangan mo pa bang itanong yan? Syempre masaya ako. Wala akong pinagsisihan na sumama na sayo." Nakangiti nitong aniya sa asawa sabay haplos niya ng mukha nito. At nang bahagyang pinikit ng asawa ang mga mata ay biglang piningot ni Weng ang ilong ni Aljhon sabay talikod niya dito at humagikhik.

"Nagiging naughty ang asawa ko ha!" Anito sabay kiliti niya kay Weng.

"Hoh-ho-honey. A-ayaw ko na, suko na ako. Please stop it." Anito sa asawa at tumigil naman ito at tinitigan siya sa mata. At habang magkahinang ang mga mata nila ay unti-unting tinatawid ni Aljhon ang pagitan ng mga labi nila, hanggang maghinang ito. Kusang ibinuka ni Weng ang mga labi para pagbigyan daan ang labi ng asawa. At ikinawit naman nito agad ang mga kamay sa batok ng asawa habang magkahinang ang kanilang mga labi.

Ganun silang dalawa, laging nagkukulitan na mauuwi sa matamis na halikan at mainit na tagpo. Masaya ang mga araw nilang magkasama mula ng magsama sila bilang mag-asawa.

ISANG araw, inimbitahan ang magkakaibigang AMBERS CLAN at QUADRO-X ng isa sa mga naging kaibigan nila sa loob ng university. At ang lahat ng mga bisita ay pawang mga kalalakihan lamang.

"Honey, pupunta ba ako sa birthday party ng anak ni Gov. Iscodiro?" Tanong ni Aljhon sa asawa. Nasabi na niya ito sa asawa ang tungkol sa invitation sa kanilang mag-kakaibigan. Pero makailang beses na rin niyang tinatanong ang asawa kung pupunta ba siya o hindi.

"Honey, ilang beses kana bang nagtanong sa akin?" Ang nakasimangot nitong anang sa asawa. Agad naman itong yumakap sa likod niya.

"Magbihis kana, baka naghihintay na ang mga kaibigan mo sa'yo." Ang pagtataboy nito sa asawa na naiiling. Kaya walang nagawa si Aljhon kundi ang magbihis. Matapus niyang magbihis ay agad nitong nilapitan ang asawang nagbabasa ng magazines.

"Honey! I'm going." Ani Aljhon kay Weng. Agad naman inilapag ni Weng ang hawak niyang magazines at tiningnan niya ang asawa mula ulo hanggang paa.

"Okay! take care honey and be careful sa pagmamaneho." Habilin niya dito sabay yakap niya sa asawa. Agad namang dinampian ni Aljhon ng halik sa labi si Weng sabay ngiti niya dito.

"I will, honey. And I will miss you." Anito bago siya umalis. Kung hindi lang nakakahiya sa mga kaibigan niya ay parang ayaw niyang pumunta sa party. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ang bigat ng katawan niya habang palabas siya ng bahay nila.

PAGDATING ni Aljhon sa resto bar kung saan inukupa ito ni Jack na siyang may birthay ay agad siyang pumasok dito. Agad naman siyang nakita ng mga ito at ang lahat ay nakipagkamay sa kanya.

"Akala namin pare ay hindi kana darating." Ani Jack sa kanya ng tuluyan siyang makalapit sa mga ito.

"Nhaaaa! It's your birthday men, mawawala ba naman ako." Anitong natatawa.


I LOVE MY SECRET WIFE(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon