{THE GRAND WEDDING}
MULA ng malaman ni Aljhon na buntis ang asawang si Weng ay tudo alalay na siya dito. Halos buong bahay nila ay pinalagyan niya ng carpet kung pwedi nga lang maging ang bathroom nila ay palagyan niya ay ginawa na niya. Kahit pag-akyat sa kanilang hagdan ay hindi hinahayaang mag-isa ni Aljhon ang asawa, dahil tudo ang pag-iingat niya para dito. Ang pamilya naman nila ay tudo rin ang paghahanda ng mga ito para sa nalalapit na kasal ng dalawa. Ang dating planong beach wedding ay nabago ito. Dahil ang gusto ni Aljhon ay pakasalan ulit niya ang asawa ay sa simbahan at gusto rin niyang ipakita sa buong madla ang babaing mahal niya na hinding-hindi niya kayang mawala sa buhay niya.
{MANILA Cathedral-ang buong simbahan ay napapalamutian ng kulay puting mga bulalak. At motif's ng simbahan ay white blue ayun narin sa gustong kulay ni Weng.}
---Flash Report---
→Magandang umaga po sa ating mga taga panood, nakalive coverage po tayo ngayon dito mismo sa Manila Cathedral kung saan gaganapin ang pag-iisang dibdib ng mga anak ng dalawang kilalang business tycoon sa bansa na sina Alfred Vergara at William Castañeda. Sa mga karagdagang ulat ukol po sa pag-iisang dibdib nina Aljhon Clyn Vergara at Jessey Weng Castañeda ay sa aming pagbabalik.
Magandang Umaga.NAKAUPO si Weng sa harap ng salamin habang nakamata ito sa kanyang repliksyon ng may tumawag sa kanya. "Anak." Ang pumukaw sa diwa ni Weng habang sapo nito ang maumbok na niyang tiyan. Agad siyang napalingon at nakita nito ang kanyang ama at kasama ang ina nitong maayos na ulit kung maglakad mula ng macomatose ito.
"Kayo po pala." Ang nakangiti nitong aniya sa mga magulang at agad na tumayo.
"Anak! salamat, I know for the first place ay ginawa mo lang ang lahat para maisalba ang kumpanya nating papalubog na_____
Hindi na pinatapos pa ni Weng magsalita ang ama. "Dad, mahal ko po ang pamilya natin at mahal ko rin po si Aljhon kaya wag na po natin pag-usapan ang nangyari. Dahil hindi ko po pinagsisihan na ginawa niyo yun. Let us smile, dahil ayaw ko pong umiyak ngayon. Sige po kayo gusto niyo bang pangit ang buntis niyong anak na ikakasal ulit." Ang nakangiti nitong aniya sa ama sabay halik niya sa noo ng ama at ina. "I love you Mom and Dad." Saad niya sa dalawang napangiti na rin.
"Kayo ang daya ninyo, kayo lang lagi ang nagmomoment tapos ako hindi niyo sinasali." Ang hinampong anang nakasimangot na si Neche.
"Tse! Ang drama mo, halika ka dito at family hug tayo." Ang nakabungisngis na ani Weng. Agad naman itong lumapit sa mga ito.
"Don't worry anak dahil ikaw na lang ang baby damulag namin dito sa bahay, dahil ang ate mo ay may sarili na siyang pamilya." Anang ginang na nakangiti at nilakipan ng biro ang tinuran sa kanyang bunsong anak na si Neche.
"Mommy, talaga oh! baby damulag pa talaga." Ang nakaingos nitong aniya na pinagtawanan lang nila.
"Oh! siya, tayo na at baka mahuli pa tayo sa simbahan." Ang yakag ni ginoong Castañeda sa mag-iina niya.
HABANG nasa loob ng simbahan sina Aljhon ay hindi ito mapakali. "Ano ka ba bro, relax ka lang at darating yun." Ani Marco sa kaibigan na panay ang tanaw nito sa bungad ng simbahan.
Maya't maya ay biglang nagsalita ang wedding coordinator. "Ladies and gentlemen be ready, dahil dumating na ang bride." Kaya agad na pumwesto ang mga ito sa harap ng atlar habang hinihintay ang brides nito.
Entourage......
The wedding song was play, kasabay nito ang paglalakad ng mga first sponsor, ang mga piling ninang at ninong ng ikakasal mula rin sa mga kilalang pamilya.
BINABASA MO ANG
I LOVE MY SECRET WIFE(Completed)
RomanceAMBERS CLAN SERIES-1 ALJHON CLYN VERGARA "Honey, God knows how I love you. That's true, I love you so much at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko dahil ikaw ang buhay ko. Your my everything at ng dahil sa'yo ay nabago ang buhay ko. Binago mo ito h...