Chapter 18

29.4K 736 7
                                    

DAHIL sa nangayaring eksena sa loob ng university ay nagpasya ang magkaabigan na pumunta na lang sila sa tambayan nila, sa Sweet and Honey's Cafe.

"Muntik ka na doon, bro, ah!" Ani Brent na ang tinutukoy niya ay drama ni Cindy kanina.

"Oo nga bro, langya ikaw pa talaga ang naisip na gamitin niya, bakit hindi na lang ako? Dahil kung nagkataon na ako yun ay araw at gabi ay hindi ko talaga siya patulugin." Ani Rainier na lingid sa kaalaman niya ay nasa likod pala niya si Hilda. At dahil si Edward ang nasa harapan niya ay kunwaring ngumuso ito sabay kamot ng batok kaya napalingon ito sa bandang likod niya. At doon tumambad sa kanya ang nakataas ang kilay na si Hilda. Agad namang ngumiti ng alanganin si Rainier sa dalaga na ani 'moy parang maamong tupang nasukol.(wew)

"Hi! hon, kanina ka pa ba dyan?" Anitong nakangiti ng alanganin kay Hilda.

"Ay! hindi dahil wala nga akong narinig at isa pa ay dahil nabibingi ako ngayon." Ang pabalang nitong sagot sa binata na kinakamot nito ng ulo. Agad na umupo si Hilda sa tabi ni Rainier na nakasimangot ang mukha.

"Ngingiti na yan, hindi naman totoo yung sinabi ko. Joke! lang naman yun." Ani Rainier sabay patong nito ng baba niya sa balikat ng dalaga na pinalakihan lang siya nito ng mata.

"Hoy! Sean, pansin ko kanina mo pa pinapaikot yang tawagan mo, tawagan mo na kasi." Sita naman ni Marco kay Sean. At bigla naman itong tumunog at ng makita ni Sean kung sino ang tumatawag ay agad niya itong sinagot.

"Hello! Napatawag ka?" Anito sa kabilang linya.

"Mukha atang ayaw mo akong makausap kuya Sean Xander? Sayang may bad news pa naman ako sa'yo." Anang pinsan niya.

"Eh! Bad news naman pala, kaya wag mo na lang sabihin." Ani Sean dito.

"Kahit ba tungkol kay ate Fattie ay hindi mo parin itatanong?" Ang nakangising tanong nito kay Sean.

"Richelle, wag mo akong pinagluluko kundi maitapon kita ng wala sa oras." Anitong naasar sa pinsan niyang nasa kabilang linya at kausap niya. Ang mga kaibigan naman niya ay nagtataka kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito sa tawagan.

"Kuya, papangit ka niyan kaya dapat cool ka lang." Pang-aasar ulit ng pinsan niya sa kanya.

"Maitapon na talaga kitang bobwet ka." Pikon na nitong aniya sa kanyang pinsan.

"Oh! siya sasabihin ko na." Anito sabay bungisngis sa kabilang linya. "Si ate Fattie daw ay magpapakasal na doon sa anak ng kasusyo ng daddy niya sa business." Anito na para namang nag-echo sa pandinig ni Sean ang sinabi ng pinsan niya.

"Bobwet, hindi nakakatuwa ang biro mo. Talagang malilintikan kana sa'kin." Ani Sean na lukot na ang guwapo nitong mukha na napatayo ng wala sa oras.

"Fine, kung ayaw mong maniwala bahala ka. Basta wag mo ako papagalitan kuya, dahil sinabihan na kita ngayon. Pero ayaw mo naman ako paniwalaan, kaya bahala ka na." Ang seryosong wika ng pinsan nito sa kabilang linya.

"Oo na, naniniwala na ako sayo. Kaya I need to hung up the phone, bye bye." Anito sa pinsan at hindi na niya hinintay pang makapagsalita ang pinsan ng bigla niyang pinatay ang tawagan at may tiniwagan ulit siya. Ang mga kaibigan naman niya ay nakamata lang sa kanya na hindi alam ng mga ito kung ano ang nangyayari sa kanya.

"Hello. It's me Sean, I need a plane ticket right now going to LA. I'm on the way to the airport. Okay! thank you." Kausap nito ang secretary ng ama niya.

"What is going on Sean?" Ang nagtatakang tanong ni Aljhon sa kaibigan nila. Dahil kanina pa ang mga ito nakamata sa kanya at nakikinig habang kausap nito ang pinsan niyang nasa LA na si Richelle. Bago sinagot ni Sean ang kaibigan ay huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.

I LOVE MY SECRET WIFE(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon